Chapter 16

217 5 2
                                    

Happy Sunday guys!

So here's the next chapter that I promised. Though kahit busy ay sinikap ko parin na maka update. But don't worry next time I'll try to double update. And also let's pray sa mga nasalanta ng bagyo hoping na safe silang lahat. Keep safe everyone and enjoy reading!

----------------------------------------------------

Unti unti akong dumilat nung na alimpungatan ako. Agad na bumungad sa akin ang unan na nasa gilid ko. Bigla kong naalala na nilagay ko pala ito kagabi sa pagitan namin ni Mr. Sir President kasi kahit anong taboy ko sakanya hindi talaga siya nagpapatinag.

Dahan dahan akong sumilip sa likod ng unan. Laking gulat ko nang bumungad sa harap ko ang mukha ni Mr. Sir President. Nakatukod ang isang kamay niya habang naka harap sa'kin at nakataas ang kilay.

"Ay depungal!" Gulat kong sambit.

"Language, little human." May diin niyang sabi.

Agad akong bumangon at tumayo. "Nagulat lang naman Mr. Sir President." Nakanguso kong sagot.

"Whatever." Aniya saka tumayo at naglakad palabas ng pinto ng walang imik.

"Baliw ba 'yon?" Habol ko ng tingin sa kanya. Hindi mawala sa isip ko yung broad shoulder niya. Yung biceps niya din ang laki.

Umiling nalang ako saka pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para tumulong kay Manang Lena sa pagluluto.

"Magandang umaga po Manang." Bati ko saka tinulungan ito sa paghihiwa ng mga gulay.

"Magandang umaga din Hija." Ngumiti ito sa'kin. "Ay ngapala, may bagong chef tayo. Nag retiro na kasi yung dating chef natin kaya pinalitan."

Napabaling yung ulo ko kay Manang Lena. "Talaga po?"

"Oo, baka mamaya nandito na 'yon."

Tumango ako sa sinabi ni Manang Lena. Siguro matanda na yung bagong chef kasi halos lahat ng mga staff dito sa mansion ay matatanda na. Except sa amin nina Rose. Nakalipas ang ilang minuto nagpaalam si Manang Lena na aalis muna dahil pinatawag siya ni Mr. Gregor dahil may ipapagawa ito kaya naiwan akong mag-isa sa kusina.

Habang hinihintay na maluto yung sinigang umupo muna ako sa Island counter. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Mr. Sir President. Ang gwapong mukha nito habang naka kunot ang noo at seryosong nakatingin sa'kin.

Dahil sa naisip bigla kong kinurot ang sarili ko. Bakit ko ba siya iniisip!? Ang kapal naman ng apog niya para isipin ko siya. Ipinilig ko nalang ang ulo ko, hindi tamang isipin ko siya. Baka mamatay ako.

Tumayo ako at naisipan na lapitan yung niluluto. Pero hindi sinasadyang nasagi ko ang kutsilyo na nasa ibabaw ng island counter kaya nahulog ito at nasagi ang braso ko.

Nataranta ako at agad itong pinulot. Ngunit nabigla ako nang may malaking kamay na kumuha nito sa kamay ko at hinawakan ang kabilang braso ko. Dahil sa gulat agad akong napa angat ng tingin sa taong nagmamayari ng kamay na nakahawak sa braso ko.

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa mukhang nasa harap ko. Moreno, makapal ang kilay, may mapupungay na mga mata at pulang labi. Dumako yung tingin ko sa ilong niya, ang tangos!

"May sugat ka." Sabi nito habang may nag aalalang tingin sa'kin. Napatulala lang ako sa mukha niya habang hindi makapaniwala.

"Pogi..." Tanging bulong ko habang nakatulala sa mukha niya.

"Ako nga," Aniya saka ngumiti dahilan para lumitaw ang dimple niya. Napangiti na din ako dahil nahawa ako sa nakakasilaw niyang ngiti.

"Ako nga pala si josiah." Nag lahad siya ng kamay sa harap ko.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now