Everyone was so happy and surprised when Jesian and I announced our engagement over the breakfast.
I think they have an idea about his proposal, but they didn't know he would do it right away.
Alam ko naman na pinag-isipan niya ito ng mabuti. Nasabi rin niya na matagal na niya itong gustong gawin.
"I can't believe you really did it, our baby boy is getting married!" Napayakap si ate Yanna sa kaniya at pinaghahalikan ito sa pisngi.
"Congratulations to the both of you, kailan ang kasal?" Nilapitan naman ako nila ate Samara at tiningnan ang engagement ring.
London even took a photo to send it on our group chat.
"Very soon." Nilingon ako ni Jesian kaya lalong lumawak ang ngiti ko.
"Masaya kami para sa inyo. Mahirap na ang naging simula niyo pero lalo pa itong humirap nitong nakaraan. You deserve to be happy." Napayakap si Jesian kay kuya Royse nang tingnan kami nito.
Kung hindi rin dahil sa suporta nila hindi namin malalampasan ang mga naging problema.
"Hindi ka na ngayon maiinggit sa amin, baby. You have found a kind and wonderful woman." Ginulo ni kuya Cassian ang buhok nito. Ngumiti ako nang lingunin nila ako.
"Hindi na talaga, kuya." May halong pagmamalaki ang boses nito kaya nagtawanan silang lahat.
Napailing naman ako.
Ako rin naman. Kung tutuusin nga ay pakiramdam ko ako ang mas suwerte sa aming dalawa, hindi lang kasi siya dumating sa buhay ko. Binigyan niya rin ako ng panibagong pamilya. Naging daan pa siya para magkita kami ni papa.
"Hangad ko na magtuloy-tuloy na ang magandang daloy ng relasyon niyo, mga anak." Napayakap ako kay nanay Ofelia.
Their happiness for us is also genuine. Alam ko na nahirapan at nag-alala rin sila sa sitwasyon namin.
"Narito na po ang senyor Leandro!" Natigilan ako nang marinig ko ang anunsyo ni ate Digna.
Nagkatinginan kami ni Jesian. Naglakad siya papalapit sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim at kalmado na hininga.
Matagal ko na pinag-isipan kanina kung paano ko siya kakausapin at alam ko sa sarili ko na kailangan ko lang maging totoo.
Nakita namin si papa na pumasok ng may malawak na ngiti sa mga labi. Tumayo ako para batiin siya.
"Good morning, my beautiful daughter," humalik siya sa pisngi ko.
"Magandang umaga rin, lolo Fred. Mga bata, Jesian," tiningnan niya ang pamilya na bumati rin sa kaniya pabalik.
"Handa na ba na umuwi ang anak ko?" Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, pero napahinto nang maramdaman at makita ang singsing na nasa daliri ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Napatingin siya sa akin at kay Jesian.
Mabigat ang paghinga ko. Alam ko na masasaktan ko si papa sa desisyon ko na ito. I feel guilty, pero naniniwala rin ako na maiintindihan niya ako.
"Papa," hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm so-"
"Shh," hindi ko natapos ang paghingi ng tawad nang putulin niya ako.
He held back my hands and smiled.
Tiningnan niya ang singsing. I can see genuine happiness and acceptance in his eyes.
"Sinabi ko sayo na puwede mo na sabihin sa akin ang lahat, anak. Hindi kita pipigilan sa mga desisyon mo, naniniwala ako at gusto ko na maging masaya ka. Nagkahiwalay tayo sa loob ng mahabang panahon, gusto ko na makasama ka, pero siyempre habang masaya ka. Nalaman ko ang lahat ng pinagdaanan mo, at hinding-hindi ko aagawin ang kasiyahan na halos ngayon mo lang nakukuha," nilingon niya si Jesian.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
Storie d'amoreHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...