Chapter 1

22 3 0
                                    

Kabanata 1

| Mic's Point of View |

"Kuya dito na lang po." Sabi ko sa driver dahil mukhang ilalampas na naman ako. "Bayad ko po."

Tiningnan ko si Trixie pati narin si Maia na nakasilip sa akin.

"Ba-bye. Bukas na lang ulit." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Ingat panget." Si Maia kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Enjoy ka lang eh porket naandyan yung crush mo." Pang-aasar ko dito. "Bye Trixie."

Kumaway-kaway pa ako sa kanila bago tuluyang maglakad. Sa looban pa ang bahay namin ngunit mas pinili kong maglakad na lang dahil mabili pa akong ulam namin para sa tanghalian.

"Pabili nga po aling Carmen." Tawag ko sa matanda.

"Madami akong niluto ngayun. Mamili ka na lang dyan." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.

Nagbuklat ako at ng maamoy ko ang adobong sitaw ay bigla akong natakam. Kanina pa ako nagugutom ngunit tinitiis ko lang, sakto lang kasi yung pera kong dala ngayun eh.

"Isang atado po nito." Kinuha ko ang pera ko sa bag at binilang ang barya.

"25 lang iha." Pagkaabot ko ng bayad ay kinuha ko na din ang isang atadong adobong sitaw at umalis na.

Pagkaliko ko sa isang eskinita ay nakita ko na agad si Rey na nakikipaglaro sa ibang mga bata.

6 years old na ito at mag-aaral na sya next school year. Nang makita ako nito ay dali-dali itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ang binti ko.

"Ate, nagugutom na po ako." Nakapout nitong sabi sa akin.

Binuhat ko ito kahit na mabigat na sya at nahihirapan din sa dala 'ko.

"Naadyan na ba si Gian?" Tanong ko dito habang papasok sa bakuran namin.

Nang nasa tapat na ako ng kahoy naming gate ay ibinitang ko na muna si Rey upang buksan ang tarangkahan papasok. Nakasarado kasi ito ng bahagya.

"Nililinis yung basag na bote sa may kusina." Narinig kong sabi nito kahit pabulong pa ang boses nya sa bawat pagbanggit ng mga salita.

Napangiti na lang ako ng mapait. Nakita ko din ang ilang mga basyo ng alak sa may tambayan, may maliit kasing lamesa sa bakuran namin sa katabi lang ng puno ng nara.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nilingon ko ang kapatid kong nag-uot-ot na naman ng kuko nya, ginulo ko ang buhok nito kaya naman napatingin sya sa akin. Binigyan ko sya ng isang malawak na ngiti.

Binuksan ko na din ang pintuan at agad kong nakita ang mga nakakalat na gamit sa lapag.

"Maupo ka muna d'yan okay, tutulungan ko lang si kuya mo then makain na tayo." Sabi ko rito na tinanguan lang ako.

Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Gian na pinupulot ang mga nabasag na bote sa sahig. Lumapit ako dito at mukhang nagulat pa sya sa presensya ko. Nakasuot pa din ito ng uniform, mukhang kakauwi lang galing eskwelahan.

"Ate..."

"Maghain ka na, ako na dito." Utos ko sa kanya na sinunod naman nito agad.

"Nasaan ate yung ulam?" Nilingon ko si Gian na nakasilip sa may pintuan papasok ng kusina, tanging kurtina lang din ang nagsisilbing pinto nito.

"Nasa may sala, tingnan mo dun. Doon ko lang yun inilapag kanina eh. Nalimutan ko lang dalhin dito sa kusina." Pagkasabi ko nun ay muli akong bumalik sa pagpupulot ng mga basag na bote.

Love made in ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon