49

3.3K 221 68
                                        

Levi

"You sure wala ka nang nakalimutan?"

Tumango ako, at tuluyan nang isinara ni Supremo ang trunk ng kotse niya.

Noong mga nakaraang araw pa ako nagsimulang mag-impake, kaya sigurado naman akong dala ko na ang lahat. Baka nga mapatawan pa ako ng extra baggage fee sa dami nu'n.

Bitbit ko rin kasi pati ang ilan sa mga winter clothes na hiniram ko kay Supremo. Lalo't pa-winter na rin sa Paris.

"Thanks," pasimpleng sabi ko.

"Basta ikaw," aniya, saka sinenyas ang pinto ng kotse. "Let's go."

Sabay kaming sumakay sa kotse. Nakasindi na ang makina habang nagkakarga kami ng mga gamit kaya malamig na agad ang AC sa loob.

Napadako ang tingin ko sa kaniya nang maupo.

Nakaputing t-shirt lang siya at itim na sweatpants. Pansin ko kung gaano kahigpit ang kapit ng manggas no'n sa biceps niya. Pinaresan niya iyon ng asul na sumbrerong basta na lang niyang hinablot mula sa sampayan kanina at isinuot pabaliktad.

Nagtagpo ang mga tingin namin at may sumilip na ngiti sa labi niya.

"Stop checking me out and fasten your damn seat belt."

Agad akong umiwas ng tingin. Sabay kuha sa seat belt na para bang iyon naman talaga ang balak kong gawin mula pa sa simula.

Narinig ko ang mababa niyang tawa.

"Tara na nga," sabi ko, napakagat sa loob ng pisngi.

Tangina, ewan ko ba sa sarili ko. Simula talaga noong may nangyari sa aming dalawa, parang naging manyak na rin ako. Dati-rati, wala naman akong pakialam sa mga ganiyang bagay.

Ngayon? Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kaniya na parang tanga. Muntik pa nga kaming maulit kagabi. Dahil sa akin.

Buti na lang nagising ang natitira kong brain cells at naalalang hindi ako puwedeng makipagbakbakan dahil may contest pa akong haharapin. Wala tuloy siyang nagawa kundi kumambyo. Grabe rin hiya ko nu'n.

Hindi na rin siya nang-asar at tahimik na lang niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng parking lot. Pagdating namin sa gate, wala na ring tanong-tanong si Manong Guard. Binuksan niya agad iyon para padaanin kami, at tuluyan kaming nakalabas sa kalsada.

Hatinggabi pa lang, pero nasa daan na kami papuntang airport. Inagahan namin ang flight para makarating nang mas maaga sa Paris at magkaroon pa ng oras para makapagpahinga bago ang contest.

Mahirap na. Ayokong makipagkumpitensya habang jinejet lag.

Tungkol naman sa trabaho ko, nakapagpaalam na ako kay Kuya Marcello. Ayon sa kaniya, hahanap na lang muna siya ng sub habang wala ako nang ilang araw.

Tahimik lang kaming bumiyahe.

Nakatanaw ako sa mga ilaw na dumaraan sa labas ng bintana nang bigla siyang magsalita.

"I'm planning to buy a condo pala."

Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya.

"Huh?"

Hindi niya ako nilingon. Nakatitig lang siya sa kalsada habang hawak ang manibela. Binasa niya ang labi niya bago nagsalita.

"I want thicker walls... So you can finally moan my name out loud when we fuck."

Sinilip niya ako sa rearview, tila inaasahang matawa ako, pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko alam kung gugulpihin ko ba 'tong torpeng 'to o tatalon na lang palabas ng kotse eh.

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now