Kabanata 17
| Mic's Point of View |
"Kukuha lang ako ng baso." Pagpapaalam ko sa kanila at pumasok na sa loob.
Hindi ko na din pa hinintay ang sasabihin nila. Gusto kong makatakas sa mga titig ni EJ. Halos ilang araw ko din itong hindi nakita at aaminin ko sa sarili kong namiss ko ang binata.
Nang makapasok sa loob ay sinilip ko pa muna si Rey at mukhang mahimbing pa din itong natutulog. Nakatuwad pa ang pwet nito.
Pumunta na ako sa kusina para kumuha sana ng baso ng bigla akong mapatigil dahil sa tumikhim mula sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si EJ.
"A-anong ginawa mo dito?" Kinakabahan kong tanong. Umiwas din ako rito ng tingin dahil parang hindi ako makakatagal sa mga titig nya.
"Can we talk?" Narinig kong tanong nito pero hindi pa din ako tumitingin sa kanya. Ni-hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko eh. "Mics naman, don't act like I'm not here."
Huminga muna ako ng malalim bago ibuka ang bibig ko para sana magsalita pero agad ko ding naitikom ng dahan-dahang lumapit sa akin so EJ. "A-anong ginagawa mo? Bakit ka lumalapit?"
"Ganyan ka ba kagalit sa akin? Hindi mo man lang ako kinakausap o tinitingnan. Parang hangin lang ako sayo ahh." Ramdam ko ang pagtatampo sa boses nito ngunit para saan?
"Ano bang mga pinagsasasabi mo? Bumalik ka na nga lang doon." Pagkasabi ko nun ay tumalikod ako sa kanya para kumuha na ng mga baso ngunit hindi ako nakagalaw ng maramdaman ang hininga nito malapit sa leeg ko.
Itinukod din nito ang dalawang kamay sa lamesa na para bang kino-corner ako. Fuck, ano ba talaga ang gusto ng lalaking ito? Kahit anong pilit kong pag-iwas ay sya namang paglapit nito sa akin.
Halos manginig ang buo kong katawan ng tumama ang mainit nitong hininga sa balat ko. Bakit ba ganito kalala ang epekto nya sa akin? Putangina.
"Alam mo ba kung bakit hindi ako sayo nagpakita nitong mga nakaraang araw?" Tanong nya sa akin pero hindi ako makasagot dahil sa parang nawawala ako sa sarili dahil sa ginagawa nya ngunit wala pa naman syang ginagawa eh! Yun yung problema ko, titig nya lang at pagdiit sa kanya ay halos hindi na mag-function ang katawan ko.
"Pwedi bang lumayo ka sa akin?" Matapang kong utos sa kanya kahit ang toto'oy kinakabahan talaga ako. Pasalamat nga't hindi ako nautal.
"And if I don't want to? What you gonna do?" Naramdaman ko ang kamay nito sa baywang ko, napapikit na lang ako ng dahan-dahan nya akong iharap. "Look at me Mics, please."
Hinawakan nito ang baba ko at iniangat. Halos inches na lang ang layo ng katawan namin at maging ang hininga nya ay tumatama na sa mukha ko. Idagdag pa ang puso kong nakikipagkarihan sa subrang bilis ng tibok.
"Ano bang gi-ginagawa mo? Hindi kita maintindihan."
"Maski ako, hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Your the only one who make me like this and I don't like it." Hinawi nito ang bangs ko at tinitigan ako. Fuck him, parang hindi ako tatagal. "Hindi ako sayo nagpakita nitong mga nakaraang araw dahil gusto kong masigurado kung ano ba 'tong nararamdaman ko."
"Ano bang nararamdaman mo?" Hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak na sa pisngi ko para sana alisin ngunit hindi nya ako hinahayaan.
"I like you Mics and I'm really fucking sure about that. I don't care if Calix was one of your ex's. Basta ang mahalaga ay masabi ko ang nararamdaman ko sayo." Gusto ko mang malaman kung paano nya nalaman na ex ko si Calix ngunit ang mas nangingibaw sa isip ko ay ang pag-amin nya sa akin.
"Did you just confess to me?" Nahawa na tuloy ako sa pag-ingles-ingles na yan.
"Yes, why?" Hindi ko na alam kung bakit hindi ko na maibuka ang bibig ko kaya naman inilingin ko na lang sya. "Advance sorry."
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Storie d'amoremics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...