Kabanata 6
| Mic's Point of View |
"Pasensya ka na Zion huh, hindi kita maalok ngayun sa bahay. Next time na lang. Ang dami ko pa kasing gagawin." Mahinhin kong sabi dito ng nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Okay lang Mics. Ayus na sa akin na nakasama kita ngayun araw kahit sa kaunting minuto lang." Napangiti ako ng alanganin dahil sa sinabi nyang iyon pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.
"Sige na, papasok na ako." Nasa hita ko na ang bayong at handa ng umalis, nakabukas na din ang pinto pero napatigil ako sa akmang paglabas ng maramdaman ko ang paghawak sa akin ni Zion sa braso. "Bakit? May kailangan ka pa ba?"
"Wala naman, gusto ko lang sabihin na good luck sa mga gagawin mo ngayung araw and sa pagrereview mo." Aniya at binitawan na din ang braso ko.
Nginitian ko ito at hindi na nagsalita. Pagkalabas ko sa sasakyan nya ay dali-dali akong tumakbo sa bakuran namin at pumasok sa loob.
Napapikit na lang ako ng aking mata at sumandal sa pinto. Hindi ko na din napigilan na pagmumurahin sya sa isip ko.
Tanginang lalaki yan. Ang kapal ng mukha! Nakikipag-flirt pa sya sa akin kanina habang nagbyabyahe kami buti na lang at natitiis ko pa at napipigilan ang sarili dahil kung nagkataon ay baka nabulbog ko na sya.
Pagmulat muli ng aking mata ay nakita ko si Gian na may hawak na towel at mukhang napatigil lang ng pagpupunas kay Rey. Pareho silang nakatingin sa akin at nagtataka din sa kung ano bang ginagawa ng ate nila.
Ano bang ginagawa ko? Sinusumpa ko lang naman ang hayop na Zion na yun. Ayaw ko sa mga lalaki lalo na syang mahangin. Kaya pa nagiging polluted ang Pilipinas eh, dahil sa mga katulad nyang puro yabang.
"Okay ka lang ate? May nangyari ba?" Tanong ni Gian pero inilingan ko lang ito.
Inilabas ko ang pasalubong sa kanila, narinig ko din ang mahinang pagpalakpak ni Rey dahil sa nakita nya.
"Bat pinaliguan mo pa yan? Kaya nya naman na ah." Sabi ko kay Gian dahil mukhang kakatapos lang maligo ni Rey.
Kinuha ko ang bayong at dinala sa kusina. Inilabas ko na din ang mga pinamili ko at inilagay sa mini-ref.
Pumasok din sa kusina si Gian para tulungan ako.
"Hindi ko sya pinaliguan ate. Kusa syang naligong mag-isa ngunit sa ulan nga lang." Bigla ko itong nilingon at tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Ano? Naligo sa ulan?" Pag-uulit ko pa.
"Oo ate-
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at pumunta sa sala. Tumingin naman sa akin si Rey na nanlalaki ang mga mata at mukhang alam na kung bakit ako nasa harapan nya ngayun.
Pinamay-awangan ko sya bago lumapit sa kanya at kilitiin.
"Ikaw bata ka, sinabihan na kita pero dika nakikinig. Pag-ikaw nagkasakit, tingnan mo't hindi kita aasikasuhin." Pangangaral ko dito habang patuloy padin sa pangingiliti sa kanya.
"Ate! Tama na! Ate!" Ng mapansin na hinihingal na ito dahil sa pagtawag at saka lang ako tumigil. "Sorry na."
Pinag-cross ko lang ang braso ko at umiwas sa kanyang tingin. Pinakita ko din sa kanya kung gaano ako nagtatampo dahil sa hindi nya pagsunod sa bilin ko.
Naramdaman ko ang maliit nitong braso na yumakap sa binti ko. Nilingon ko sya sa baba at nakita ko kung gaano ito kaamos dahil sa kinain na burger na mukhang naubos nya agad.
"Explain." Maawtoridad kong utos dito.
"Nung nagising kasi ako ate at di kita makita ay hinanap kita sa buong bahay pelo nung hindi kita mahanap ay lumabas ako. Nasa balcony pa natin ako at nakikita ko yung mga kaibigan ko na naliligo sa ulan. Inakit nila ako pelo inilingan ko sila pelo pinilit pa din nila ako kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila." Magkahawak na kamay nito ay kinukulikot yun.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...