Colet

1.2K 40 1
                                    

COLET's POV

"Hala, ba't ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko kay Y/N.

"Sino nagpaiyak sa'yo? Uupakan ko talaga." Sabi ko pa.

Napindot na naman ni Anger yung console.

"Wala 'to." Sabi n'ya.

"Anong wala, may luha kaya." Sabi ko.

"May umaway ba sa'yo? Aabangan ko 'yan sa kanto." Sabi ko.

Tinabihan ko s'ya sa kama n'ya.

"I'm struggling lang siguro." Sabi n'ya.

"Kwento mo sa'kin." Sabi ko.

"Wala namang kwenta 'to. Hindi worth ng time nating dalawa." Sabi n'ya.

"Para namang 'di tayo magkaibigan." Sabi ko.

"Kahit walang kwenta pa 'yan, makikinig ako." Sabi ko.

"Pero in this case, I don't think walang kwenta lang 'yan. Iniiyakan mo, e." Sabi ko.

"Ilabas mo na sa'kin kung ano man 'yan." Sabi ko.

Tumingin s'ya sa'kin habang pinupunasan ko ang luha n'ya.

"Sobrang stressed out lang ako. With school and work." Sabi n'ya at tumango ako to assure her na nakikinig ako.

"Since graduating tayo tapos sumakit na tayo ngayon. It's all overwhelming para sa'kin." Sabi n'ya.

"Thankful ako for all the blessings. Lahat ng paghihirap natin, nagbubunga na. I feel like I haven't done enough." Sabi n'ya.

"Saan?" Tanong ko.

"Ewan ko rin. I feel like you're all great at what we do pero ako, sakto lang. I don't excel as much as everyone else." Sabi n'ya.

"Parang ako yung butas ng grupo." Sabi n'ya.

"Hindi kaya." Sabi ko.

"Amaze na amaze nga 'ko sa'yo, e." Sabi ko.

"Imagine, napapagsabay mo yung pag-aaral at work. Outstanding student ka pa sa klase natin." Sabi ko.

"Kami rin nag-aaral pero hindi namin kayang maging outstanding student kagaya mo." Sabi ko.

"Bigyan mo naman ng credit yung sarili for doing great." Sabi ko.

"Masyado kang bad sa sarili mo. Dahan-dahan lang." Sabi ko.

"Bilib na bilib ako sa'yo, sa totoo lang." Sabi ko.

"Nagagawa mong i-sacrifice yung pahinga at tulog mo para makapag-aral after ng practice natin." Sabi ko.

"Huminga ka rin minsan. Masyado mong sinasakal ang sarili mo sa mga expectations na sinet mo sa sarili mo habang kaming nakapaligid sa'yo sobrang bilib na bilib sa ginagawa mo." Sabi ko.

"Be positive. Kita mo, g-graduate na tayo in a month, may award ka, mag-coconcert na rin tayo. Three days na sold-out!" Sabi ko.

"Ang layo na ng narating natin. Sabi nga nila, malayo na pero malayo pa." Sabi ko.

"Nandito lang kami para sa'yo, okay? Kausapin mo lang kami." Sabi ko at niyakap s'ya.

"Thank you." Bulong n'ya.

Tumingin ako sa kan'ya at teary-eyed s'ya.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon