Seulgi
I think it's been a week since the prom night happened, one week na rin mula nung nangyaring away nil Lisa at Ex ni Ms. Kim. Hindi ko pa nakita si Lisa na makipag-away nang ganun, at sigurado akong malaki ang galit niya nung gabi na 'yun. Halos mawalan na ng itsura yung lalaking 'yun, eh.
Pagkatapos nung nangyari, hindi pumasok si Lisa nung lunes dahil sa kahihiyan at marami rin ang naglalabasan na chismis na baka raw may relasyon si Ms. Kim at Lisa, ngunit mabilis na dineny ito ni Ms. Kim, masakit para sa akin kung maririnig ko 'yun galing sakaniya, at kaya siguro hindi pumapasok si Lisa dahil doon.
Ilang araw na siyang absent at nung Miyerkules lang siya pumasok dahil walang subject sa amin si Ms. Kim, tapos hindi niya rin kami kumakausap ni Somi, hindi naman kami galit sakaniya sa ginawa niyang pagtaboy sa amin dahil malawak ang pag-intindi namin sakaniya.
“Class dismissed” wika ni Ms. Kim nang matapos ang oras ng klase niya. Isa-isa naman ang mga kaklase namin lumabas habang kami ni Somi ang natira dito sa classroom, si Ms. Kim hindi pa rin umaalis at parang hinihintay niya pa kami.
“Seulgi, Somi, p'wede ko ba matanong sainyo kung bakit hindi pumapasok si Lisa? Pang apat na araw niya na 'tong absent, kapag hindi pa siya pumasok sa lunes, lahat kami ida-drop out siya” Sambit ni Ms. Kim habang naka cross arm.
“Ma'am, kahit po kami hindi rin namin alam kung hindi pumapasok si Lisa, but we're trying to reach her po, we will talk to her about this po, Ma'am, kapag nakita na namin siya” she nodded and went outside.
Habang naglalakad kami ni Somi palabas ng campus, nakita ko yung kotse ni Lisa naka parada sa parking lot. “Kotse ni Lisa iyon, 'di ba?” Turo ko kay Somi. “Oo nga” Lumapit kami sa kotse niya at nakita namin siyang lumabas. ”Lisa!” Napatingin siya sa amin , walang emosyon ang mukha.
“Lisa, bakit hindi ka na pumapasok? Sabi kasi sa amin nila Ms. Bae, baka raw i-drop out ka na nila” sabi ko sakaniya. “I'm sorry, galit ba kayo sa akin?” At kaya pala hindi niya kami kinakausap dahil baka alam niyang galit kami sakaniya, kahit ang totoo ay hindi.
“Dude, we're bestfriends for 6 years, bakit ako magagalit sa'yo?” Ngumiti siya sa akin at saka niyakap kaming dalawa ni Somi.
“Ang korni mo, Lisa. Wala tuloy akong magayahan sa subject ni Ms. Bae” Sabi ni Somi.
“Sorry, guys. Kailangan rin kasi ako ni Dad and Mom, okay na ngayon si Dad, naiuwi na namin siya sa bahay. At nandito ako ngayon para i-submit 'to, para hindi nila ako i-drop” May papel siyang hawak-hawak.
“Dude, kain tayo sa labas. Na-miss ka namin, eh” sabi ko sakaniya.
“Sure, hintayin niyo lang ako dito” hinintay namin siya sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Between The Lines
RomantikJennie Kim, 26, a lawyer, and a professor of HU. Lisa Manoban, 21, a law student. She has a secret relationship with her professor, Jennie Kim. G!P Jenlisa