Hi guys! Thanks for visiting my story. Hope you like it.
This story are still unedited so expect some grammatical errors and wrong grammars.
This is work of fiction. Any other scenes are purely made by my imagination. There's some places, names, events, or any other scenes na maiihalin tulad sa totoong buhay are just coincidence lamang.
Enjoy reading!
----------------------------------------------
Tinignan ko yung naglalakihang mga puno na nadadaanan namin. Nakasakay ako sa isang itim na kotse na sumundo sa'kin kaninang umaga. Tinignan ko yung nagmamanehong medyo may katandaan na lalaki sa harap ko na si Mr Gregor.
Siya ang nag rekomenda sa akin ng trabaho bilang isang maid. Isinauli ko kasi yung nahulog niya na wallet habang naghahanap ako ng trabaho. Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko bilang gantimpala kaya trabaho yung sinabi ko.
Mag isa nalang ako sa buhay dahil namatay yung mga magulang ko sa car accident simula nung twelve years old palang ako. Wala akong kilala kahit ni isang kamag-anak kaya nag pursigi nalang akong buhayin yung sarili ko sa paraan na pagiging taga hugas ng pinggan sa mga karenderya diyan sa tabi-tabi. Hindi na rin ko nakapag aral dahil sa sitwasyon ko.
Medyo nangilabot ako kasi puro puno nalang yung nadadaanan namin at wala na kahit isang bahay akong nakikita. Humigpit yung hawak ko sa shoulder bag ko.
Sabi ni Mr. Gregor the salary is good daw. Mababait din daw yung mga magiging kasama ko sa mansion. Pero kapag daw may mga bagay ako na ikakalito ko sa paligid huwag nalang daw ako mag tanong at hayaan nalang kasi magagalit daw yung Don namin.
Huminto ang kotse sa harap ng malaking gate sa harap namin. Sobrang taas nito at kulay itim. Binuksan ito ng isang guwardya at pumasok kami sa loob.
Ang lawak ng paligid. Ang laki rin ng mansion na nasa harap namin. Pinark ni Mr. Gregor yung kotse sa malawak na garage kung saan nakahelera yung mga mamahaling kotse.
May fountain sa gitna ng malawak na bakuran at sa magkabilang gilid naman ay mga mapupulang rosas ang mga namumukadkad.
"Ms. Flory?"
Napapitlag ako nung tawagin ako ni Mr. Gregor. Nakatayo kami sa malawak na bakuran at bitbit ko yung isang malaking maleta na naglalaman ng lahat ng mga gamit ko.
"Po?"
"Please follow me." Ngumiti ito saka naunang naglakad.
Sumunod naman ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng mansion at namangha ako sa laki at lawak nito. Yung mga kagamitan sa paligid ay mukhang mamahalin. May mga paintings at mga vintage things kagaya ng mga vases at mga statues.
Ang tahimik rin ng paligid na akalain mo ay walang nakatira. Sobrang linis rin na parang langaw ay mahihiyang dumapo kahit saan.
Isa lang talaga ang masasabi ko dito sa mansion na ito. Lahat ng bagay sumisigaw ng karangyaan!
Pumunta kami sa malawak na living room na puno ng naglalakihang mga paintings at statues. Pang sinaunang panahon lang yung style ng mansion nato.
Huminto si Mr. Gregor kaya iniligay ko muna sa sahig yung malaking maleta ko.
"Welcome to Don's Mansion, Ms. Flory. Lena will be here for any minute, just wait for her until she arrives. She will instruct you to all of the things you need to do inside and out of this mansion. I'll just need to do some important somethings."
Pagkatapos sabihin 'yon ni Mr. Gregor ay umalis na ito. Kinagat ko yung pang ibabang labi ko at inilibot yung paningin sa paligid. Medyo nakakatakot kasi wala akong nakikitang kahit isang tao sa paligid.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...