Chapter 13

6 3 0
                                    

Kabanata 13

| Mic's Point of View |

Parang ang dali ng pangyayari. Kanina lang ay hila-hila nya ako papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nya pero ngayun ay nasa byahe na kami papunta sa graduation nila Gian. Sana umabot pa ako.

Wala din akong idea kung paano nalaman ng mga kaibigan ko ang situation kong ito. Kailangan kong malaman kung paano at saan nila nalaman pero siguro ay pagkatapos na lang ng prinoproblema ko ngayun.

"Wag ka ng mag-alala. Aabot tayo nyan. Think positive, okay." Pagchecheer ni EJ sa akin habang nagmamaneho sya.

Tama sya. Aabot kami nito, dapat hindi ako panghinaan ng loob. Always think positive Mics!

"You want to listen some music?"

"Ang random ng tanong mo." Nakakunot ko pang sabi sa kanya pero tinawanan nya lang iyon.

"I just want to help you. You know?" Inikutan ko lang ito ng mga mata at tumingin na lang sa labas.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang pagtugtog ng isang musika. Parang pamilyar yung kanta.

"Thinking of you by Katy Perry?" Tanong ko sa kanya ng marinig ang chorus ng kanta.

"Yes."

"Are you a fan of her?"

"Nope, I just like her music not literally a fan." Tinanguan ko lang ito.

Medyo nawala din ang nararamdaman kong kaba habang nakikinig ng music. Thanks to EJ.

Mga ilang minuto pa ay napansin kong malapit na kami. Medyo mabilis kasi ang patakbo nya pero safe pa din naman, sa tingin ko.

Tiningnan ko ang oras at 12:30 na. 1:00 PM ang start, abot pa ako nito. Sana.

Bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa nakakuyom kong kamao. Kinakabahan kasi ako kaya naman hindi ko mapigilan na ikuyom ito habang nakahawak sa dress kong suot.

Nilingon ko ito ngunit naka-focus lang sya sa daan. Mabilis syang lumingon sa akin at agad naman akong pinamulahan ng pisngi. Putangina.

"Don't worry about-ouch!" Daing nito ng pilipitin ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko. "Mics!"

Pinakyuhan ko lang ito na mukhang hindi naman sya makapaniwala sa ginawa ko. Akala nya siguro ay isa akong Maria Clara, ulol. Hindi kami nalalayo ng ugali ni Maia na may pagkabarumbado.

"Alam ko yang mga galawan mo kaya tigilan mo na yan dahil wala yang epekto sa akin." Matapang kong sabi sa kanya.

"I just want to comfort you. Fuck, it's fucking hurt." Narinig ko pang daing nya pero binilatan ko lang ito. "Ipasok mo yang dila mo sa bibig mo o yang dila mo ang ipapasok ko sa bibig ko. Mamili ka?"

Nanlaki ang aking mga mata at napatigil din ako. Ginawa ko ang unang sinabi nya at umiwas ng tingin. May pagkapilyo din pala ang lalaking ito. Hindi ko alam yun huh.

"Your scared now."

"As if." Pagtanggi ko kahit nakaramdam ako ng kaba sa pagbabanta nya sa akin. Natatakot akong baka gawin nya ang sinabi nya.

"If so, why are you avoiding me? Huh?" Pagpilit nya.

"Ako? Umiiwas sayo? Bakit naman ako iiwas?"

"That's why I'm asking you."

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi nito ng makitang naandito na kami pero itong kasama ko ay mukhang hindi pa alam. Napangiti na lang ako ng malawak.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon