Levi
"Okay lang ba sa'yo?" tanong niya, mabilis akong sinipat mula ulo hanggang paa.
Napahiram na naman ako sa kaniya ng pantulog ngayong gabi. Hindi ko rin kasi inakala na dito kami mauuwi at magpapalipas ng gabi sa bahay nila. Akala ko, saglit lang kami.
Wala namang kaso sa akin kasi wala rin namang pasok bukas.
"Hmm... Thanks," sagot ko, sabay tango.
Sinulyapan ko pa ang suot kong jersey niya na medyo maluwag sa akin.
Nakakahiya ngang manghiram ulit eh, lalo na't hindi ko pa naibabalik yung mga nauna kong nahiram. Mukhang branded pa naman mga 'yon.
Pero itong jersey, ibang usapan 'to. Hindi ko na 'to ibabalik. Angas ko tingnan dito, eh. Sa akin na 'to.
"I already ordered your Ralph Lauren polos. Like I promised..." aniya.
Napakunot ako ng noo. "Gago, seryoso ka talaga?"
Inangat niya ang mga kilay niya sa akin bilang pagsagot, bahagyang nangiti.
Tangina, yaman talaga. Sana pinera na lang niya. Ang mamahal no'n, eh.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo, bahagyang humilig gamit ang mga braso.
Saka ko lang din napansin na naka-boxers lang pala siya, walang pang-itaas.
Walangya, 'di ba? Akala mo walang kasama. Tanaw na tanaw pa yung pagkabakat ng dragon niya.
"Kung nakokonsensya ka, kiss mo na lang ako in return," mababang aniya, nilingon ako.
Nagpilit ako ng ismid. "Anong konsensya? Obligasyon mo 'yon. Sinira mo polo ko, eh."
Hindi lang polo ang sinira niya, kamo. Pati pwet ko. Pero 'di na ako maniningil do'n, pasalamat siya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at dahan-dahang nagtungo sa balcony, nahagip ko pa ang pag-simangot niya.
"Oh, come on, baby... Nasa sala tayo buong araw. I couldn't kiss you in front of them, you know? I'm so kiss-deprived na..."
Tangina, puberty stage pa lang yata tong syinota ko. Grabe taas ng libido.
Tinukod ko ang mga siko ko sa railings, hinayaan kong lumapat ang mga mata ko sa dilim ng gabi at ilang luningning sa himpapawid.
"Ba't ka pa nag-dorm?" tanong ko, ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. "Ang ganda rito sa inyo. Mas maluwag din ang kuwarto mo rito. Saka, may kotse ka naman. Pwede kang mag-uwian araw-araw."
Imbes na sagutin, naramdaman ko na lang ang mga palad niyang dahan-dahang dumapo sa bewang ko. Sumunod ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko.
Siguro pinaglihi 'to ni Tita Celyne sa physical touch, 'no? Matanong ko nga minsan.
Nanatili siyang nakakapit, ramdam ang pagtibok ng puso niya sa likod ko. At nang magtagal, hindi rin naiwasan ng katawan ko ang lumamlam sa init ng bisig niya. Napabuntong-hininga ako.
