Chapter 9

13 4 0
                                    

Kabanata 9

| Mic's Point of View |

"Bakit gising ka pa hanggang ngayun? Okay ka lang ba?" Tanong ni Gian.

Nakahiga na kami at nasa kwarto nila ako dahil napagpasyahan kong katabi sila matulog. Nasa gitna si Rey na mahimbing ng natutulog. Kaming dalawa naman ni Gian ay gising pa.

Si papa, hindi ko alam kung saang inuman na naman naroroon. Pagkauwi kasi namin kanina ay wala na ito at ang tanging natira ay ilang basyo ng alak.

"Eh ikaw? Ba't gising ka pa hanggang ngayun?" Balik kong tanong dito.

Humarap sya sa akin at tinitigan akong mabuti kaya naman napahiga ako ng tuwid at tumingin sa kesami.

"May problema ba?"

"Wala naman. Matulog ka na at sya. May practice pa atah kayo bukas." Aniko.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito. Mga ilang minuto pa ay wala na akong narinig sa kanya kaya naman tiningnan ko sya. Tulog na ito at humihilik pa nga.

Sinubukan kong matulog ngunit dumaan na ang halos isang oras at wala pa din. Gising na gising pa din ang diwa ko.

Napabangon na lang ako ng wala sa oras.

"Kailangan ko ng sariwang hangin..." Bulong ko sa kawalan.

Tiningnan ko pa ang dalawa kong kapatid at ng makitang mahimbing itong mga natutulog ay lumabas ako at pumunta sa may tambayan pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay agad kong nakita si mama na lumabas sa isang magarang sasakyan.

Agad nangunot ang nuo ko dahil sa nakikitang tagpo. Hindi ko din namalayan na nasa labas na pala ako, nakatayo na ang pinapanuod sila.

Mga ilang segundo pa ay nakita ko ang paggawi ng tingin sa akin ni mama. Sa una ay mukhang nagulat pa ito pero ng maglaon ay parang wala lang sa kanya ang lahat.

Hindi gaanong malawak ang bakuran namin kaya mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko pa ang pagpapaalam ni mama sa lalaki. Hindi ko din gaanong maaninag ang lalaki dahil sa madilim kung nasaan sila, tanging sinag lang ng buwan ang naging paraan para malaman kung ano nga ba ang ginagawa ni mama.

Sinundan ko lang ng tingin si mama ng pumasok ito sa bakuran. Tinaasan pa ako nito ng kilay ng makita ako.

"Ba't gising ka pa hanggang ngayun?" Tanong nito ng nasa harapan ko na sya.

Iisipin kung concern sya sa akin pero ramdam ko ang kawalan ng gana nito sa tuwing kinakausap nya ako. Imbes na sagutin ang tanong nya, mas nangibabaw sa akin ang tagpo ng kasama nya.

"Sino sya ma?" Tiningnan ko pa ang lalaki na hindi umaalis, mukhang hinihintay ang mama ko.

"Tigilan mo nga ako Mics. Kung sino man sya, wala ka ng pakialam dun." Malamig nitong sabi at nilampasan lang ako.

Ang planong pagsagap sana ng sariwang hangin ay mukhang nauwi pa sa masama.

Bago pumasok sa loob ay napansin ko din ang isang lalaki mula sa hindi kalayuan, malapit lang din ito sa may kotse ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa at sinundan si mama dahil parang hindi ako makakatulog ngayung gabi kung hindi masasagot ang katanungan sa aking isipin. Kailangan ko din sa kanyang sabihin ang tungkol sa nalalapit na graduation namin ni Gian.

Okay lang naman sa akin kung walang mag-aasikaso at makakadalong magulang sa akin dahil sa sanay na ako simula pagkabata pa lang. Ang ayaw ko lang ay maranasan din ni Gian ang naranasan ko.

Ng makapasok sa sala ay nakita ko si mama na may ibinitang na sobre sa lamesa. Nilingon nya ako at kitang kita ko ang emosyon sa kanyang mga mata.

"Sa tingin ko naman sapat na ito para sa isang buwan, katulad ng lagi kong binibigay sayo. Subra-subra na din naman yan." Aniya.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon