Chapter 3

17 3 0
                                    

Kabanata 3

| Mic's Point of View |

Papunta na ako sa canteen at nakikita ko na din si Trixie pero yung sarili ko, hindi ko alam kung saan napunta. Para kasing nawawala dahil sa ginawa ng lalaki iyon.

"Trixie." Pagtawag ko sa atensyon nito dahil gaya na naman ng dati. May hawak na naman syang notes.

"Si Maia?" Tanong nito at hinahanap pa ng kanyang mata kung nasaan ang isa pa naming kaibigan.

"Hindi sa atin makakasabay, may pupuntahan daw." Kumapit ako sa braso nito. "Tayo na." Yaya ko sa kanya dahil gusto ko ng umuwi.

Naglalakad lang kami papunta sa paradahan ng trycicycle kahit pa tirik na tirik ang araw. May dala din man kasi kaming payong pero ewan ba naming dalawa dahil kahit may payong kami at naiinitan na ay nasa bag lang namin ito.

"Kanina ka pa parang wala sa sarili mo." Nilingon ko ang kasama ko habang naglalakad. Nginitian ko ito ng tipid. "Sinasaktan ka na naman ba?"

Nagbuntong hininga ako at umiling.

"Hindi naman Trixie pero ewan ko ba, ganito naman ako diba?"

"No, because I know you. You don't let anything that would affect you." Napangiti na lang ako dahil sa sinabi nya.

Tama sya. Hindi ko hinahayaan ang mga ganung bagay na makakaapekto sa akin. I'm always positive.

"Thank you Trixie." Binigyan ko ito ng isang malawak na ngiti.

"Wala yun, ano ka ba."

Trixie is the best. Sya lagi ang hinihingian ng advice naming dalawa ni Maia. Hindi lang sya matalino, subrang bait nya pa.

Maganda si Trixie ngunit syempre, hindi yun makikita ng mga tao sa paligid namin. Masyado kasi silang nakafocus sa panlabas na anyo kaysa sa ugali.

Magkasing tangkad lang kami at syempre, opposite ang katawan namin. Kung sya malaki ang katawan ako naman ay payat. Si Maia, yun ang malaman pero mababa naman. Mga 5'5 ang height naming dalawa ni Trixie tapos yung height ni Maia ay 5'2 lang.

"Ang init." Reklamo ko ng nasa tulay na kami. Nakakainis din dahil ang daming mga estudyante ang kasabay namin dahil uwian na din sila katulad namin. Hindi tuloy kami makasingit.

"Bakit ba kasi hindi tayo nagpapayong?" Tinawanan ko ito dahil sa sinabi nya.

"Ikaw na. Kunin mo na yung payong mo, parang hindi ako tatagal nito." Daing ko sa kanya.

Nakita ko naman na sinamaan ako nito ng tingin pero kinuha nya din naman yung payong. Pagkakuha nya ay kinuha ko yun sa kanya at ako na ang humawak pagkabukas.

Halos maningkit ang mga mata ko ng makita ko si Maia na nakaangkas sa motor ng isang lalaki.

"Si Maia ba yun?" Turo ko kay Trixie.

Tiningnan naman nito ang tinuturo ko at kita ko ang pagngiti nito. Anong meron?

"Oo, mukhang si Maia nga." Aniya.

"Bwisit na babae yan. May pupuntahan daw pero mukhang iba na yung papatunguhan." Maktol ko.

"Hayaan mo na, at least kilala natin ang kasama nya." Sinamaan ko ito ng tingin.

"Kahit na, suplado parin sya. Hindi ko alam kung kanino yun nagmana. Ang bait-bait ng kuya nya tapos sya parang may lahing demonyo katulad ni Maia." Dagdag ko pa rito na tinawanan nya lang.

Nasa paradahan na kami ng trycicycle at hindi ko pa ding maiwasang magtampo sa kanya pero ng maglaon at napatagtanto ko ang lahat ay napangisi ako. Alam ko na kung paano ako makakaganti sa kanya at yun ay ang inisin sya at tuksuin.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon