"Serve me."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit kinakabahan ay sumunod ako sa inuutos ng Don.
Tinanggal ko yung takip ng babasaging bote at saka sinalinan yung wine glass pagkatapos ay inilahad sa harap niya.
Hindi niya iyon tinanggap kaya nag angat ako ng tingin. He tilted his head while arching his one brow at me. Ganon pa rin yung pwesto niya, naka tukod pa rin sa magkabilang gilid yung kamay.
"Drink it." He smirked.
"P-Po?"
Nakatingala siya sa akin habang nakayuko naman ako at gulat na nakatingin sa kanya. Hindi ako mahilig uminom kaya paano ko tatanggihan ang utos ng Don?
"I want you to taste my favorite drink. Now. Drink it in front of me." His face turned into a blank expression.
Nanginginig ang kamay na tinignan ko yung wine na hawak ko. Pulang pula ito. Ibinalik ko yung tingin sa Don. Parang naiinip na ito habang hinihintay na inomin ko yung wine.
Kahit labag sa loob ay inilapit ko sa bibig yung wine glass. Napa ismid ako nung ma singhot ko yung amoy ng wine. Bakit kakaiba yung amoy? Parang nakakasuka.
Dahan dahan akong sumipsip habang ang mga tingin ay nasa Don. I saw satisfied through his face the moment I took a sip of the wine. Pero agad na bumaliktad yung sikmura ko nung malasahan ko yung wine.
Malansa ito. I also taste metal that lingered to my tounge. Inalis ko sa bibig ko yung wine glass nung ma-realize ko kung ano yung ininom ko. Tinignan ko yung pulang liquido na nasa wine glass.
Hindi ito wine kundi...
"D-Dugo?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
I heard the Don's chuckled. Ibinaling ko sa kanya yung gulat kong mga mata.
"Like what you taste? My favorite drink is delicious, Isn't it?" He said wearing a satisfied smile.
Nanginig yung buong katawan ko. Dugo yung ininom ko. Dugo yung iniinom ng Don! Napalunok ako, nandoon pa rin yung lasa kaya napa ismid ako.
"Drink all of it. Ubusin mo. I don't want to see any trace of blood in that wine glass."
Umiling ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa Don. "P-Pero... d-dugo ito..."
"Drink. Or else I'll kill you right here, right now. Do you want that to happen?"
Nanunubig ang mga mata na umiling ako.
"Words."
"H-Hindi..."
He smirked at my words. "Now drink."
Wala akong nagawa kundi ang ilapit sa bibig ko ulit yung wine glass na may laman na dugo. Nanginginig ang mga kamay ko. Napaka demonyo niya. Wala siyang awa. Hindi ko alam na ganito pala yung Don ng mansion na ito. Sana hindi nalang ako pumayag na maging maid dito.
Pigil hininga na pumikit ako at ininom yung dugo. Naramdaman ko yung lagkit nito sa lalamunan at yung parang metal na lasa. Tumulo ang mga luha ko habng lumalagok. Naawa ako sa sarili ko. Awang awa ako.
Nung matapos ko inomin lahat ng dugo sa glass wine hindi ko na mapigilan na humikbi.
"Good bitch." Narinig ko yung demonyo niyang tawa.
Hindi makapaniwalang umatras ako. Demonyo itong nasa harap ko. Walang awa. Umiinom ng dugo.
Tumalikod ako at dali daling tumakbo palapit sa pinto. Akmang bubuksan ko na sana yung pinto ngunit may malaking kamay ang tumulak nito pabalik.
"Not yet. Sweetheart." He whispered to my right ear.
Tumayo yung balahibo ko sa batok nung tumama ang mainit na hininga nito sa leeg ko. Dahan dahan akong humarap. Napasinghap ako.
"P-Paano ka napunta..." Hindi makapaniwalang bulong ko.
Bakit napunta agad siya sa likod ko? Bakit ang bilis niyang mapunta sa likod ko?!
Nakita kong tumaas ang isang kamay niya at inilagay sa gilid ko. I'm finally under of him. He cornered me against the wall.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Scared already?" Aniya sa pekeng gulat na expression.
He chuckled. "Tsk. What a coward bith."
Naglandasan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan na masaktan sa mga salita niya. He was truly ruthless. A harsh one.
Tumaas ang isang kilay niya at saka kinuha yung wine glass na hawak ko at binasag iyon sa pader. Pagkatapos ay inilagay yung matulis na bubog sa baba ko. Buo pa yung hawakan ng wine glass at tanging yung matulis na bubog ang natira na nagmukhang punyal.
Ginamit niya iyon para i-angat yung mukha ko at tumingala sa kanya ng tuluyan.
"Wag... p-please..." Pagmamakaawa ko.
Para naman siyang nasiyahan na makita akong nahihirapan at nagmamakaawa sa kanya.
Tumaas yung isang sulok ng labi niya na nauwi sa ngisi. His eyes darken. Nakita ko ang dahan dahan na paglabas ng mga pangil sa ngipin niya. Napasinghap ako sa gulat.
May pangil siya! At saka umiinom ng dugo. Sobrang puti rin ng balat niya at ang lamig ng kanyang katawan. Dumaan ang gulat sa mga mata ko nung ma kumpirma ko yung hinala ko.
"I-Isa kang b-bampira..." Gulat na bulong ko.
"Am I?" Inosenteng tanong niya.
Hindi ako makapaniwala. Totoo ang mga bampira. Akala ko haka-haka lang iyan ng mga matatanda sa paligid pero totoo pala. At isa na itong nasa harap ko.
Nakita ko siyang nakatitig sa mga mukha ko. 'Di kalaunan ay nag salita siya.
"Messy." He smirked.
Tipid na sambit niya at dahan dahang inilapit yung mukha sa'kin. Bumadha ang takot sa puso ko at pumikit dahil sa pag-aakalang kakagatin niya ako pero nagulat ako sa ginawa niya.
He licked the right side of my lips!
Gulat ako na napadilat at tumingin sa kanya. Nakita ko ang pulang liquido sa dila niya. May natira palang dugo sa gilid ng labi ko? At dinilaan niya iyon?
His jaw clenched the moment he taste the blood.
"I want more." He growled.
Napalunok ako sa kaba. Naghanap ako ng paraan para makatakas sa pagkakakulong niya sa'kin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya at malakas siyang tinulak.
Hindi naman siya natinag sa pagkakatulak ko pero kusa siyang umatras at nagpa dala sa tulak ko. Nung makawala ako sa kanya agad kong pinihit yung pinto at lumabas.
Hinihingal na napahawak ako sa dibdib ko. Laking pasalamat ko dahil nakalabas ako ng kwarto na iyon. kung hindi baka kainin ako ng Don na buhay.
Dali dali akong kumaripas ng takbo sa kwarto ko pababa at dumiretso sa banyo para sumuka. Nandidiri ako sa lasa ng dugo na pinainom niya sa'kin kanina. Pagkatapos ay nag toothbrush ako at inayos yung sarili ko.

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...