Chapter 9

98 1 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Para akong namanhid at patuloy nalang sa pag luha. Windang ako sa mg nalaman at parang hindi kaya ng utak ko na higopin lahat ng nalaman.

Napadako yung tingin ko pinto kung saan lumabas ang Don. Paano niya na kaya 'yon? Paano niya na kaya lahat at patuloy na mamuhay sa kabila ng nangyari sa kanya? Hindi ko naman sinisisi si lola pero hindi ko rin masisisi ang Don.

Kumunot yung noo ko nung sa may gilid ng pinto ay may nakita akong isang lukot na parang papel? Dahan dahan akong tumayo at nilapitan ito. Tama nga ako, isa itong lukot na papel ngunit sobrang lumang papel na parang sa ninuno pa natin.

Binuksan ko iyon at inayos kahit gusot na. Nakita ko na may nakasulat kaya mas lalo ko itong inayos. Nung medyo maayos na ito ay napagtanto ko na isa itong liham. Pinahid ko yung luha ko at saka tinitigan yung sulat. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko ang pangalan ng lola ko at ng Don namin.

Cane Vonn Demitreo...

Kumabog yung puso ko nung mabasa ko yung pangalan niya. Ramdam ko na nagsitayoan yung mga balahibo ko. Kinagat ko yung pang ibabang labi ko. Sulat ito ni lola para sa Don!

Himaplos ko yung bawat letra. Nahawakan ko yung sulat kamay ng lola ko pero yung kamay niya ay hindi. Hindi palang ako ipinanganak ay hindi ko na nasilayan ang lola at lolo ko. Sabi ni Nanay namatay na daw ito sa katandaan pati na rin yung lolo ko.

Sinumulan kong basahin yung sulat. Bawat stanza na binabasa ko ay bawat tulo ng luha ko. Mahal na mahal ng lola ko ang Don. Ramdam na ramdam ko sa mga salitang isinulat ng lola ko para sa Don? Matapos ang ilang minuto ay natapos kong basahin ang sulat.

Napahawak ako sa bibig ko habang humihikbi. Ngayon alam ko na lahat. Walang choice si lola kundi sumama kay lolo. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari. Hindi ko alam na nakatadhana ako sa Don. Iniwan ni lola ang Don para sa'kin. Dahil kami ang nakatadhana ng Don.

Umiiling na nanginginig ang mga binti na pinihit ko ang pinto at lumabas. Hawak ko ang sulat habang mabilis akong nagtungo sa kwarto ng Don. Nung buksan ko ang pinto agad na bumungad sa'kin ang tahimik na paligid. Wala akong nakitang bakas ng bulto ng Don kaya umalis ako sa kwarto niya.

Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang maka usap. Nagtungo ako sa rooftop nagbabasakaling baka nandon siya. Hindi nga ako nagkamali, nasa mini bar siya at naka upo siya sa sofa sa gilid kung saan nadatnan ko sila nung ka business partner niya.

Tahimik siyang naka upo doon habang umiinom ng whiskey. Kumuyom ang kamao ko at agad na nag tungo sa kanyang harapan. Napatigil siya sa pag inom nung nasa harap ko na siya. Nasa baso lang yung tingin niya, bumukol yung kabilang pisngi niya dahil sa dila niya at nag angat ng tingin sa'kin gamit ang walang buhay niyang abong mga mata.

Nakatingin lang ako sa kanya habang lumuluha. Bumaba yung tingin niya sa hawak ko at umangat lang yung gilid ng kanyang labi.

"What? Hindi pa ba sapat ang mga nalaman mo?" Walang gana niyang sabi.

"I'm s-sorry... iniwan ka ni lola ng dahil s-sa'kin..." Nag iwas ako ng tingin.

Inilapag niya ang bote ng whiskey sa mesa na nasa pagitan namin.

"Your sorry won't change anything. Nangyari na, may  magagawa pa ba ako?"

"Pero s-sana... pinaglaban mo nalang siya. Sana hinanap mo, pinigilan mo ang nakatadhanang mangyari..." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Tumayo siya at saka nilapitan ako. Tinitigan niya ako ng matalim sa mga mata. Kita ko ang lungkot dito pero tinatakpan ito ng galit. Pagak siyang napatawa.

"What the fuck are you saying? Akala mo madali lang ang lahat? May saysay pa ba kung pipigilan ko ang nakatadhana? It's already too late, huli na ang lahat. Nandito ka na sa harap ko. And I hate to see your fucking face!" His eyes was burning with anger while he spoke those words.

Napa atras ako. "Edi sana tinanggal mo nalang ako! Pinaalis sa mansion mo kung ayaw mo naman makita ang pagmumukha ko!" Giit ko.

He chuckled. "You think I would let that happen?" Lumapit siya sa'kin at pinantayan ang mukha ko. "Hindi kita paalisin. Hindi ka aalis. Dito ka lang. I'll make you suffer. Papahirapan kita, I'll make sure you won't get any love and care from me. You think that we're destined to each other I will treat you better and love you until my last breath? Hell not! I would never accept and loved you. You're just a pest in my life that I want to disappear." His voice is cold as ice.

Napayuko ako at hindi umimik. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko naman intensyon na mangyari lahat ng iyon at mas lalong hindi ko intensyon na itadahana kami.

"Get lost..."

Umalis siya sa harap ko at bumalik sa kinauupuan niya kanina at lumagok ng whiskey. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at inilapag yung sulat na hawak ko sa mesa at saka tahimik na umalis.

Hindi naging madali ang sumunod na araw. Simula nung gabing nalaman ko ang lahat ay mas naging malamig ang trato ng Don sa'kin. Hindi ko siya masisisi gayong alam ko na ang lahat kung bakit ganon nalang ang galit niya sa'kin. Ako ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng babaeng mahal na mahal niya... ang lola ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Windang pa rin ako sa iisiping may nakaraan ang lola ko at ang Don. Mahirap paniwalaan na ang Don na ilang beses kong nakaharap ay ang taong minahal ng lola ko sa kanyang kapanahonan. Mahirap paniwalaan na nakarahap ko na ang taong minahal ng lola ko nung dalaga pa siya. Sobrang hirap paniwalaan ang lahat.

Wala akong balak na samantalahin ang sitwasyon na kami ang naka tadhana ng Don ay lulubusin ko na gustong mapalapit sa kanya. Wala akong balak na gawin yun dahil alam ko na masasaktan lang ang Don dahil ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.

I really thought he was emotionless man. Madilim yung aura niya at nakakatakot. Sa unang tingin mo palang sa kanya talagang matatakot ka. His sharp features, his height and his intimidating aura na talagang magpapanginig ng mga binti mo. Pero sa likod ng nakakatakot niyang aura ay may tinatagong siyang kahinaan. Sa likod ng nagyeyelo niyang puso ay naruruon ang puot at kalungkutan.

Bilib ako sa mga taong magaling mag tago ng kanilang tunay na nararamdaman. At para matakpan yung tunay nilang nararamdaman ay dinadaan nila sa ngiti kahit kabaliktaran naman nito ang kanilang tunay na nararamdaman. Sinasabi nila sa mga tao na okay lang sila kahit hindi naman.

Minsan talaga kailangan nating mag panggap na okay lang tayo at ngumiti na parang wala lang ang lahat dahil minsan may mga nararamdaman tayo na ang sarili lang natin ang makakaintindi at makaka-ayos. Sabi nga nila 'sarili mo lang yung magiging kakampi mo sa huli' dahil sarili mo yan, sariling nararamdaman mo at ikaw lang ang tanging nakakaunawa nito.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now