Maloi

1.1K 56 8
                                    

Y/N's POV

Ngayon ang Day 2 ng Biniverse.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng bawat isa.

"Y/N, okay ka lang?" Tanong ni Maloi.

"Medyo masakit lang ulo pero kaya naman." Sabi ko.

Sinalat ni Maloi ang noo ko.

"Huy, mainit ka!" Sabi n'ya.

"Kakayanin mo ba?" Tanong n'ya at tumango ako.

Chineck nila ang temperature ko.

38.7 degrees. Mataas nga.

Pinainom ako ng gamot at pinagpahinga na muna habang hindi pa nagsisimula ang concert.

MALOI's POV

Nakatulog na si Y/N.

"Maloi, hair and makeup ka na." Sabi sa'kin.

Umupo ako sa high chair.

"Jho, tingin mo magiging okay lang si Y/N? Sobrang taas ng lagnat ta's masakit daw ulo." Sabi ko.

"Si Y/N 'yan. Ipupush n'ya sarili n'ya kahit mahirapan s'ya. I-monitor nalang natin throughout the concert." Sabi n'ya.

"Baka kasi umatake na naman migraine n'ya." Pag-aalala ko.

Tatlo na members namin ang masama ang pakiramdam; Si Aiah, Gwen, at Y/N.

Sobrang busy kasi namin preparing for this concert at wala kaming pahinga.

"Ayaw n'yang mag-aalala tayo sa kanya. Magsasabi naman 'yan kung sakali." Sabi n'ya.

Y/N's POV

Nagising ako sa pagkakahawi sa buhok ko.

Pagdilat ko, nakita ko si Maloi.

"Feeling better?" Tanong n'ya.

Bumahing ako at umiling.

"May sipon na rin ako." Sabi ko.

"Hair and makeup ka na raw." Sabi n'ya.

"Papahinaan ko yung aircon." Dagdag n'ya.

"Thank you." Pagpapasalamat ko.

Bumangon na 'ko at umupo sa high chair para maayusan na.

TIME SKIP

Naka-stand by na kami backstage.

"Y/N, magsasabi kung hindi na kaya, okay?" Sabi ni Jho.

Hinawakan ni Maloi ang kamay ko at pinisil.

"Huwag mo masyadong i-push sarili mo. May day 2 at day 3 pa tayo." Sabi n'ya.

We went on stage na at pumunta sa positions namin.

Ang overwhelming ng sigawan nang makita na nila ang silhouette namin.

Wala kaming marinig na music.

Na-pick up na ng mga microphone namin ang ingay ng audience.

Grabe talaga yung suporta.

The whole show went on like that.

Nakaraos naman ang boses ko kahit may sipon.

"Blooms, palakpakan naman natin si Y/N. Talagang pinilit n'ya si self n'ya na magperform today kahit masama ang pakiramdam n'ya." Sabi ni Maloi.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Pumalakpak nga sila.

"Y/N, ako ang gamot mo!" Sigaw ng isang bloom.

Tumawa kami.

BINI ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon