Chapter 14

7 2 0
                                    

Kabanata 14

| Mic's Point of View |

Matagal ko ng kinalimutan kung anong nangyari noon pero ngayung nagbalik sya ulit at nakita ko pa. Parang gusto ko na lang kalimutan ang lahat pero imposibleng mangyari naman yun.

Naupo ako sa sofa at napatingin kay Rey. Nasa sahig ito at nakalupagi habang naglalaro ng laruan nya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tiningnan kung anong oras na, alas-3 na ng hapon. Ang bilis naman ng araw ngayun.

Mahihiga na muna sana ako sa sofa ng marinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain ng tanghalian.

"Nagkain na ba kayo?" Tanong ko kay Rey. Nakita king tumango lang ito, masyado kasing nakafocus ang atensyon nya sa paglalaro.

Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Nagbuklat ako at nakita kong mayroon pang tapa. Naupo na ako at nagsandok upang kumain.

Nang matapos ay hinugasan ko na din ang mga ito at nagpalit na din ng damit. Kanina pa ako hindi komportable sa suot ko.

Nadaanan ko pa ang kapatid ko na mukhang nakatulog na sa paglalaro. Lumapit ako dito at kinarga sya upang ilipat sa kwarto. Medyo nahirapan pa ako dahil sa ang laki ng katawan nito, kain kasi ng kain kaya pa.

Pumasok na ako sa aking kwarto para magpalit at agad kong napansin na may nag-iba pero hindi ko na ito masyadong inintindi. Napahiga na lang ako ng makapagpalit na, naramdaman ko din ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyan ng magdilim ang buong paligid.

"Aalis ka po ulit?" Tanong ko kay mama ng makitang nakagayak ito. Hindi ako nito sinagot kaya naman lumapit ako dito ngunit umiwas lang sya sa akin at iniwan na ako. "Mama."

Pumunta ito sa kwarto nya kaya naman sinundan ko ulit ito. Ayaw kong maiwan ulit. Natatakot ako, wala akong kasama.

"Mama, isama nyo po ako-

"Tumigil ka nga ng kagaganyan mo. Hindi ako natutuwa Mics huh. Nakakarindi na yang bibig mo." Galit nitong sabi sa akin.

Napaiyak na lang ako ngunit wala syang ginawa para patigilin ako. Naupo ako sa sahig ng marinig ang pag-aaral ng pinto, mukhang umalis na ito.

"Mama... mama. Natatakot ako." Bulong ko sa kawalan. Ako lang ang madalas na naiiwan dito sa bahay namin. Pakiramdam ko, hindi ako mahal ng mga magulang ko ngunit hindi pwedi yun kasi isa kaming pamilya.

Mula sa pagkakayukyok ay napaangat ang tingin ko ng marinig ang pagbukas muli ng pinto at ilang mga yabag. Pinunasan ko ang aking mga luha. Baka bumalik si mama para isama na ako.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ngunit napatigil ako ng makita si papa. Lasing na naman sya katulad ng dati. Mas lalo akong natakot ng gumawi ang tingin nya sa akin.

Napaatras ako ng makitang hinuhubad nito ang kanyang sinturon. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagtama ng sinturon nya sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Dapat hindi ka na lang ipinanganak!" Nanggagalaiting sigaw sa akin ni papa.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero parang namanhid na lang ang buo kong katawan dahil sa mga latay na natatamo mula sa kanya pati narin ang mga masasakit na salita na nanggagaling mismo sa papa ko.

Nakakatakot, ayaw ko na dito. Gusto ko ng umalis pero pilit ko mang imulat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Nahihirapan ako, ayaw ko ng maranasan lahat ng ito pero bakit bumabalik ang lahat. Bakit?

"Ate! Gising! Ate!"

Pagkamulat ng aking mga mata ay napaupo na lang ako. Halos naghahabol pa ako ng hininga. Tiningnan ko si Gian na nasa tabi ko at mukhang nag-aalala sa nangyari.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon