Y/N's POV
"Y/N, bumangon ka na nga d'yan at baka ma-late pa tayo mamaya sa concert!" Sigaw ni Ate.
Minulat ko ang aking mga mga mata sa pagkarindi sa ingay n'ya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-browse sa facebook kung may update na ba tungkol sa Biniverse Day 1.
Marami akong nakitang posts na nag-aabang na ang ibang blooms sa labas ng New Frontier Theater.
Lumabas ako mula sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Ate.
"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko.
"Kumain at gumayak ka na para makaalis na tayo. Sobrang trapik na raw sabi ni Daddy kaya ihahatid na n'ya tayo." Ani n'ya.
"Okay." Maikli kong sagot.
Nagmadali na 'ko sa pagkain at pag-aayos para makaalis na rin kaagad kami.
"Daddy, tara na po." Aya ko.
Nagpaalam na kami kay Mommy at sumakay ng kotse.
"Wala kang nakalimutan?" Tanong ni Ate.
Umiling ako, "Chineck ko na kanina bago ko lumabas ng kwarto." Sagot ko.
Dala ko ang bag ko at lightstick.
"Ate, 'di ba SVIP tayo?" Tanong ko at tumango s'ya.
"May photo OP and soundcheck access tayo." Ani n'ya.
Kinonekta ko ang bluetooth ng sasakyan sa cellphone ko para magpatugtog.
"Lagi nang umaawit..." Una kong pinatugtog ang paborito kong kanta.
TIME SKIP
"Tawag nalang kayo pagtapos ng concert para masundo ko kayo." Sabi ni Daddy.
"Enjoy!" Dagdag pa n'ya.
Nagpasalamat kami sa kanya at pumasok na sa loob ng venue dahil magsisimula na raw ang soundcheck.
Laking gulat ko na katabi ko lang ang pamilya ni Maloi.
Tatay n'ya ang nasa kanan ko.
"Hello po." Bati ko.
Nginitian ako nito, "Si Maloi po bias ko." Sabi ko pa.
"Talaga? Anak ko 'yon." Sabi n'ya.
Mukhang proud na proud s'ya.
"Hindi po ba halata sa suot kong bayonetta glasses?" Biro ko na tinawanan n'ya naman.
"Ah, eto ang mama ni Maloi at mga kapatid n'ya naman yung tatlo." Pagpapakilala n'ya.
"Opo, halata nga po at magkakakmukha kayong buong pamilya." Sabi ko.
Binati ako ng Mama at mga kapatid ni Maloi.
"Ate ko po pala yung kasama ko." Sabi ko at ipinakilala si Ate.
"Birthday gift n'ya po sa'kin 'to tutal malapit na raw po ang birthday ko." Sabi ko.
"Ang bait naman ng kapatid mo. Kailan ang birthday mo?" Ani n'ya.
"Sa July 4 po." Sagot ko naman.
"Warning-an ko lang po kayo. Malakas po akong sumigaw lalo na pag kay Maloi na, paki-batukan nalang po ako pag sobrang OA na." Sabi ko at tumawa s'ya.
"Naiintindihan ko." Sabi n'ya.
"OA din naman ang mga anak ko." Dagdag n'ya.
"Pero salamat sa suporta sa BINI." Sabi n'ya.