"Our start is good. Jesian showed me that he really wanted to marry me, but all of a sudden, his treatment toward me changed. I found out that he's seeing their maid. He disrespected me and my parents. His family didn't even stop him. They influence him. I, we did nothing wrong to deserve that kind of treatment. The Salguero family, they stepped on us."
Celine cried after saying those.
Pinatay ni doc Cheska ang TV at hinagis ang remote sa sofa.
"Best actress of the year!" Napahilot siya sa sintido.
Maging ako hindi rin mapigilan na mapakuyom.
Kumilos na siya. She's continuously blaming Jesian for what happened. Sinisira niya hindi lang pangalan nito kung hindi maging ang pangalan ng pamilya Salguero.
Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay ilalabas na rin niya ang pangalan ko.
Maaaring nag-iisip pa siya ng sasabihin dahil totoong sinaktan niya ako, pero sigurado ako na ilalabas din niya ang pangalan ko. At nakahanda ako. I'm ready to testify that Jesian did nothing wrong.
"Mahigit kalahati ng mga donors ang bumitaw dahil sa testimony ng babaing iyan. Pinipigipit na ng board si Jesian dahil sa mga charity patients, tapos ngayon dumagdag pa ang nangyari."
Nasa conference room ngayon si Jesian dahil may ka-meeting siya na mga lawyers. Dinalhan ko kasi ulit siya ng lunch at tulad ng dati ay gusto niya na sabay na kaming umuwi.
Break ngayon ni doc Cheska kaya pinuntahan niya ako. I tell her the whole story and the truth about me and Jesian.
Naniniwala siya at handa kaming suportahan.
"Naisip ko na linisin ang pangalan ni Jesian, pero ayaw niya akong lumabas sa publiko. Naisip ko rin na siguradong idadawit ni Celine ang pangalan ko, lalo na at mas galit siya sa akin," tiyak na hindi siya titigil hangga't hindi kami napaghihiwalay ni Jesian.
"Jesian's right, you don't have to show yourself for now. Ikaw ngayon ang usapan ng lahat kaya sigurado na mas gugulo ang sitwasyon kapag basta-basta ka na lang lumabas. Ikaw na nga ang sinaktan niya tapos siya pa ang may ganang manira? Ang kapal!" Napatitig ako sa laptop na nasa harapan ko. I'm reading comments, and the general public is talking about me right now.
Marami ang nagtatanong, naghahanap ng katotohanan, pero marami rin ang naniniwala sa statement ni Celine. Lalo na ang mga tagahanga nito. They're even spreading fake news about me.
"Hindi naman ako nag-aalala para sa sarili ko, wala akong masisira na reputasyon dahil hindi naman ako kilala ng publiko. I'm worried to Jesian and his family, as well as the hospital and in the estate. Maraming tao ang nakakakilala at nagtitiwala sa kanila, ayoko na masira lahat ng iyon dahil sa mga paratang ni Celine na wala namang katotohanan," napabuntong hininga si doc Cheska at napayakap sa balikat ko.
"Don't worry too much, Lean. They're trying to reach out to Mr. Montano. He's a businessman, kaya mas importante sa kaniya ang negosyo kaysa sa personal affair."
Ang investment ni Mr. Montano sa ospital ay malaking tulong para sa mga charity patients, lalo na ngayon dahil pinapalabas din ng ama ni Celine na umaasa lang ang ospital sa Estate, sinabi nito na walang kakayahan ang ospital na tumayo sa sarili nitong paa. Kulang daw sa kakayahan ang board para patakbuhin ang ospital, lalo na ang mga ginagawang desisyon ni Jesian.
Nabanggit ni lolo Fred na ang mahalaga kay Mr. Montano ay masubukan ang mga bago nilang machines. Pinaghirapan daw nila iyon, the machine is for the cardiology and neurology departments. Since the Salguero hospital has the best doctors in the country, he wants them to try it first.
Kapag itinuloy ni Mr. Montano ang investment sa ospital at pagtitiwala ng mga bago nilang machines, lalabas na hindi siya naniniwala sa mga balita na kumakalat patungkol kay Jesian at sa ospital. Malaking tulong iyon lalo na at nangunguna sa technology industry ang company niya.
Kaya lang dahil sa mga nangyari, parang nagdalaang isip ito. Sana lang ay macontact siya ni Jesian. Pribado rin daw kasi itong tao katulad ng pamilya nila.
Tulad ng nabanggit noon ng parents ni Celine ay pinapatakbo ng pamilya niya ang kumpanya nila independently. Wrong timing lang dahil kung kailan nito napili ang ospital ay nasabay pa ang issue namin.
"Magaling si Jesian. Hindi siya basta-basta susuko lalo na at ikaw ang ipinaglalaban niya," tiningnan ko si doc Cheska.
"Pero kinikilig talaga ako," nagulat ako nang biglang sumigla ang mood niya. Her eyes shimmer.
"Isang amo at isang kasambahay, don't get me wrong ha. Isn't it just so romantic? It's like a Disney story. Sinasabi ko na nga ba at iba ang tinginan niyo, I know Jesian and I know when there's something's odd about him. Lalo ka na noong sinabi mo na ayaw mo si Celine para sa kaniya, why didn't you tell me that she's hurting you? Naku, makakatikim iyon sa akin," sandali akong natigilan bago tuluyang mapatawa.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...