Gwen

910 53 19
                                    

May surprise sa dulo. 🫢

Y/N's POV

Sa lahat ng kasal, makikita mo ang mga ngiti at luha ng bawat isang dumalo.

Sa seremonya ng kasal, masasaksihan mo ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan.

Nag-ring na ang alarm ko.

4:00 am

Maaga ang call time ng mga bridesmaids.

Napilitan lang akong bumangon.

"Good morning, prinsesa!" Bati ng pinsan kong si Anne na roommate ko rin.

Inirapan ko lang s'ya.

"Hindi ka nga pala morning person, sungit." Sabi n'ya.

"It's dawn, not morning." Sabi ko.

"Parehas lang 'yon. Tara baba na tayo sa buffet to eat." Sabi n'ya.

"Wala 'kong gana, ikaw na lang." Sabi ko.

"Tara na, kasama na rin 'tong buffet breakfast sa binayaran sa hotel, sayang naman." Sabi n'ya.

"And mag-isa lang ako, kawawa naman ako." Dagdag n'ya pa.

Inirapan ko ulit s'ya pero sinamahan ko naman.

"Fruits lang, really?" Sabi n'ya.

"Wala nga 'kong gana, I told you." Sabi ko.

"Good morning, anak." Bati ni Daddy na kakababa lang din from their room.

"Anak, eat more. Fruits won't give you energy for this day." Sabi ni Mommy.

"Wala po akong gana." Simple kong sagot.

Naki-table na lang din sa'min ang mga magulang ko.

Inubos ko agad yung pagkain ko at tumato na.

"I'll go ahead na, enjoy your food." Sabi ko.

Umakyat na ulit ako sa room namin at humilata.

Ikakasal na si Kuya, dapat masaya ako.

That's what my parents been telling me.

Maging masaya 'ko para sa kapatid ko.

Pa'no 'ko magiging masaya kung papakasalan n'ya yung babaeng mahal ko?

Labag na labag sa loob ko na nandito ako ngayon.

Ang unfair lang na laging pabor ang lahat kay Kuya.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Anne na kakapasok lang sa room.

"Okay na okay. Ikakasal yung babaeng mahal ko sa kapatid ko, sobrang okay lang ako." Sarkastikong sabi ko.

"Y/N, alam kong mahirap tanggapin pero wala naman tayong magagawa. Desidido na silang lahat, ginusto nila 'to." Sabi n'ya.

"Alam ko naman 'yon, e." Sabi ko.

"Pero don't you think it's unfair sa part ko lahat ng nangyayari?" Sabi ko.

"All my life, si Kuya na lang palagi. Kay Kuya na lang pabor ang lahat." Sabi ko.

"Anak din naman nila 'ko pero bakit hindi ko ramdam?" Sabi ko.

Naluluha na 'ko.

Bottled up emotions na.

"I don't hate my Kuya, he's always been my hero." Sabi ko.

"Pero pa'no n'ya nagawa sa'kin 'to?" Tanong ko.

"Alam n'ya na mahal na mahal ko si Gwen, alam n'ya rin I plan on marrying her sa ibang bansa where same-sex marriage is legalized." Sabi ko.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon