Kabanata 5
| Mic's Point of View |
"Hindi mo kami madadala sa mga paganyan-ganyan mo." Si Maia na sinimangutan lang ako at hindi pinansin ang sinabi ko.
"But that was true." Pagpilit ko pa sa kanila.
"Lumi-level up ka ah, nagiging englishera na." Dagdag pa ni Maia kaya naman mas lalo akong napabusangot.
Mukha ba akong nagbibiro? Totoo naman yung sinabi ko ah, ang swerte ko naman talaga dahil sila yung naging kaibigan ko. Tanginang Maia toh.
"Anong nangyari sa likod mo?" Tanong ni Trixie na ikinatigil naming pareho ni Maia.
"Wala, masakit lang. Gawa siguro ng paglalaba ko." Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pinapanuod namin pero muli din akong napatingin sa mga kaibigan ko ng maramdaman ang titig nilang nanunuri. "Bakit?"
"Ang rare natin ano?" Si Maia at napasandal na lang kay Trixie, nagigitnaan kasi namin sya.
"Ikaw lang." Sumandal din ako sa katabi ko.
"Totoo. Ang rare nga ng pagkakaibigan nating tatlo. Alam nyo yun? Magkakaibigan na tayo simula grade-7 ngunit hindi pa din natin magawang magkwento sa pinagdadaanan ng bawat isa." Napatango ako sa sinabi nya.
Tama naman sya, sa tagal naming magkakaibigan tatlo. Hindi ko pa din nasasabi sa kanila lahat ng pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko at alam kung ganun din sila. Siguro ay nasanay na lang din kami.
Nasanay ng hindi magkwento dahil wala namang handang makinig noon. Walang handang tumulong noon at walang kahit sino ang may kakayahang na pagaanin ang nararamdaman namin noon.
"Even though we didn't tell our own problems, we still helped each other. Masasabi kung mas okay yun dahil hindi naging hadlang ang hindi pagsasabi o pagkwekwento natin sa isa't isa. Friendship is the best when it's made and mold by love, care, honesty, and bond. It's the true friend that we can say, the one who would help us when we needed not the type of friend that only in your side when they needed you." Mahabang litanya ni Trixie kaya naman hindi ko na napigilang yakapin sya pati narin si Maia.
"Best friend forever." Sabay-sabay naming sabi.
Naging mahimbing ang naging tulog ko ng gabing yun. Lalo na dahil sa salonpas na nakalagay sa likod ko. Katabi ko si Rey at sina Maia at Trixie naman ay nasa baba, sa kwarto ko lang din. May latag man silang kutson kaya kampante ako. Sinigurado ko din na nakalock lahat ng pinto bago matulog.
Maaga akong nagising at nag-asikaso na para magluto ng agahan. Nakita ko din si papa na payapang natutulog sa sofa. Mukhang papa-umaga na din ito nakauwi. May spare-key naman na nakatago sa labas ng bahay at inilalagay ko yun kapag katulad kagabi ang sitwasyon na hindi uuwi si papa.
Nagsangag lang ako ng kanin at nagprito ng hatdog, bacon, at itlog. Nagsaing din ako dahil hindi sapat ang sinangag na niluto ko. Mukhang mamamalengke din pala ako mamaya dahil wala na kaming stock ng pagkain.
Naghuhugas na ako ng mga ginamit ko sa pagluluto ng makita ko si Trixie na pumasok sa kusina kasabay din si Maia na naupo muna habang nakapikit pa ang dalawang mata.
"Good morning." Inaantok pa nitong sabi.
"Good morning." Bati ko pabalik.
Nang matapos ako sa paghuhugas ay nagkuha na akong plato at inilapag yun sa lamesa.
"Kain muna kayo bago umalis." Saad ko na tinanguan nya lang naman.
Mukhang inaantok pa ito. Kung anong oras na din kasi kami natulog kagabi. Mga alas-12 na din siguro sa pagkakatanda ko.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...