Chapter 7

11 3 0
                                    

Kabanata 7

| Mic's Point of View |

"Sorry, hindi ko alam kung bakit yun yung inakto ko kanina." Nakaiwas ako dito ng tingin dahil hanggang ngayun ay hindi ko pa din alam kung paano ko sya papakitunguhan at kakausapin.

Nakaupo kami ngayun sa waiting area na katabi lang din ng silid na pinagdalhan sa kapatid ko. Hanggang ngayun ay hindi ko pa din alam kung ano na ang kalagayan ni Rey. Hindi pa kasi lumalabas ang doktor na tumitingin sa kalagayan nya.

"Okay lang. Wala namang mali sa ginawa mo." Tiningnan ko sya dahil baka iniitchos nya lang ako ngunit nakangiti lang naman ito habang nakatingin sa akin.

"Hindi okay yun para sa akin. Pasensya na talaga." Tumayo ako para makalayo sa mga tingin nya.

Hindi ako komportable sa kanya at hindi ko alam kung bakit! Sino ba talaga ang lalaking ito? At bakit ako nagkakaganito?! Lalo na yung kanina. Parang hindi ako yung kanina eh.

"Pwedi mo na akong iwan. Pasensya na talaga sa abala." Sana naman ay umalis na sya at iwan ako pero mukhang hindi dininig ng Diyos ang dasal ko dahil tumayo ang lalaki at lumapit pa sa akin.

"If you need some help, you can call me."  Aniya.

"Englishero..." Hindi ko na napigilan isatinig kaya naman nanlaki na lang ang aking mga mata dahil mukhang narinig nya ang sinabi ko. "Sorry, hindi yun yung ibig kong sabihin-

"No, it's okay. Lumaki kasi ako sa states kaya nahihirapan pa akong mag-adjust but I will try my best to speak more in Filipino." Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinasabi.

Napansin ko na may kinuha ito sa kanyang bulsa at napakunot na lang ako ng nuo ng makita kung ano ang kinuha nya.

"Here, my calling card. You can call me if you need anything." Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa hawak nya ngunit wala na akong nagawa ng kuhain nya ang kamay ko at ibigay sa akin yun. "Just accept this, baka makatulong ako sayo."

"EJ."

Pareho kaming napatingin sa babaeng tumawag dito. Lumapit ito sa lalaki at humawak sa braso nya kaya naman napangisi na lang ako ng patago.

"Why?" Tanong ng binata sa babaeng hindi ko kilala kung sino.

"Ang tagal mo, kanina ka pa namin hinihintay kaya naman pinahanap ka na sa akin ni tita." Halos nanliit ako sa sarili ko ng tumingin sa akin ang babae at parang sinusuri ang buo kong pagkatao.

Dapat na ba akong umalis? Tangina, kanina pa Mics. Dapat kanina pa ako umalis dahil mukhang nakakaisturbo lang naman ako sa kanilang dalawa.

Tiningnan ko si EJ na nakatingin din pala sa akin. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nito.

"Darcy, this is Mics. Mics this is Darcy." Aniya.

"Nice to meet you Mics." Inilahad pa nito ang kamay nya kaya naman tinanggap ko, nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

"Same to you Darcy." Puta, english yun ah.

Sana naman ay umalis na silang dalawa dahil ramdam kong malapit ng dumugo yung ilong ko sa kaka-english nila. Hindi ko keri. Shuta.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon