Maloi

1.7K 67 3
                                    

Y/N's POV

"Ba't n'yo pinapaalis si Maloi?" Tanong ko.

"Kung papaalisin n'yo lang din naman s'ya, i-eend ko na lang 'tong live." Sabi ko.

"May makita pa 'kong isang comment na pinapaalis si Maloi, end live agad." Sabi ko.

Tiningnan ko si Maloi.

Nawala na sa mood at naka-focus nalang sa phone n'ya.

Hinawakan ko ang kamay n'ya.

Puro sorry na yung comments pagtingin ko.

"Sorry daw." Sabi ko.

Mas masama pa ata loob ko kaysa kay Maloi.

"Hindi n'yo naman kasi dapat pinag-cocomment 'yon in the first place, it was uncalled for." Sabi ko.

"Excited pa namang sumali sa live si Maloi." Dagdag ko pa.

"If gusto n'yo 'ko pero ayaw n'yo sa ibang members, kayo na lang yung umalis." Sabi ko.

May nakita na naman akong isang comment na pinapaalis si Maloi.

In-end ko agad yung live kahit walang pasabi.

"Badtrip" Sabi ko.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon, tatalakan ka ng management. Aalis naman ako if 'yon yung gusto ng blooms." Sabi n'ya.

"Ano naman kung talakan nila 'ko? Wala namang mali sa ginawa ko. And hindi kita hahayaan na umalis sa live ko, gusto nga kitang kasama, e." Sabi ko.

"Nakita ko how your mood went down nung nakita mo yung comments, ayokong nakikita kang gan'yan. The Maloi I know is energetic and masiyahan, but the Maloi in front of me right now is the opposite, malungkot ka." Sabi ko.

"Ice cream tayo to cheer you up?" Sabi ko at tumango s'ya.

TIME SKIP

"Sino ang protector ng BINI?" Tanong ni Ms. Karen.

Tinuro ko agad si Colet.

"Si Ate Colet po at Ate Y/N. Malakas po loob nilang dalawa." Sabi ni Jho.

"Sa paanong paraan nila kayo pinoprotektahan?" Tanong ni Ms. Karen.

"Si Colet po, for example, there was this one time na nasa labas kami and I was wearing a skirt po, then there were guys eyeing me po kaya ang ginawa po ni Colet pinalipat n'ya ko para hindi na kami makita nung mga lalaki. Ayaw n'ya pong nababastos kami." Sabi ni Ate Aiah.

"Si Y/N naman po, she's not afraid to speak up. Recently lang po, nag-join ako sa live n'ya pero yung mga comments po, pinapaalis nila 'ko sa live. S'yempre po nalungkot ako after seeing the comments and Y/N is observant po kasi pagdating sa'min na girls like konting change of mood lang namin, napapansin n'ya agad. Kaya nung napansin n'ya pong tumahimik na lang ako sa tabi n'ya, cinall-out n'ya po yung mga nagpapaalis sa'kin sa live ta's nung may nakita po ulit s'yang comment na pinapaalis ako, inend n'ya agad yung live." Sabi ni Maloi.

"Wala po 'yang pake basta alam n'yang she's doing the right thing kahit alam n'yang tatalakan s'ya ng management." Dagdag pa n'ya.

"Pinagalitan ka after that?" Tanong ni Ms. Karen at tumango ako.

"They told me na dapat hindi ko nalang pinansin blah blah pero I stood my ground, wala naman po akong ginawang masama. Ayoko po kasing ginaganon yung girls." Sabi ko.

"For me po kasi, kami lang din naman ang mag-pprotect sa isa't-isa so I'm doing my part. It takes a toll on someone kasi when you say things to them." Sabi ko.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon