Chapter 12

5 2 0
                                    

Kabanata 12

| Mic's Point of View |

"Mics, naadyan ka pa ba?" Pareho kaming napalingon sa may pinto ng marinig ang boses na iyon.

"Naadyan na sundo mo." Muli kong nilingon si Gian. "Masaya ako para sayo."

"Ako din, masaya ako para sayo. Ikaw na muna bahala kay Rey." Tinanguan lang ako nito at binigyan ng isang malawak na ngiti.

Kinuha ko na ang toga ko pati narin ang iba pang gamit na kailangang mamaya. Kagahapon ko pa ito inihanda para iwas hussle.

Umalis na din ako at baka mahuli pa kami. Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sa akin si Maia. Nasa likuran naman nito si Trixie.

Si Maia ay nakasuot ng peplum dress na hanggang tuhod lang ang haba samantalang si Trixie naman ay halter dress.

"Tagal mo, kanina pa kami naandito." Pagmamaktol ni Maia kahit halatang kadarating lang naman.

"Oa mo, tara na nga." Saad ko.

Nauna na din ako sa kanila papunta sa sasakyan. Sumunod na din naman sila sa akin.

"Hello po tita." Bati ko kay tita Amanda pagkasakay.

Sa may backseat kami ni Trixie nakaupo samantalang si Maia naman ay nasa front seat, katabi si tita Amanda, ang mama nya. Nagbyabyahe na din kami.

"Kumusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo." Bigla akong napatigil dahil sa gulat. "Pasensya ka na, hindi naman sa tsismosa ako pero nabalitaan ko lang mula sa mga kakumpare ni George." Tukoy nito sa papa ko.

Ilang araw na ding hindi umuuwi si papa.  Wala akong idea sa kung nasaan man ito pero alam ko naman kung ano ang ginagawa nya, walang iba kundi ang mag-inom.

Napalingon ako kay Maia ng ngitian nya ako ng alanganin at pabulong na humingi ng 'sorry'. Pinakitaan ko lang naman ito ng 'okay lang' sign gamit ang kamay ko.

Bumaling ito sa mama nya, ako naman ay nanahimik na lang.

"Mama, ganun din yun. Saka tsismosa ka naman talaga, naghahanap ka pa ng dahilan eh." Narinig kong pagbibiro ni Maia na alam kong iniiba nya ang topic.

Napalunok na lang ako ng alanganin. Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya ko. Wala naman kasi dapat pag-usapan.

"Okay lang iha kung hindi mo masagot. Pasensya ka na talaga. I was just concern about you. Parang anak na din kita kaya kung kailangan mo ng tulong, willing akong tulungan ka basta magsabi ka lang."

"Maraming salamat po pero kaya ko naman po. Kahit papaano ay nakakaya naman naming magkakapatid. Thank you po sa pag-aalala at concern ninyo." Tanging nasabi ko na lang habang nakatingin sa labas.

Pagkasabi ko nun ay naging tahimik na lang ang buong byahe. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung kasalanan ko ba.

Alam na din pala ng mga kaibigan pero wala man lang silang sinasabi sa akin pero naiintindihan ko naman. Yun nga ang gusto ko.

Si papa naman, hindi ko alam kung kailan ito balak umuwi. Kahit na wala itong ibinibigay sa amin na kahit na ano, mahalaga pa din ang presensya nya sa amin. Ama pa din namin sya kahit na ganun nya kami itrato.

Hindi din nagtagal ay nakarating na din kami. Pagkatapos maipark ni tita Amanda ang sasakyan ay sabay-sabay na din kaming pumasok sa loob.

Kinuha ko ang cellphone sa dala kong shoulder bag upang tingnan kung anong oras na, 7:30 AM. Nilibot ng paningin ko ang buong paligid at halos lahat ng mga magraduate ay naandito naman na.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon