Aiah

1.6K 55 18
                                    

Kiss muna bago kayo magbasa. 😘

Y/N's POV

"My gosh, Aiah!" Sigaw ko.

"It was a 3 second clip na papaniwalaan mo because of what other people are saying." Sabi ko.

"They're trying to break us apart and it's working on you. Apat na taon na relasyon pero mas pinapaniwalaan mo pa yung mga taong nanghihimasok sa'ting dalawa." Sabi ko.

"It's so frustrating, Aiah. Even your family and members don't believe it. Mas naniniwala sila sa'kin pero ba't hindi mo 'yon kayang gawin. Magtiwala ka naman sa'kin, Aiah." Sabi ko.

"Hindi nga totoong hinalikan ako ni Aaron. It was just the angle, pinahipan ko yung mata ko kasi napuwing ako." Pag-explain ko ulit.

Naiiyak na 'ko sa frustration na hindi s'ya naniniwala sa'kin.

"Aiah, maniwala ka naman sa'kin please." Sabi ko.

"Hey, how about we calm down muna? Let's talk when everything's died down a little. I'm sorry if nasigawan kita, I'm very sorry." Sabi ko.

"I'll go home muna then come back once we're okay to talk na, ha?" Sabi ko at niyakap s'ya.

Hindi pa rin s'ya kumibo kaya umalis na 'ko at pumunta sa kotse ko.

Tinawagan ko muna ang Mama n'ya.

"Tita, paki-puntahan po muna si Aiah sa condo n'ya. Hindi po s'ya okay, e. Hindi n'ya rin po ako kinakausap so I figured mas kailangan ka ngayon ni Aiah." Sabi ko.

"Sige, anak at papunta na rin naman kami. Ikaw, kumusta ka?" Tanong n'ya.

Pinigilan kong umiyak kaso hindi na talaga kaya.

Humagulgol na 'ko habang nasa kabilang linya si Tita.

"Iiyak mo lang, anak. Nandito lang ako." Sabi n'ya.

"Tita, ayaw ko pong mawala sa'kin si Aiah." Sabi ko.

"Pero nararamdaman kong unti-unti na s'yang bumibitaw." Sabi ko.

"Kakausapin ko s'ya, anak. Baka dahil lang din sa nangyayari kaya nagkakagano'n s'ya. Magpahinga ka na muna at 'wag mo masyadong isipin ang sinasabi ng ibang tao sa'yo. Kilala ka naman, napakabait at napakabuti ng puso mo. Hinding-hindi mo magagawang saktan si Aiah." Sabi n'ya.

"Thank you po, Tita." Sabi ko.

Ibinababa ko na ang tawag at naghintay lang sa loob ng kotse hanggang sa nakita kong dumating na rin ang kotse nila tita.

Umalis na rin ako para makauwi.

TIME SKIP

Hindi na naman ako nakatulog kakaisip sa mga nangyayari.

Dinelete ko na ang social media apps ko. I had to escape from the hate somehow. Grabe na kasi talaga.

"How are you doing, anak?" Tanong ni Mommy.

"Kinakaya pa naman po." Sagot ko.

"How are you and Aiah?" Tanong naman ni Daddy.

"Kinakaya rin po." Sagot ko.

"You know, when you introduced Aiah to us, alam kong she's the one for you. Mahal na mahal ka ng batang 'yon. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya na mahal ka n'ya and alam din naming mahal na mahal mo s'ya. You both stayed so strong sa relationship n'yo despite the challenges you've faced and proud kami ng Daddy mo sa'yo. 'Wag kayong bumitiw, take this situation as a sign to be stronger pa." Sabi ni Mommy.

"Bihira nalang ngayon ang gan'yang pag-ibig. Pagtibayin n'yo pa lalo and don't let other people ruin what you have. Inggit lang sila sa inyo." Sabi ni Daddy.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon