Kabanata 8
| Mic's Point of View |
"Ang hirap nung exam, tangina yan." Si Maia.
Naglalakad na kami papunta sa paradahan ng trycycle. Last day ng exam at sa wakas ay tapos na din.
Mapractice na lang kami para sa graduation sa Friday. Start na pala ng month ng May bukas, hindi ko man lamang namalayan.
"Sama ka Mics. 7/11, palamig lang." Inilingan ko si Maia dahil kailangan ko pang sunduin ang kapatid ko. Ngayun ang labas nya.
"Hindi ako pwedi ngayun. May gagawin pa ako, kayo na lang." Pumunta ito sa harapan namin at nagsimulang maglakad patalikod. Nakakunot din ang nuo nito habang sinusuri nya ako na parang ewan.
Nilingon ko si Trixie na syang katabi ko. Nakasukob ako sa payong na hawak nya. Mukhang basic din dito ang naging exam. Lagi naman.
"May problema ka ba?" Si Maia.
"May problem ka ba?" Si Trixie.
Inilingan ko sila pareho at narinig ko na lang ang pagbuntong hininga nila. Bumalik sa tabi ko si Maia at humawak sa braso ko.
Hanggang ngayun ay hindi ko pa sa kanila sinasabi ang nangyari sa kapatid ko. Ayaw ko ng maging dagdag isipin pa para sa kanila. Alam kong may sarili din silang prinoproblema kaya ayaw ko ng dumagdag pa.
"Mics, magsabi ka kapag may problema ka huh. Naandito lang naman kami." Ani Maia.
"Okay lang ako, ako pa ba. SI Mics Lopez Sullivan kaya toh." Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Maia pero halatang nahihirapan ito dahil sa mas mataas ako sa kanya.
"Okay, sabi mo eh. Tayo na lang punta sa 7/11 Trixie." Hindi naman umimik ang katabi ko ng tanungin sya ni Maia. "May problema ka din?"
"May problema ka?" Pag-uulit ko ng tanong ni Maia kay Trixie.
"Wala." Maiksing sagot lang nito. "Saka hindi din ako pwedi ngayun, next time na lang."
"Ano naman ang gagawin mo ngayun?" Tanong dito ni Maia.
"Magrereview for the upcoming exam. I need to pass." Sagot naman dito ni Trixie.
"Puro ka review ng review eh kahit atah hindi ka na magreview ay makakapasa ka pa din." Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni Maia.
Mukhang wala na din namang nagawa ang kaibigan ko kundi ang umuwi na din. Kung pwedi lang sana ako ngayun ay sasamahan ko sya kaso di talaga kaya ng time ko, saka wala din naman akong pera pang-gastos. 'Di pa nga ako nakakabayad ng bills sa hospital.
Nang makarating kami sa trycyclan ay halos wala pang pasahero kaya kailangan pa naming maghintay.
Nasa loob kaming tatlo. Ako na ang nagparaya para sa kanilang dalawa, nakaupo kasi ako sa bakal. Ayaw ko din namang sa backride dahil mainit. Naka-skirt pa naman ako, mahapdi sa balat ang sikat ng araw.
"Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta? Kaya mo naman, o kaya magpasama ka kay Keith, sa dati mong kaibigan?" Narinig kong suhestiyon ni Trixie kay Maia. Nilingon ko sila.
"Ano ka? Ayaw ko ngang sumama dun noh. Mas gusto ko kayong kasama kesa sa hinayupak na yun." Saad ni Maia.
"Pero bakit kasama mo sya noong hindi 'ka sa amin sumabay?" Tanong ko naman dito.
Tinaasan nya ako ng kilay at umiwas ng tingin. Sumandal ito sa balikat ni Trixie at pumikit na parang walang pinag-uusapan.
"Ayaw ko na nga lang mag-talk." Aniya.
Nagkatinginan kami ni Trixie at parehong nag-kibit balikat. Lumipas pa ang ilang minuto ay may dumating na ding pasahero.
Dalawang lalaki at mukhang sa CNC din nag-aaral. Sa backride sila nakasakay kaya naman hindi na kailangan na lumipat pa ang isa sa amin. Ganun kasi minsan ang nangyayari kapag may matanda o kung minsan naman ay nagiging biased ang driver sa isang pasahero.
BINABASA MO ANG
Love made in Art
Romancemics_@rts Love made in Art Broken Affection Series #1 Female Lead: Mics L. Sullivan Male Lead: EJ B. Montez She love painting so much that she could even dream about being a successful and well-known painter artist. But for her life that she have, i...