Kabanata 11
|Mic's Point of View |
Ano bang mga pinag-iisip ko? Dami ko ng problema magdadagdag pa ako.
"Kahit anong pilit mong itago ang lahat, kita pa din sa mga mata mo Mics." Nanlaki ang aking mga mata at napatitig kay Trixie dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tinawanan ko sya at umiwas ng tingin.
"Ewan ko sayo pero ikaw bahala. Ikaw yan eh, kung ayaw mong magsabi okay lang naman basta wag mong iipunin lahat. Subrang sakit nyan sa dibdib lalo na't wala ka pa naman nun." Pinanlakihan ko sya ng mga mata at hinampas sa braso.
"Grabi ka sa akin. Porket ang laki-laki nyang sayo, ginaganyan-ganyan mo na ako." Akala ko pa naman, papayuhan nya ako ng maayus pero hindi pala dahil agad nya din iyong binawi.
"I'm just stating the fact." Kalmadong sabi nya.
"Oyy Mics." Pareho kaming napatigil ni Trixie at napalingon sa likuran ng marinig ang pangalan ko. Doon ko nakita si Zion. "Hindi ka pa pala umuuwi?"
"Obvious ba?" Pamimilosopo ko.
Nasa may malapit sa entrance pa kasi kaming dalawa ni Trixie. Nasa tabi naman kami kaya hindi kami nagiging harang sa mga dumadaan.
Napatigil lang kami sa paglalakad dahil sa pinag-uusapan namin kanina ni Trixie.
"Hatid ko na kayo." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman tumingin ako kay Trixie ngunit nakatingin din pala sya sa akin at mukhang hinihintay din ang sasabihin ko.
"Ahm..."
Naputol ang sasabihin ko ng makita ang lalaking hindi ko inaasahan na naandito ngayun. Nakaupo sya sa waiting area habang nakatingin sa gawi namin.
Hindi ko alam kung paanong hindi ko sya napansin kanina. Hindi ko nga alam kung paano sya napunta dito at kung anong ginagawa nya.
Muli kong ibinalik ang atensyon kay Zion at pilit na kinakalma ang sarili. Iniiwasan ko din na magawi ang tingin ko sa binatang hindi pa din inaalis ang tingin sa akin.
"Hindi na, may pera naman kami pambayad sa trycycle." Pagtanggi ko kay Zion.
"Sigurado ka? Mas makakatipid pa kayo kung ihahatid ko na kayo." Pagpilit pa din nito.
"Zion." Pagtawag ng mga kalalakihan na bagong dating lang. Bali tatlo sila at alam kong mga kaibigan sila ni Zion mula sa kabilang strand.
Madalas ko kasing makitang kasama nya ang mga lalaking iyon. Hindi naman ako manhid noh para hindi mapansin ang mga nasa paligid ko
"Sya na ba yung babaeng kwenikwento mo palagi?" Napakunot ako ng nuo dahil sa tanong nito.
"Oo nga, parang sya yun. Yung mukhang bibig mo. If hindi ako nagkakamali, her name is Mics right?" Sabi pa ng isa.
Napahawak naman ng batok si Zion at alanganing tumingin sa akin.
"Sorry about them." Bulong nya. "Wait lang, kakausapin ko lang sila." Pagpapaalam nya at iniwan kami.
Lumapit ito sa mga kaibigan nito. Narinig pa naming kung paano sya tuksuin ng mga kaibigan nya ng tuluyan itong makalapit sa kanila.
Nagtataka din ako kung bakit kailangan nya pang magpaalam sa akin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Trixie at tinaasan nya ako ng kilay.
"Anong meron sa inyong dalawa?" Diretsahan nyang tanong.
Napabuntong hininga na lang ako. Sabi na eh, yan ang iisipin nya.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romansmics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...