Chapter 4

14 3 0
                                    

Kabanata 4

| Mic's Point of View |

Nagluto lang ako ng ginisang ampalaya na may itlog. May mga nakatabi kasing gulay para kung sakali man ay hindi na kailangan pang bumili sa tindahan. Mas ayus na din ito dahil mas nakakatipid pa kami.

Nagbibigay naman si mama buwan-buwan, tatlong libo pero kailangan namin yun pagkasyanin sa loob ng isang buwan. Hindi iyon sapat kaya naman tumatanggap ako ng labada.

"Luto na, pumarito na kayo dito." Pagtawag ko sa kanila. "Maghugas muna kayo ng kamay." Utos ko ng makapasok sila sa kusina.

Katulad ng sala at ng kwarto ay maliit lang din ang kusina namin. Pagpasok ay agad bubungad agad ang lamesa, sa kaliwang bahagi naman ang lababo. May mini-ref din kami na nasa tabi lang din ng pintuan. May isa ding pinto palabas sa likod bahay.

Hindi man malaki ang bahay na meron kami at hindi katulad ng iba na may pasecond-floor pa ay masaya naman kami dahil meron kaming bahay. Madali ko din nakikita ang mga kapatid ko hindi katulad ng malalaki ang bahay, pakiramdam mo ay wala kang kasama.

"Magsandok kang mag-isa Rey huh, nasa tapat mo naman na ang pagkain." Utos ko dito.

Nakita ko pang bumusangot ito pero kalaunan ay sinunod nya din naman.

"Si papa ba, hindi pa umuuwi?" Narinig kong tanong ni Gian kaya naman napatigil ako sa pagsubo.

Nilingon ko ito. "Hindi pa, titirhan na lang natin sya." Pagkasabi ko nun sa kanya ay kumain na muli ako.

Nasanay na kaming ganito. Kaming tatlong magkakapatid lang ang madalas na magkasama-sama. Si papa ay laging nasa inuman at aminin ko man o hindi, nag-aalala din ako para sa kalusugan nya. Baka magkasakit sya sa ginagawa nya pero wala naman akong lakas ng loob para pigilan sya. Anak lang ako.

Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Kung bakit ang gulo sa may sala at kung bakit may basag na bote sa kusina. May idea na din naman ako kung ano ang dahilan pero kailangan ko pa ding malaman ang nangyari.

"Gian." Pagtawag ko sa atensyon nito. Lumingon sya sa akin pati narin si Rey. "Kumain ka Rey, wag kang tsismoso." Nginusuan ako nito at bumalik na muli sa pagkakain.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Gian na nakaharap na sa akin ngayun at hinihintay ang sasabihin ko.

"Ano yun ate? May problema ba?" Inilingan ko ito.

"Wala naman pero gusto ko lang malaman kung anong nangyari dito kahapon pag-uwi ko." Napatango-tango naman ito.

Kita ko din ang pagkuyom ng kamao nya at umiwas sa akin ng tingin.

"Gian-

"Si papa kasi, umuwi ng tanghali tapos hinahanap ka. Sabi ko ay nasa school ka pa tapos yun, nagwala na naman." Maiksing kwento nya.

"Eh yung basag na bote sa kusina, anong ginawa ni papa dun?" Lumingon ito sa akin.

"Binato nya ng sabihin kong hindi ka pa umuuwi. Nasa kusina ako nun at kakatapos lang magsalang ng sinaing." Umiwas muli ito ng tingin sa akin.

Napalunok naman ako dahil sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung anong pwedi kong magawa kung malalaman kong sila naman ang sinasaktan ni papa pero sa oras na mangyari yun. Talagang aalis na kami at isasama ko sila. Hindi ito ang ginusto kong pamilya.

Pinilit kong maging kampante sa kabila ng nararamdaman ko matapos malaman ang ginawa ni papa.

Ipinagpatuloy ko na lang din ang pagkakain ko kahit na nawalan na ako ng gana. Pinilit ko lang ang sarili ko na ubusin ang pagkain na nasa plato ko.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon