Meet the cousins

522 12 1
                                    

Nakaupo ako sa mahabang couch dito sa bahay ni Ms. Kim. Sobrang laki ng bahay niya tapos mag isa lang siya, sobrang dark rin dito sa loob which I love to, kasi hindi masyado nakakasilaw yung mga ilaw sobrang sakit kasi nun sa mata.

Nasa kitchen si Ms. Kim , she took an ice kasi lalagyan niya raw yung mga pasa ko sa mukha. Habang naghihintay ako, nilibot ko naman yung tingin ko , kahit isang picture niya wala ni isa. Pero puno naman ng painting ang wall niya, siguro siya ang may gawa nito.



Bumalik na siya na may hawak na bimpo at saka yelo. Umiwas naman ako kasi sobrang lamig kaya nun tapos ilalagay niya lang sa mukha ko?


“Come here” She said softly with her eyes looking at me. “No, masakit kaya 'yan”



“Mas masakit kung susuntukin ko 'yan, kaya lumapit ka na” Natakot naman ako sa gagawin niya kaya lumapit ako at saka niya kinuha yung bimpo at saka nilagyan ng yelo. Nakatalikod siya sa akin at nakikita ko ang leeg niyang maputi, naka bun siya which makes me swallow my own saliva.

That was too sexy. Parang gusto kong amuyin yung leeg niya at saka mag iwan ng marka.



Kahit ano-ano na pala ang iniisip ko , nakatingin na pala siya sa akin. “Here, gamutin mo sarili mo” Binigay niya sa akin yung bimpo.

“I thought ikaw ang gagawa” Sabi ko.

“No, kahit ano-anong iniisip mo” Sabi niya sabay tayo. “Never thought that you'll apologize to me like this” Sabi ko at kinuha niya ulit sa akin yung bimpo at dinapo niya sa mukha ko.

Nung una natatawa ako pero ngayon dahil sa sobrang sakit hindi na ako nakakagalaw. “Sobrang lamig naman niyan, sobrang sakit pa”

“Just don't move” Sinunod ko naman yung sabi niya.



Hindi ko inalis ang tingin ko sa kulay brown niyang at parang pusa niyang mata. Ito pa rin yung mata na nakita ko noong unang araw ko pa lang siya nakita. It's the same eyes who caught me and made me love her even better.


Second year na kami and finally nakaalis na rin kami sa terror namin na prof. si Ms. Cabral, sobrang higpit niya na halos hindi na ata kami makahinga during her class.

Hinihintay ko si Seulgi sa parking lot para sabay kaming pumasok, pero wala pa siya. Nang lumabas ako ng kotse, naisara ko pala nang malakas yung pinto kaya nagulat ang babaeng nasa harapan ko. “I'm sorry, Miss” Sabi ko sabay wink sakaniya. Tinarayan niya lang ako at saka umalis siya. Hindi ko siya nakita nang mabuti kasi naka cap siya.

Nandito na si Seulgi at sabay kaming pumasok ng room. Habang nasa hallway kami puro tinginan lang ang mga babae sa amin, syempre baka kami 'to. Lakas namin makahatak ng mga babae sa hallway.

Pagpasok namin ng room, nasa amin naman ang tingin ng mga classmate namin, nag biro pa itong si Seulgi na kung ngayon lang daw ba sila nakakita ng gwapo sa harapan nila not until someone spoke. “Coming late in my class is such a rude one, pumunta ako nang maaga para lang pumasok, at ngayon sasayangin niyo ang oras para pumasok kayong late?”

Para siyang tigre tapos mukhang babagsakin ka anytime. Her eyes and mine met, parang may kung ano ang bumubuo sa tyan ko na hindi mapaliwanag.

“I'm sorry, Ma'am” paghingi ko ng tawad sakaniya.

“Kapag nangyari pa ang ganito, hinding-hindi ko na kayo tatanggapin” Tinalikuran niya kami at saka kami umupo sa table namin ni Seulgi.

Isa-isa naman ang nagpakilala ng kanilang mga sarili at sumunod na ako.

“Good Morning, Everyone, I know na kilala niyo na ako since classmates lang naman tayo nung first year, but to give respect to our professor here in front of us, I would like to introduce myself, I am Lisa Manoban, 21 years old.” Iyon lang ang sinabi ko kasi hindi naman namin kailangan sabihin kung taga saan kami.

Between The Lines Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon