Nahulog ka na ba sa dapat kaibigan lang?
Y/N's POV
Nasa La Union kami ngayon at nag-peperform sa Alpas.
Each member was given a solo performance.
"Hi, everyone!" Bati ko when it was my turn na.
"I've always been a fan of I Belong to the Zoo, kaya I want to take this chance para kantahin ang isa sa mga songs nila na Balang Araw." Sabi ko at nag-cheer ang audience.
"Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng mayro'n sa gitna ng kawalan" Nakatingin pa 'ko sa taas habang kumakanta nang nakapikit."Hindi ko lang masabi
Ayoko na sa 'yo
Tao lang, napapagod din
Kaso 'di ko magawang lumayo" Dinadamdam ko talaga yung kanta."Kailan ba makakatulog nang mahimbing?
Kahit ilang minuto lang na 'di ikaw ang nasa isip
Baka pupwede lang naman, huwag ka munang magparamdam?
Dahil sawang-sawa na akong marinig na ako'y KAIBIGAN LANG" Nilakasan ko talaga on purpose para naman marinig n'ya."TANGINA, ba't ba walang mali sa 'yo?
'Di magawang umiwas at tuluyan nang lumayo
Kahit na ano'ng gawin, sinusuway ko pa rin
Umaasang...""Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng mayro'n sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman"Napahinga nalang ako nang malalim matapos kong kumanta.
Nagpalakpakan sila.
"Maraming salamat." 'Yon lang ang nasabi ko bago ko umalis ng stage.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Gwen at umiling ako.
Napaiyak nalang ako sa balikat n'ya.
"Jho, umiiyak." Rinig ko si Gwen.
"Hoy, anong nangyari?" Tanong ni Jho.
"Bigla nalang umiyak." Sabi ni Gwen.
"Akin na." Sabi ni Jho.
Niyakap ako ni Jho.
"Anong nangyari?" Tanong n'ya.
Ikaw.
Humagulogol ako na para bang namatayan ako.
Pinalibutan na nila 'ko.
"Hey, don't cry na." Sabi ni Mikha.
"Pwede na 'kong pumunta sa van? I don't think I can finish this." Bulong ko kay Jho.
"Ate Maan, pa-ano nalang po si Y/N." Bilin ni Jho.
"Tara?" Tawag sa'kin ni Ate Maan.
Bumalik na sa stage ang girls habang pinupunasan ni Ate Maan yung mga luha ko.
Dumiretso na rin agad kami sa van para do'n nalang maghintay.
"Gusto mo sabihin anong nangyari?" Tanong n'ya.
Nakatulala lang ako habang nakasilip sa labas ng bintana.
Isa si Ate Maan sa mga pinagkakatiwalaan ko talaga.
"Mahirap pala talaga 'pag nagkagusto ka sa dapat kaibigan lang." Sabi ko.
"Pero it just happens and we can't do anything to stop it." Sabi ko.
"Madalas kong tanungin yung sarili ko." Sabi ko.
"Bakit s'ya pa yung nagustuhan ko?" Tanong ko.
"Sa dinami-dami ng tao, ba't s'ya pa yung napili ng puso ko?" Tanong ko.