50

2.6K 203 121
                                        

a/n:

this is the last chapter before the epilogue. and i was listening to "ghostin" by ari as i wrote this, so i suggest listening to it while you read, too. i love you all so much, and i can't tell you enough how ashamed i am for coming back after such a long hiatus. but i hope you'll give levi and aaron another chance. thank you sm, love youuu from the bottom of my heart.

Levi

Halos dalawang araw na ang lumipas mula nang makarating kami sa Paris. Mabuti nga't maaga kaming umalis, iba rin kasi talaga ang pagod na iniwan ng halos labing-apat na oras na biyahe namin. Kung sakaling hindi naisipang umarangkada agad, baka parang zombie kaming a-attend sa contest.

Pagkalapag pa lang namin, sinubukan ko nang i-update si Mama. Pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang sagot.

Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin iyon at baka abala lang siya sa trabaho. Ayoko ring dagdagan pa ang iniisip ko, lalo't bukas na ang quiz bee.

Gabi na rito sa Paris, pero maliwanag pa rin sa loob ng hotel room namin ni Owen.

Narito kami ng buong team, para sa huling intensive training bago ang laban bukas.

Nakaupo kami ni Owen sa sahig, magkaharap. Sa pagitan namin ay mga papel, formula sheet, at tablet na paubos na ang baterya. Si Cal ay nakasandal sa sofa, tahimik na nagbabasa ng notes, habang si Via ay nakahiga na sa kama ni Owen, nagtitipa na sa cellphone.

"Ulitin natin 'yung probability sets," sabi ni Owen, may bahid na ng pagod. "Last na."

Tumango ako at nagbato ng bagong tanong.

Ilang segundo siyang nakatitig sa papel, tapos biglang nanlaki ang mga mata niya bago halos isinigaw ang sagot.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Sigurado ka?"

Natigilan siya at tila nagduda sa sariling sagot.

"Tama," bulgar ko rin maya-maya.

Napatayo siya sa sabik, dumiretso sa kama niya kung saan nakahilata si Via at doon nagtatalon.

"Hoy! Ang gulo mo!" singhal ni Via, sabay bato ng unan. "Bro, stop!"

"Eh di umalis ka," sagot ni Owen, taas-kilay. "Kama mo ba 'to?"

Napairap ako, nailing. Tangina talaga nito, hilig mang-ragebait.

"Pero seryoso," dagdag ko. "Huwag kang sasagot kapag nagdadalawang-isip ka. Kahit gaano ka pa ka-confident."

"At least tama pa rin sagot ko," depensa ni Owen.

"Sa ngayon," singit ni Cal mula sa sofa. "Pero sa quiz bee, tsamba is not enough. Kailangan sigurado ka."

Nagkibit-balikat si Owen. "Fair."

"Magpahinga na tayo," sabi ko, sinulyapan ang orasan. "Late na rin."

"Finally," ani Via, agad na tumayo at kinolekta ang gamit niya.

"Salamat sa cooperation. Matulog nang mahimbing," sabi ko. "Big day bukas."

"Thank you, Levi," ani Via, saka ako inakap saglit. "Rest well."

Tinapik ko ang likod niya. Pagkakalas niya, dumiretso na siya sa pinto.

"Eh ako?" reklamo ni Owen. "Walang rest well?"

"Wala! Rest in peace, meron!" sigaw ni Via bago tuluyang lumabas.

Napasinghal si Owen at bumagsak sa kama, bago binalot ang sarili sa kumot. Napatawa si Cal, saka tumayo at naglakad palapit sa akin.

Huminto siya sa harap ko maya-maya. May simpleng ngiti sa labi niya, habang nakatingala sa akin. Napilitan akong gumanti ng ngiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now