Y/N's POV
"Pupunta SEVENTEEN dito." Sabi ko.
Tumingin si Maloi sa'kin.
"Tara, punta tayo." Sabi n'ya kaya napangiti ako.
"Sagot ko na, sasamahan mo 'ko, e." Sabi ko.
"Baliw, ako na bahala sa'kin." Sabi n'ya.
"Ako na, magkano lang naman siguro yung tickets." Sabi ko.
Joke lang, bakit ang mahal Applewood?
Pero go lang as long as makikita ko sila.
"VIP, standing or bleachers?" Tanong ko.
"Sa'n mo ba gusto?" Tanong n'ya.
"Kahit saan naman basta makanood." Sabi ko.
Dumating na yung araw ng ticket selling.
Aligaga na 'ko.
Ayaw mag-open ng tickets for bleachers and VIP kaya nag-settle na lang ako for standing J.
"Secured tickets!" Sigaw ko.
"Ang bilis?" Tanong n'ya.
"Standing J nakuha ko, okay lang?" Tanong ko.
"Oo naman, excited na tuloy ako." Sabi n'ya.
TIME SKIP
Turns out, hindi rin kami makakapunta kasi may events pala kami kinabukasan after ng concert.
"Aabot naman siguro tayo sa 4am call time." Sabi ni Maloi.
"Need natin ng tulog, it's risky na tatakbo tayo na pagod at walang tulog." Sabi ko.
"P'wede namang sa sasakyan pabalik na lang tayo umidlip." Sabi n'ya.
"Or magcheck-in na lang tayo sa hitel malapit sa tatakbuhan natin para makapagpahinga tayo kahit saglit." Sabi n'ya.
"Sure ka?" Tanong ko tapos tumango s'ya.
"Okay, kausapin ko lang din sa Ate Maan." Sabi ko.
"Papayag 'yon, tayo pa ba?" Sabi n'ya.
Tinawagan ko si Ate Maan and after much convincing namin ni Maloi, napapayag din namin s'ya.
"Ayos, we have about two weeks to prepare." Sabi n'ya.
"Makikita ko na ang mga asawa ko!" Sigaw ko.
TIME SKIP (D-DAY)
Nakarating kami sa Philippine Arena around 10am to head to the strapping area and sobrang haba ng pila.
More than two hours kami bago natapos sa pila na 'uon kaya kumain na kami right after.
May mga nakakilala sa'min and asked for a picture.
"Carat zone na tayo?" Pag-ayaw n'ya.
"Let's go." Sabi ko.
Hawak kamay kaming naglakad since ang daming tao and baka magkahiwalay kami.
Sobrang tirik yung araw pero kinaya naman nami hanggang makapasok kami sa carat zone.
Mahaba yung pila pero mabilis lang.
Si Wonwoo na-pull ko, si Mingyu naman sa kan'ya.
Pumasok na rin kami sa loob ng arena since do'n daw ang waiting area sabi ng mga ushers.
![](https://img.wattpad.com/cover/372203392-288-k888646.jpg)