Bodyguard.

208 16 4
                                    

Y/n pov

"Ikaw ba yung anak ni mang pedro?" Tanong ng kasamahan ko.

"Ako nga po" sabi ko na may kunti ngiti sa aking labi.

"Sige pasok kana, hinihintay ka na din ni ma'am alice" sabi ng kasamahan ko kaya pumasok nako sa farm kung saan kami nabuhay.

Ako si y/n at anak ako ng isang driver at tindera pero kahit ganyan yung trabaho ng pamilya ko ay nakapag tapos pa din ako pero kesa pumili ng maganda trabaho. Pinili ko maging isang bodyguard ng amo ni papa para daw makita ko kung saan ako magaling sa trabaho since hindi ko naman alam kung saan ako magaling.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay nagulat ako sa nakita ko, ang expect ko pa naman ay mga damo or hayop makikita ko pero hindi. Puro mga magagarbo sasakyan ang nakita ko pero hindi ko na lang iyon pinansin at tumuloy na lang ako sa paglalakad. May lumapit naman sakin na mukhang assistant or trabahador ng amo ko.

"Hi I'm cath, ikaw ba si y/n?" Tanong nito na may ngiti sa kanyang labi kaya tumango na lang ako.

"Ako nga po" sabi ko pero ngumiti din ako sa kanya pabalik kahit hindi naman ako mahilig ngumiti.

"Kung ganun, sumama ka muna sakin para ma tour kita and malaman mo din yung mga rules ni ma'am alice. Tara" sabi nito kaya wala na ako nagawa kundi sundan siya at makinig sa mga rules na sasabihin niya.

"Meron ka din pala sariling kwarto sa bahay ni ma'am alice para kung may pupuntahan kayo ay madali ka lang niya puntahan. Actually ikaw lang binigyan niya ng sariling kwarto kase yung iba is sama sama sa iisang kwarto." Sabi ni cath habang ginigala niya ako sa farm.

"Bakit?" Tanong ko kahit alam ko naman yung reason.

"Kase babae ka and priority ka din ni ma'am kase dito nag trabaho yung papa mo kaya lahat ng serbisyo niya ay susuklian niya sayo." Sabi niya sakin kaya ngumiti lang ako at tumango.

After ko malaman lahat ng rules at mga silid dito sa farm ay pumasok na kami sa bahay ni ma'am alice. Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko ang mga ilan tauhan na nag tratrabaho kay alice, nagpakilala sila lahat sakin at ako din syempre. Ang babait nila mukhang magugustuhan ko dito.

"Good morning everyone"

Mukhang boss ko na ata yun, kaya naman humarap ako sa boses na yun. It's her..my boss. She's beautiful chinita dahil singkit yung mga mata niya at ang puti pa. Nag titigan lang kami dalawa pero naka ngiti siya kaya medyo nawawala na yung kaba ko.

"Ahh ma'am si y/n po anak ni mang pedro yung dati niyo po driver" sabi ni cath sa gilid ko na naging dahilan ng pagbalik ko sa sarili. I cleared my throat and clean my hands using my t shirt then handing my hand gesturing for a hand shake na agad naman niya tinanggap at may tawa pa, mukhang natuwa ata siya nung na nakita niya ako bumalik sa sarili at nag panic ng kaunti.

"I-im y/n po your new bodyguard" I said while I'm continuing shaking her hand. Ang lambot jusme

"Nice to meet you y/n, nakakatuwa naman ikaw na ang papalit sa papa mo" sabi niya na may tawa ng kaunti kaya hindi ko mapigilan mapangiti din pero totoo ngiti hindi katulad kanina panggap lang. I'm not just her bodyguard I'm also her driver pero kapag pupunta bayan lang kase may iba pa siya driver pero sila naman yung sa mga malalayo lugar.

Wala nako masabi dahil nakatitig lang talaga ako sa kanya kaya hindi ko napansin kanina ko pa hinahawakan yung kamay niya. Agad naman ako bumitaw habang siya naman ay tuloy pa din sa pag ngiti. Hindi ba siya nangangalay ngumiti? Or baka natatawa siya sa mga awkward movements ko?

Binaling naman niya ang kanyang attention sa mga tao nasa likod ko kaya lumakad ito sa gilid ko habang ako naman ay sumusunod sa mga kilos niya. Nag tanong lang naman siya sa mga kasama ko kung kumain na sila kaya sinagot din nila si ma'am na tapos na sila kumain kaya agad naman binaling ni ma'am ang tingin niya sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mayor Alice Guo one Shot(GXG)Where stories live. Discover now