Chapter 18- Break

1.6K 37 27
                                    

Bumuti na ang pakiramdam ko nang sumunod na araw kaya pinilit ko si nanay Ofelia na patulungin ako kahit na magaan na trabaho lang, mabuti na lang din at pumayag siya.

Pupunta kasi ulit mamaya ang pamilya ni Celine. Sama-sama ulit sila na mag-lunch.

Kaninang madaling araw umalis ang senyorito Jesian at mamaya ito uuwi.

Habang nagtatrabaho ay tulala ako. Hindi ko kasi matanggal sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng senyorita London.

Hindi ko alam na nakakahalata na pala siya. Nalaman niya na may gusto na ako kay senyorito Jesian kahit hindi ko pa sabihin.

Even to myself, I keep it. I'm scared to admit it because I know senyorito and I can't be together. He's about to marry, and I'm just their maid.

Sobrang layo ng agwat naming dalawa at napakalaking bagay ang engagement nila ni Celine hindi lang sa ospital kung hindi sa estate. Ang balita ko malaking donation sa charity patients ang naka-abang na mapasok sa ospital sa oras na ikasal ang dalawa.

It's painful to fall in love with senyorito Jesian, but it's even more painful to know that I can't ever have him.

Ang sakit magmahal ng tao na alam mong hindi puwedeng mapunta sayo. Himala na lang yata kung mangyari iyon.

Sa bawat araw na nakikita at nakikilala ko ang senyorito, lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Sinubukan ko namang pigilan dahil alam ko na masasaktan lang ako, pero masiyadong taksil ang puso ko.

I didn't know how I started liking him, I just found myself falling. Nakita ko kasi ang kabutihan sa puso niya, ang mga paniniwala niya, at higit sa lahat, ang pagtanggap niya sa akin.

I met people who accepted me, but senyorito Jesian's acceptance is different. Tanggap niya ako hindi dahil naaawa siya sa akin, tanggap niya ako kung hindi dahil ako si Lean.

The fear I had inside when my heart first pounded because of him, totally engulfed me. Ngayon na tuluyan nang nahulog ang puso ko sa kaniya, hindi ko alam kung paano makakaahon.

Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang sakit na makita siya araw-araw, lalo na kapag kinasal sila ni Celine.

Nakakahiya rin sa senyorita London. Nagkagusto ako sa boss ko. Pinakiusapan ko siya na huwag sabihin kahit kanino. Nagpapasamamat din ako na naiintindihan niya ako.

Inabala ko ang sarili ko sa paghihiwa ng mga sangkap para madistract ang isip ko.

Bandang makapananghali ay natapos kaming magluto at ilang minuto pa ay dumating na ang mga apo ng senyor kasunuran ang pamilya nila Celine.

"Pauwi na rin si Jesian, hija. Pasensya ka na at kailangan siya sa ospital," naghanda muna kami ng appetizers sa garden habang hinihintay ang senyorito Jesian.

"Ayos lang po, lolo Fred. Naiintindihan ko po, wala po akong balak na kalabanin ang mga pasyente ni Jesian. Alam ko po na mahal niya ang pagiging doktor," tiningnan ako ni Celine habang ibinababa ko ang plato sa table.

Napatawa ang senyor.

"Napakasuwerte naman talaga ng apo ko." Binaliwala ko ang namumuong bigat sa dibdib ko dahil alam ko na mas lalo lang akong mahihirapan kung ipagpapatuloy ko ang pag-iisip ng mga bagay.

"Well, Jesian deserves someone who has capability po, lolo." Alam ko na ang sinabi na iyon ni Celine ay pagpapatama sa akin.

Napalingon sa akin ang senyor nang ibaba ko ang plato na para sa kaniya.

"Ayos ka na ba, Lean hija? Baka pagalitan ako ni Jesian niyan at pinagtatrabaho kita." Nilingon din ako ng mga apo niya.

"M-mabuti na po ang pakiramdam ko, senyor." Hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo ni Celine.

"Are you sure, Lean? You can take a rest after this. Baka mabinat ka." Tinanguan ko ang senyorita Samara.

"Opo, senyorita. Salamat po." Ngumiti siya at tumango.

"Why? Are you sick, Lean?" Nilingon ko si Celine. Nilagyan pa niya ng concern ang boses.

"Magaling na, ma'am Celine." I don't want to be rude, but I can't hide the coldness in my voice.

"Aw, please take a rest after." She gave me a fake smile.

Tumango na lang ako dahil ayoko nang magsalita.

"The Montano Tech Corporation has been the leading technological company not only in the country but also in Japan and Singapore, and it's a great opportunity to have their support, especially in the hospital," Celine's father stated.

"Because of the family's union, they've got so much interest in expanding the business with us. I heard they haven't had any partnerships before. Mr. Montano has been leading the company independently," ramdam ko ang pagbigat ng hininga ko.

Alam ko na ngayon kung anong lawak ang sinasabi ng senyor sa mangyayaring kasalan.

Nakita ko ang paglingon sa akin ng senyorita London at ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi pa kinakasal ang mga bata marami na ang kumpanyang lumalapit sa atin. Paano pa kapag ikinasal sila?" Celine's mother laughed.

Mukhang mahalaga talaga sa kanila ang epekto ng kasal sa negosyo nila, pero alam ko na hindi ganoon lang para sa senyor. Higit nilang pinapahalagahan ang kasal at pagsasama ng senyorito at ni Celine. Mas importante sa kanila ang kasiyahan ng mga ito.

"All this time, it was the large companies that wanted to invest in the hospital and the estate, but now even small companies are taking the risk. What are your plans, Royse?" Tanong pa nito.

Napatingin ang lahat sa senyorito Royse.

"We are honored, regarding the estate I'm still studying all the sudden changes, but I leave all the decisions in the hospital in Jesian's hands. I'm a business person, not a doctor. More than anyone else, he knows what to do." Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o talagang sumulyap sa akin ang senyorito Royse.

"Yeah, right. Of course, Jesian will be the next chairman after all." Nakita ko kung paano natahimik ang magkakapatid at ang senyor.

Nagkatinginan kami nila ate Tere. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman namin na hindi pa sigurado kung tatanggapin ng senyorito ang pagiging chairman.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari nang kalabitin ako ni ate Tere para ayain sa kusina.

Kumapit siya sa braso ko nang maglakad kami papasok.

"Nakaka-ilang naman doon. Ibang-iba noong ang pamilya nila senyorita Samara ang nagpunta ng mansiyon, ang pinag-usapan kasi nila ay patungkol sa pagsasama nila ni senyorito Royse at hindi ang negosyo," parang nakahinga ng maluwag si ate Tere nang makapasok kami.

Ganoon din ako. Ang bigat ng pakiramdam ko habang iniisip ang senyorito Jesian.

"Pero alam mo ba, ang balita ko mas mayaman pa raw yung pamilya Montano kaysa kila ma'am Celine. Technology kasi ang negosyo nila, kaya feeling ko ang ospital talaga ang target nila," kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin, ate Tere?" Kung gayon nagkataon lang ang alok nito sa kasal ng senyorito?

"May bago raw silang ilalabas na machine kaya handa silang maglabas ng malaking pera," hindi ko alam kung saan nakukuha ni ate Tere ang mga balita niya, pero madalas kasi sila ang namamalengke at nakakasabay nila ang ibang mga kasambahay dito sa subdivision.

"Ang laking tulong din noon sa mga charity patients kapag nagkataon."

Hindi ako nakasagot nang maalala ko kung paano ipinagtanggol ng senyorito ang charity works ng ospital.

It's certain that this is a big discussion for him.

"Sige na, Lean. Magpahinga ka na ulit. Kami na ang bahala rito," kinuha niya ang ang isa pang plato ng strawberry cream cheese bites.

Lumambot ang mga mata ko nang mapagtanto kung bakit niya ako sinama.

"Kaya ko pa naman, ate Tere. Maayos na talaga ang pakiramdam ko," lumapit siya at piniga ang pisngi ko.

"Alam ko, Lean. Kaya nga magpahinga ka na," ngumisi siya kaya napanguso ako.

Tiningnan ko ang kusina at nakita ang ilang linisin sa table at counter.

"Sige na nga, pero aayusin ko muna ang kusina?" Nilibot niya ang tingin at napabuntong hininga.

"Ang kulit mo talaga, Lean. Siya, basta pagkatapos mo magpahinga ka na." Lumawak ang ngiti ko at napayakap sa kaniya.

"Salamat, ate Tere!"

Pagkatapos niyang magpaalam ay inumpisahan ko na linisin ang kusina. Mabuti na rin siguro na manatili ako sa kuwarto, ayoko na madamay pa ang senyorito sa sitwasyon namin ni Celine. Isa pa, baka hindi ko na kayanin ang sakit ng mga susunod na tagpo.

Ang hirap palang magpanggap na okay ka lang kahit ang totoo ay sobra ka nang nasasaktan.

"Being sick is your new way, huh? It seems to be working," napatigil ako sa pagpupunas ng counter nang marinig ko ang boses ni Celine sa likuran ko.

Napapikit ako. Bakit ngayon pa?

Pinilit ko na umiwas sa gulo kaya ipinagpatuloy ko ang pagpupunas, pero nagulat ako nang bigla niyang haltakin ang braso ko.

Napangiwi ako sa higpit ng pagkakakapit niya. Hindi pa gaanong naghihilom ang mga sugat ko.

"Bitawan mo ako, pakiusap," parang hinihigop ang lakas ng braso ko.

Nagsuot ako ng jacket para hindi makita ang mga pasa at sugat ko.

"Kapag kinakausap ka, matuto kang sumagot!" Nakita ko ang galit sa mga mata niya.

Pinilit ko na tanggalin ang pagkakakapit niya sa braso ko, mabuti na lang at mas matangkad ako ng kaunti sa kaniya kaya nagawa ko.

Habang tumatagal mas lalong lumalala ang ugali at pagtrato niya sa akin.

Hinawakan ko ang braso ko at ininda ang sakit.

"Ano ba ang problema mo?" Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya sa akin.

"Problema ko?! You are my problem! You shameful maid!" Hindi ako nakaiwas nang bigla niya akong sampalin.

Sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Nakasuot siya ng singsing kaya naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko nang masugatan.

"Hindi ka pa nakontento na akitin ang fiance ko! Pati pamilya niya dinadamay mo?! Anong gusto mo? Ang hindi matuloy ang kasal namin? Hindi ba iyon ang gusto mo?!" Malayo ang kusina sa garden kaya imposible na marinig nila kami.

Pinilit ko na pigilan ang nagbabantang luha sa mga mata ko.

"Nagkasakit ako at nag-aalala lang sa akin ang pamilya nila, sino man ang magkasakit sa amin sinasabihan nila na magpagaling muna bago bumalik sa trabaho, hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isip mo ang mga ganyang bagay," pinilit ko na manatiling kalmado.

"Liar! Aminin mo na lang na isa kang malanding babae!" Hindi ko napigilan ang mga kamay ko nang dumapo iyon sa pisngi niya.

I saw how her eyes dilated when I slapped her. Hindi siya makapaniwala na masasampal siya ng isang tulad ko.

"Hindi ako malandi at wala kang karapatan na saktan ako," she gritted her teeth and grabbed my jaw. Napahawak ako sa wrist niya.

"Bitawan mo ako, Celine," madiin kong sinabi.

"Don't call me by my name! Bitch!" Lalo siyang nagngitngit sa galit.

"Sino ka sa akala mo para sampalin ako?! I've never been slapped my entire life. tapos sasampalin lang ako ng isang katulong na katulad mo?!" Nangingigil ang boses niya nang mas diinan ang pagkakahawak sa panga ko.

Dahil nanghihina pa ang mga kamay ko ay hindi ko magawang tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Isa ka lang hampas lupa!"

"That's enough!"

Nanubig ang mga mata no nang marinig namin ang pagdagundong ng sigaw ni senyorito Jesian sa buong kusina.

Halos sabay kaming napalingon ni Celine at nakita namin siya sa bukana ng pintuan kasama ang senyorito Cassian at si nanay Ofelia na nanlalaki ang mga mata.

Mabilis na lumapit sa amin ang senyorito Jesian at pabalang na tinanggal ang pagkakahawak ni Celine sa panga ko.

"J-J-Jesian, s-she slapped me! Lean slapped me!" Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko nang ikulong ako ng senyorito sa mga bisig niya para protektahan.

"You deserve it. I can't believe you could do this. I can't believe I let you." Namutla si Celine nang makita kung gaano kadilim ang itsura ng senyorito Jesian.

Sinubukan niyang tingnan ang senyorito Cassian pero malamig lang siya nitong tinapunan ng tingin.

"I'm sorry. I'm sorry, Leigh." Senyorito Jesian kissed me on the forehead.

"Kinakampihan mo ang babaeng iyan kaysa sakin na fiancée mo?!" Humigpit ang yakap sa akin ng senyorito nang biglang sumigaw si Celine.

Nanggagalaiti na siya ngayon sa galit.

"Fiancée?" He asked mockingly.

Inihiwalay niya ako sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Sinubukan kong bumitaw nang hilahin niya ako palabas ng kusina pero masiyadong mahigpit ang kapit niya kaya hindi ko nagawa.

"Jesian!" Sinisigaw ni Celine ang pangalan niya habang nakasunod sa amin pero parang wala siyang naririnig.

Mabilis na napatayo ang lahat nang makita ang paglabas namin.

"Apo? Anong nangyari?" Huminto ang senyorito sa harapan nilang lahat.

Nagpabalik-balik ang tingin nila sa senyorito, sa akin, at kay Celine.

"Celine? Anong nangyari?!" Celine's dad started to be hysterical when he saw that senyorito Jesian was holding my hand.

Kasunod namin na lumabas ang senyorito Cassian at si nanay Ofelia.

Tiningnan ako ni senyorito Jesian sa mga mata.

Hindi ko na maaawat ang mga luha ko.

"S-senyorito,"

Umiling ako sa kaniya dahil nababasa ko sa mga mata niya ang sunod niyang sasabihin.

Lumambot ang mga mata niya, akala ko magpapapigil siya, pero walang takot niyang sinabi ang isang bagay na matagal na niyang gustong gawin.

"I'm breaking this engagement."

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon