Kabanata 16
| Mic's Point of View |
Kakausapin ko si Calix bukas na bukas din. Gusto kong malaman ang dahilan nya kung bakit kailangan nyang pagsinungalingin ang kapatid ko. Wala naman syang karapatan at dapat hindi din sya mangialam sa problema namin.
Saka si papa...
Matagal na akong pagod at ayaw ko na. Kung ganito lang din naman ang mangyayari mas mabuti pang wag na lang syang magpakita pa. Hindi ko hahayaan na maranasan ng kapatid ko ang naranasan ko noon. Hindi pwedi.
Napatingin kami pareho kay Gian ng makita ito sa may pinto papasok ng kusina, halata sa mukha nito ang pagtataka.
"Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyak?" Bakas rito ang pag-aalala ng lumapit sya sa amin.
Inayos ko naman ang sarili ko pati narin si Rey na halos mugto na ang mata, kakaiyak. Nang okay na ang lahat ay tumayo ako at nagtungo sa dapog, inahon ko na ang kanin at sunod ko namang isinalang ang ulam.
Gusto ko ding umiwas sa mga magiging tanong ni Gian. Ayaw ko kasing ipaalam sa kanya, kung kaya kong masolusyonan ang problema ay gagawin ko.
"Ate, pwedi bang sabihin mo sa akin kung anong dahilan at nag-iiyakan kayo kanina?" Sabi na eh, magtatanong sya. Tangina naman, magkapatid nga talaga kami.
Humarap ako dito. "Wala yun, may pinag-uusapan lang kami ni Rey at sa amin na lang yung dalawa."
"Pero ate-
"Saan ka nga pala galing? Bakit ngayun ka lang? Nagkain ka na ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya, nais kong ibahin ang topic dahil ayaw ko ng magkwento pa at sabihin sa kanya ang totoo. Sana naman ay gumana.
"Pwedi ba ate, wag mong ibahin ang usapan. Tinatanong ko kung anong problema? Bawal ko bang malaman?" Nakakunot na ang nuo nito habang nakatingin sa akin.
Haysstttt, ang tigas talaga ng batang ito. Hindi nagpapatinag. Pero hindi ko hahayaan na malaman nya ang totoo, hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya gusto ko lang na wag na syang pag-alalahanin.
Alam ko ang ugali nya, tutulong sya kung may magagawa sya ngunit hindi ko yun papayagan. Responsibility ko yun bilang ate kaya hindi pwedi, talagang hindi.
"Hindi yun importante kaya wag ka na lang magtanong, saka secret nga sabi namin yun ni Rey, diba?" Nilingon ko si Rey na pinapanuod kami. Tinanguan naman ako nito at nag-thumbs up pa, buti pa ang batang ito.
"Ate naman." Si Gian na nagpapadyak na ng paa.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Eh ikaw? Sagutin mo lahat mg katanungan ko sayong bata ka."
Napansin ko agad ang pag-iwas nito ng tingin sa akin. Alam ko ng may tinatago sya at hindi ako makakapayag na hindi yun malaman unless na lang kung sabihin nya na ngayun.
"Sa barkada ko lang ako galing, nagkain na din ako. Hindi ko din namalayan ang oras kaya ngayun lang ako nakauwi." Hindi ito sa akin makatingin habang sinasabi nya ang mga iyon kaya alam kung may tinatago talaga sya sa akin.
"Sigurado ka? Hindi ka sa akin nagsisinungaling? Baka malaman ko na lang na gumagawa ka na ng illegal na bagay huh, malilintikan ka sa akin." Pagbabanta ko sa kanya.
"Ate! Kilala mo ako, hindi ako ganung klase ng tao saka wala akong ginagawang masama kaya wag kang mag-alala." Inikutan ko lang ito ng mata.
"Siguraduhin mo lang."
"Sige na ate, magpapahinga na muna ako." Saad nito bago umalis.
Napabuga na lang ako ng hangin bago ngumiti. Success, nakatakas sa tanong ng batang iyon.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romantiekmics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...