44

16.1K 641 716
                                        

Levi

"Can I kiss you?" bulong niya, halos hindi ko na marinig dahil sa lapit ng mukha niya.

Ngayon ang nakatakdang araw, mga pre. Yung araw na matagal nang nakakimkim sa isip ko, ang araw na isisiwalat ko ang tunay kong nararamdaman para kay Aaron.

Sa katunayan, naka-mark pa nga sa calendar ng phone ko 'yon, eh. At sinigurado kong araw-araw may reminder, kahit hindi ko naman talaga kailangan. Kasi simula pa noong isang linggo, iyon na lang ang laman ng isip ko.

Nasa kandungan niya ako, habang nakaupo siya sa kama. Mahigpit ang yakap ng mga braso niya sa bewang ko, habang ang mga kamay ko nama'y nakasandal sa balikat niya.

Hindi ko nga alam kung bakit kami nauwi sa ganitong posisyon. Ewan. Magic siguro.

"Gago, tara na... baka ma-late pa tayo," garalgal kong sabi, pilit kinakalma ang boses ko kahit parang naiipit na 'to sa lalamunan ko.

Nakabihis na kami pareho. Sapatos na lang talaga ang kulang at diretso alis na sana kami, pero...

"We still have..." tumingin siya sa relo niya, tapos bumalik ang tingin sa 'kin, "thirty minutes before our class."

Napalunok ako. Putek, libog na naman siya. Please, Lord, bigyan Mo po ako ng magandang ipapalusot.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Ramdam ko na naman ang init ng hininga niya sa labi ko. Tangina. Konti na lang talaga, at didikit na.

Feeling ko tuloy naririnig na niya sa tenga niya ang bilis ng tibok ng puso ko. Basta 'pag gan'to talaga, kinakabahan ako.

"Sige na..." pakiusap niya, halos pabulong. "Pampalakas lang for our presentation later. Kahit peck lang."

Tahimik lang ako. Nagdadalawang-isip kung papayag ba o kakaripas ng takbo.

"Baby, please..." dagdag pa niya, kunot-noo.

Tss. Eh 'di ako na bading. Putangina.

Oh, kay bilis nga naman ng panahon, 'no? Parang kailan lang noong bwisit na bwisit ako sa mga damoves nito, eh. Ngayon natu-turn on na ako. Paksyet.

Tumango ako. "Isa lang," bulong ko sa wakas.

At doon ko nakita ang isang pilyong ngiti sa labi niya, kasabay ng dahan-dahang paglapit ng mukha niya. Hindi na ako gumalaw. Hinayaan ko na lang.

Pagdampi ng labi niya sa labi ko, akala ko'y hihiwalay siya agad. Pero mas lalo niya akong hinapit palapit. At ang sabi niyang peck lang, ay legit naging full-on laplapan. Nyemas.

Bumigay na rin ang mga talukap ko at tuluyan na silang nagsara. Binuka ko ang labi ko, at binigay ang sarili sa tamis ng labi niya. Hirap pala talagang kontrolin ng katawan mo 'pag mga gan'tong sitwasyon na, 'no? Kusa na lang nagre-react, eh.

Putangina. Hindi na nga 'to healthy. Nasasarapan na ako.

Maya-maya, naramdaman ko ang malilikot niyang kamay sa ilalim ng polo ko. Marahang hinahagod ang likod ko. Mainit ang palad niya sa balat kong malamig.

Pero lahat ng iniisip ko, nawala nang bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko.

"Ah-" ungol ko, pero agad ding natabunan 'yon ng dila niyang biglang sumalakay sa loob ng bibig ko.

Ginapang ng dila niya ang bawat sulok, parang kabisado na nito ang buong bibig ko. At ako, nalulunod na sa bawat segundong lumilipas.

Alam na alam ng loko ang ginagawa niya. Hinahayaan ko na lang siyang mag-lead. Ayoko man na nagiging sunod-sunuran ako, pero wala, eh. Newbie pa lang ako dito, siya may Master's degree na.

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now