Chapter 2- Heavy Feeling

1.4K 28 6
                                    

"Ilang beses ko ba na sasabihin na magpahinga, magpahinga, magpahinga! Puwede mo naman po na tapusin ang trabaho mo kapag magaling ka na, senyorito!" Hindi ko napigilan na pumameywang sa harapan ni senyorito Jesian.

Sa loob ng tatlong araw niyang pagpapagaling hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang nasabihan ng ganito.

Pagpasok ko ng kuwarto niya para sabihin na pinapatawag siya ng senyor ay naabutan ko siya na nasa kama habang nakaharap sa bunton ng mga folders.

Noong una nag-aalinlangan pa ako na pagsabihan siya, pero sinabihan din ako ni senyor Alfredo na gawin ko ito dahil kapag nanahimik ako ay mas lalo lang nitong sasamantalahin.

Gayon pa man, alam ko naman ang limitasyon ko at may paggalang pa rin kapag sinasabihan ko siya. Dahil kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo, siya pa rin ang amo ko.

"Easy, Lean. May tiningnan lang naman ako," pasimple niyang sinara ang folder na hawak.

"Pang-ilang sagot mo na ba iyan?"

"Pang-ilang saway mo na ba iyan?" Mabilis niyang balik.

Napatampal ako sa noo ko.

"Ang lurit mo talaga, doc. Kapag hindi ka gumaling agad, mas lalong hindi ka makakapagtrabaho," sinimulan kong kuhanin ang mga folders na nasa kama niya para ibalik sa study table.

Malaki ang kuwarto niya. May queen size bed, bookshelf, closet, at sofa. Naka-display ang isang piano at violin sa tabi ng bookshelf habang nakasabit ang ilan nilang family pictures sa pader, katabi noon ang isa pang cabinet kung saan nakalagay ang mga awards at plaques niya sa larangan ng medicina at racing.

"You're also stubborn. I'm totally fine. Kayang-kaya ko na nga na magtrabaho," umayos siya para makaupo sa gilid ng kama.

Totoo iyon. Mabilis gumaling ang binti niya, pero hindi naman talaga iyon ang problema.

Sobrang pagod ang tunay na dahilan kung bakit kailangan niyang magpahinga kaya hangga't maaari ay tinatanggalan siya ng doktor ng ikaka-stress.

"As if naman pagtatrabahuhin ka ng senyor," I said as a matter of fact.

I crossed my arms when I faced him after I finished organizing the folders.

Iyon ang napansin ko sa kanilang magkakapatid. Kapag ang senyor ang nagsabi o humiling hindi nila matanggihan.

"You're merciless, Lean," he also crossed his arms and shrugged his head.

"May awa pa ako, senyorito. Pinapatawag ka ng senyor," imbis na tumayo ay sumandal pa siya sa headboard ng kama.

"Sabihin mo kay lolo nagpapahinga ako," nanliit ang mga mata ko nang bigla siyang ngumisi.

Dahan-dahan akong lumapit kaya pasimple niya akong sinulyapan.

"Ngayon naman magpapahinga ka? Importante raw ang sasabihin ng senyor Alfredo," huminto ako sa gilid ng kama niya.

"Importante rin ang pagpapahinga ko. Hindi ba pinagpapahinga niyo nga ako?" Pilosopo niyang sagot at nilingon ako.

Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero naisarado ko rin nang walang masabi.

Lalo siyang napangisi.

"Gumaganti ka ba, senyorito?" Tuluyan akong umupo sa kama niya.

He raised his eyebrows and looked at me with an amused grin.

"Is this the mad Leandra Leigh Fontanilla?" Napakurap ako.

Alam niya ang buo kong pangalan?

"Hala galit na nga," tumawa siya kaya nahampas ko siya sa binti. Huli na para maisip ko ang injury niya.

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon