46

18.9K 671 568
                                        

Levi

"Let's sit you up, baby," sabi ni Aaron, inalalayan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.

Nanatiling nasa ilalim ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko. Isinandal ko ang likod at ulo ko sa headboard habang nakatitig sa kaniya gamit ang mapupungay kong mata.

Naupo siya sa harap ko at mabilis na dinampi ang palad sa noo ko.

"Shit," bulong niya, kunot-noo. Agad naman akong nahiya, kaya mabilis kong tinabig ang kamay niya.

Baka isipin niya, ang tapang-tapang kong makipag-rambulan kagabi, lagnat lang pala katapusan ko ngayon.

Tangina, sorry na. Pero sino ba naman kasing hindi lalagnatin? Pagkatapos na pagkatapos naming magbabad at magdramahan sa ulan, binarurot niya agad ako.

"Bumili ako ng soup," sabi niya, sabay bukas ng plastic bag pinatong niya kanina sa bedside table pagdating niya. "Eat this, so you can take medicine after."

Tumango na lang ako habang pinapanood siyang buksan ‘yung bowl ng… ewan, hindi ko kilala. Amoy hindi galing karinderya, eh.

Kumuha siya ng kutsara, sumandok ng sabaw, tapos hinipan para sa’kin.

"A-ako na," paos na sabi ko, inaabot ang bowl at kutsara. "Kaya ko naman."

"No. You're sick. Let me do it," matigas niyang sagot, hinigpitan pa ang hawak.

Umiling ako. "Nilalagnat ako, Aaron. Hindi na-stroke."

Kumunot lalo ang noo niya. "Levi, let go na. Baka mabuhos—"

"Ah!" napadaing ako nang bahagya nga akong mabuhusan at mapaso sa kamay.

"‘Yan kasi," sermon niya, salubong ang kilay. Mabilis niyang pinunasan ang kamay ko gamit ang laylayan ng damit niya.

"May sakit ka na nga, ang taas pa rin ng pride mo," sermon niya, nakatitig pa rin sa kamay ko.

Napakuyom ako ng bibig.

"Gusto kitang alagaan, so let me… I’m responsible for you, Levi," dagdag niya, bago niya hinaplos at hinalikan ang parte ng paso sa kamay ko.

Kahit nilalagnat na ako, mas lalo pa akong uminit dahil sa ginawa niya.

"Now," sabi niya ulit, inaangat ang kutsara sa bibig ko. "Ahhh..."

Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon, at kita ko sa mukha niya na medyo gumaan ang pakiramdam niya.

Masarap sa lalamunan ’yung sabaw. At saka, unti-unti no'ng tinatanggal ’yung bigat at kirot sa ulo ko. Kaya hinayaan ko siyang subuan ako ng ilan pang beses.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Seryoso ang mukha niya, nakatutok sa ginagawa, pero ako, putangina, di ko alam kung saan ako titingin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano aakto ngayong… nakita at natikman na niya buong pagkatao ko.

"Subo," putol niya sa isip ko.

Gulat kong sinalubong ang mga mata niya, bago iyon dumausdos sa kutsarang nakaangat na sa bibig ko.

Nahihiya man, isinubo ko pa rin. Putangina, akala ko kung ano na naman, eh.

Muli kaming natahimik. Nakatuon na ang mga mata niya sa sabaw, marahang hinahalo iyon ng kutsara.

"Do you…" mahina niyang umpisa, parang nag-aalangan. "Do you regret it?"

Napasimangot ako, napapikit sandali nang bahagyang sumakit ang ulo ko. "Seryoso ka ba?"

Tangina, anong klaseng tanong ’yon?

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now