Chapter 15

5 2 0
                                    

Kabanata 15

Mic's Point of View

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako sa ingay na naririnig ko sa may sala. Napahilamos na lang ako sa aking sarili at tumayo para tingnan kung anong nangyayari at kung anong pinanggagalingan ng ingay na yun.

Kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa lalim ng iniisip ko tapos ngayun naman may iisturbo sa tulog ko.

Hinawi ko ang kurtina na syang tanging nagsisilbing pinto ng kwarto ko, matapos ay nakita ko si Rey na nanunuod sa isang cellphone habang kumakain. Ni hindi ko alam kung kanino ang cellphone na gamit nya.

Nagawi ang tingin ko sa katabi nya at ng makita kung sino ito ay ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just bring some food." Simpleng sagot nya na parang walang mali sa ginawa nito. "Pumunta ka na sa kusina at kumain."

"Tangina -

"Ate!"

Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Gian na mukhang nasa kusina.

"Bakit?" Dali-dali akong pumunta kung nasaan ito. Nakita kong kampante itong nakaupo habang kumakain ng agahan.

"Kumain ka na." Aniya.

Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Ano bang nangyayari? Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa banyo para mag-ayus muna ng sarili. Nakalimutan ko na ang itsura ko kanina, tangina.

Nang matapos ay naupo na din ako at nagsimulang kumain. Mayroong isang supot ng pandesal at pansit sa lamesa.

"Dala ba ng lalaking yun lahat ng ito?" Tanong ko kay Gian habang nagtitimpla na ng kape.

"Oo ate, bakit?" Imbis na sagutin ang tanong nito ay nagtanong ulit ako ng isa pa.

"Kanina pa ba sya?"

"Kani-kanina lang." Napatango na lang ako.

Ano pa bang magagawa ko? Naandito na eh, dapat pa nga akong magpasalamat kasi nakatipid kami kahit papaano dahil sa pagkain nyang dala.

"Eh yung pagkain kagabi? Sa pagkakatanda ko ay hindi lahat naubos yun ah. Nasaan na?" Tanong ko ng maalala ang pagkaing dala ng binata kagabi. Kumuha ako ng pandesal at pinalamanan ito ng pansit sabay subo sa bibig ko.

"Naubos na ni Rey."

Bigla akong nabulunan dahil sa sinabi nito. Mabilis akong uminom ng kape pero agad ko din naibitang ang tasa ng mapaso ang labi ko.

"Tangina..." Mura ko dahil sa nangyari. Kay malas naman ng araw ko, ano pa bang pweding mangyari?

Nagawi ang tingin ko kay Gian ng maramdaman ang titig nito sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay pero pinitik nya lang ang nuo ko.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang balisa ka?"

"Walang nangyayari sa akin at isa pa, hindi ako balisa. Sadyang nagulat lang ako sa sinabi mo." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Wala ng nakapagtataka kung maubos man ni Rey yung pagkain saka wala naman na dung bago."

"Ipagpatuloy mo na lang yang pagkakain mo at sya pa." Sinimangutan lang ako nito.

Bwisit na bata toh ahh. Kung kanino nagmana, sa pagkakaalam ko ay 'di naman ako ganyan.

Dumaan pa ang ilang minuto ngunit walang nagsasalita sa aming dalawa ng kapatid ko. Tahimik lang akong kumakain at sumisimsim ng kape, iniisip kung ano na ang sunod kong gagawin.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon