Y/N's POV
I was peacefully enjoying the view of the beach nang may narinig akong maiingay na babae.
Ang daming cameras sa paligid nila.
"Mga artista ba 'yon?" Tanong ko sa pinsan kong si Gab.
"Baka vloggers." Sabi n'ya.
"They seem fun." Sabi ko.
"Sali ka sa kanila." Sabi n'ya.
"Hala, may balut!" Sabi ko.
"Gaga, hindi ka kumakain n'yan." Sabi n'ya.
"Correction, yung sisiw ang hindi ko kinakain." Sabi ko.
"Pati yung white na matigas." Sabi n'ya.
"Tara na, bili tayo." Sabi ko.
Hinatak na n'ya 'ko papunta sa kanila since nandoon si kuyang nagbabalut.
"Kuya, magkano po isa?" Tanong ni Gab.
"25 po." Sagot ni Kuya.
Bumili kami ng limang balut tapos limang penoy.
Inabot ko na yung bayad namin.
"Ma'am, wala po kayong barya?" Tanong ni Kuya.
"Wala po, e. Isang libo lang po." Sabi ko.
Hindi namin napansin na nakatingin na pala sa'min yung mga babae.
"Ganto na lang po, pati yung kinakain nila ngayon, isama n'yo na po sa bayad." Sabi ko.
"Hala, kami na po bahala. Kami na lang magbabayad sa mga binili n'yo." Sabi nung isang girl.
"Hindi, okay lang, kami na." Sabi ko.
"Nakakahiya po, kami na." Sabi nung isa pa.
"Kami na." Sabi ko.
"Kami na." Sabi nila.
"Kami na nga." Sabi ko.
"Kami na po talaga." Sabi nila.
"Gusto mo tayo na lang, e." Sabi nung naka-pink.
"Huy! Staku naman!" Saway nung isa.
"Mga ma'am, sino po ba talaga ang magbabayad?" Sabi ni Kuya.
"Ako na po kuya, keep the change na rin po." Sabi ko.
"Thank you po, Ma'am!" Sabi n'ya.
"Thank you po..." Sabi nila.
"Y/N" Sabi ko.
"And..?" Tanong nila sabay tingin kay Gab.
"I'm Gab, pinsan ni Y/N." Singit ni Gab.
"Kayong dalawa lang po?" Tanong nila.
"We're with our family. Nando'n sila sa cottage, nagluluto ng pang-lunch so if you get hungry, punta lang kayo do'n sa cottage na 'yon." Sabi ko sabay turo sa cottage namin.
Isa-isa silang nagpakilala and nakipagkwentuhan na rin.
"Nakita namin kanina na nag-fifilim kayo, is it for a vlog?" Tanong ni Gab.