Wala palang nakakaalam nung nagyari sa'kin nakaraang araw na mapalit akong magahasa at mapatay kung hindi lang dumating ang Don ay baka tuluyan na nga ako. Nung gabing inuwi niya ako sa mansion ay walang nakakaalam ng totoong nangyari.
Ang alam nila ay naka uwi na ako galing sa pag g-groceries pero ang totoo ay may inutos na mga taohan ang Don para bumili ng groceries. Okay lang naman iyon sa'kin dahil ayaw ko nang ungkatin pa yung nanyari dahil bumabalik yung trauma at takot ko.
Habang pababa ako ng hagdan galing sa rooftop ay nakasalubong ko ang Don. Nakasimangot ito at salubong ang makapal at arkong kilay. Yung abo rin niyang mga mata ay walang emosyon. Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko siya papansinin simula nung matindi naming usapan.
Nung nalagpasan ko siya ay nanuot yung mamahalin niyang pabango at ang kanyang natural na manly na amoy. Nakakaadik at nakakapanghina.
"Stop."
Napatigil ako sa pag hakbang nung mag salita siya sa likod ko. Hindi ako gumalaw kaya naramdaman ko na humakbang siya pababa sa pwesto ko at pinantayan ako.
Nakita ko ang namumutok niyang bicep sa suot na itim na long sleeve polo na medyo nakabukas ang ilang butones kaya lantad yung matipuno niyang dibdib. Nag iwas ako ng tingin at pinamulahan. Ang matcho niya naman sarap iuntog yung ulo ko sa mga muscles niya.
"Stop fantasizing me, little human."
Nag angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "Hindi naman kita pinagpapantasyahan..." Depensa ko.
Nakita kong mas lalong nag salubong yung kilay niya at parang naiirita siya sa pagmumukha ko.
"Yes you are. I can see it through your face. Mag laway ka. Hinding hindi mo ako matitikman."
Napa ismid ako sa kayabangan niya. Oo inaamin ko na medyo yummy nga siya pero binabawi ko na ngayon dahil sobrang yabang niya.
"Asa. Kahit kailan hinding hindi ko pinangarap na matikman kayo. Kasi hindi kayo pasok sa standards ko kaya ganon."
Tumaas yung kilay niya at masungit akong tinignan.
"Did you know that many women begged and bended their knees just to get my attention? And yet you're here in front of me and talk to me like nothing?"
"Kasi hindi ko kayo type. At hindi kayo pasok sa standards ko kahit pogi kayo at yummy." Sagot ko.
"Alam mo bang sa lahat ng tao ikaw lang ang kumakausap sa'kin ng ganyan? Due to scared of me other people can't even make a proper sentence while talking to me and you? You talk to me like that? You're brave huh, little human?" He chuckled.
Napalunok ako at nag iwas tingin. Hindi ko alam bakit kung saan ako nakakakuha ng lakas para mag salita sa kanya ng ganyan. Tumikhim ako para mawala yung bara sa lalamunan ko.
"Kasi unique ako kaya ganon..." Mahinang usal ko.
Tinitigan niya ako at kita ko ang pagka irita sa mukha niya kaya nakagat ko yung pang ibabang labi. 'Yan kasi mukhang nagalit tuloy siya sa sinabi ko.
"Tsk. Delusional. You're not unique. There's no unique about you. You're just a maid here nothing else. Got it little human?"
Tumango ako at nag iwas ng tingin. Wala talaga siyang puso. Ang sakit niya magsalita sarap busalan ang bibig.
"I want you to respect me. Don't talk to me like we're in the same position 'cause you're not. Nasa baba ka at ako nasa taas. You must know your place." His voice was full of arrogance.
"Okay po, papa God." Magalang na sagot ko.
Napasinghap siya sa sagot ko.
"What did you say!?"

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampiriHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...