Chapter 19

5 1 0
                                    

Kabanata 19

| Mic's Point of View |

Tinaasan ko ng kilay si Maia. Paano ba naman tah kasi, nakatingin lang ito sa akin kaya tuloy hindi ako makakain ng maayos.

Nahuli din nila ako kanina at nalaman nilang ako at si EJ yung nakasakay sa kotse. Kaya tuloy panay ang tukso at tanong sa akin ng dalawa pero ang mas nagtatanong ay si Maia.

"Hindi ka talaga magpapaliwanag?" Tanong ulit ng pinakamakulit kong kaibigan na walang iba kundi si Maia.

Hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy lang ang pagkakain. Nasa kusina kami, katabi ko ang dalawa kong kapatid at nagigitnaan nila ako. Si Maia at Trixie naman ay nasa harapan namin na kumakain din.

"Ate, isa pa ngang flied chicken." Si Rey. Kumuha ako ng isang palang na fried chicken at inilagay sa plato nya.

Ang laman nung supot na binigay sa akin ni EJ ay isang pack ng fried chicken na syang ulam namin ngayun saka tatlong burger. Meron ding tatlong french fries at tatlong mango pie.

Yun palang binili nya kanina sa drive thru ay para sa amin. Nakakahiya namang tumanggi kaya tinanggap ko na lang.

"Mics naman, sabihin mo na sa akin. Kayo na ba?" Pangungulit ulit ni Maia.

Ito lang naman ang makulit eh. Subrang kulit na mas makulit pa sa makulit.

"Alam kong chismosa ka pero wag mo namang ipangalandakan." Sabi ko sa kanya.

Tumayo na ako at inalagay sa hugasan ang pinagkainan ko dahil tapos na rin naman akong kumain. Naghugas din muna ako ng kamay bago bumalik sana sa pagkakaupo ko, ang kaso ay napatigil ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"May boyfriend ka na?" Tanong ni Gian.

"So totoo nga?" Si Trixie.

"Sino?" Si Rey.

"Sabi na eh." At si Maia.

Napabuga na lang ako ng hangin at naupo sa pwesto ko kanina. Binalingan ko ang dalawa kong kapatid.

"Kain ng kain. Wag chismoso, masama sa lalaki ang chismoso." Sabi ko sa mga ito.

"Nagtatanong lang naman kami." Si Gian at nagpatuloy ulit sa pagkakain.

"At kayo naman, bakit gabing gabi na eh naparito pa kayo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Mamaya na natin yan pag-usapan." Ani Trixie na tapos na ding kumain.

"Bakit? Bawal ba ngayun?"

"Nasa hapag tayo ng pagkain." Si Maia ang sumagot.

Inismiran ko lang sila. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto, hindi pa kasi ako nakakapagpalit simula kanina.

Alam kong amoy pawis na ako. Kasabay ko pa naman si EJ kanina, my gosh baka naamoy nya na mabaho ako!

"Kainis." Bulong ko sa kawalan habang naghahanap ng masusuot.

Paanong hindi ako maiinis eh ilang beses ko na bang nasabi sa sarili ko na iiwasan ko na ang binata pero hindi ko namang magawa. Dati naman nagagawa ko kung ano yung mga nasasabi ko pero ngayun, hindi.

Pumunta na ako sa banyo para maglinis ng katawan. Nadaanan ko pa silang nagkwekwentuhan ng mga kapatid ko. Feeling close talaga ng mga ito.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ang malamig na tubig na syang tumatama sa hubad kong katawan. Napakasarap sa pakiramdam, parang nawawala lahat ng pagod ko.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa paliligo bago napagpasyahan na tapusin na ang pag-i-enjoy.

Nagpalit lang ako ng ternong pajama saka ipinusod ang buhok ko sa tuwalya at lumabas na ng banyo.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon