Hi guys! Sorry for the late update. Sobrang busy ko kasi lately eh kaya wala na akong time na makapag update. Huwag kayong mag-aalala, babawi ako sa susunod! ^_^
Enjoy reading!
-------------------------------------------------------------------------
Puno ng tanong ang isip ko habang umaandar ang sinasakyan na kotse namin ni Mr. Sir president. Saan ba kami pupunta? Saka gabi na oh, baka kung ano pang mangyari sa amin. Napanguso ako at binalingan si Mr. Sir President sa tabi ko na seryosong nagmamaneho.
"Saan ba tayo pupunta Mr. Sir President?" Tanong ko dito.
Hindi nito pinansin yung tanong ko at parang walang narinig habang patuloy lang sa pagmamaneho. Napakamot ako sa ulo dahil sa inis. "Ano ba 'yan. Parang bingi 'tong depungal na 'to" Bulong ko.
"I heard that."
Napapitlag ako sa biglaang pagsalita niya. Oo nga pala, malakas ang pandinig ng depungal na bampira. Siguro sa susunod ay mas hihinaan ko pa para hindi niya marinig.
"I can still read your thoughts, though."
Nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko dahil sa katangahan. Tama nga pala, nababasa rin niya pala yung isip ko.
Tinikom ko nalang yung bibig ko at nanahimik. Wala din namang saysay kung magtatanong pa ako kasi hindi naman niya ako pinapansin. Lumipas ang ilang minuto ay bigla itong nagsalita.
"Did you like that guy in the kitchen?" Panimula niya.
Kumunot ang noo ko. Sino ba ang ibig sabihin niya? Agad akong napaisip. Guy in the kitchen daw eh. Isang tao lang naman ang kilala ko na palaging nasa kusina. Napangiti ako ng matamis at lumingon kay Mr. Sir President.
"Ah si Josiah?" Nakangiting sagot ko. Eh kasi napaka joker nung Josiah na yun. Bentang benta yung mga jokes niya kaya walang humpay yung tawa ko kapag magkasama kaming dalawa.
Hindi niya ako sinagot kaya dinugtungan ko nalang yung sinabi ko. " Mabait yun. Saka masipag din at matulungin. Tapos yung mga jokes niya, sobrang nakakatawa." Hindi ko mapigilang matawa habang nagkukwento. Napansin ko na wala siyang kibo sa tabi ko kaya binalingan ko ito. Nakatitig ito sa akin at hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya.
"You like him." Aniya sa tono na hindi nag tatanong.
Natahimik ako bigla. Kung tutuusin, hindi naman mahirap magustuhan si Josiah. Napaka ideal boyfie niya pa nga niya eh. First time na nakita ko nga siya na love at first sight na agad ako.
Bumuntong hininga ako. "Siguro... crush ko siya." Humagikik ako.
Ibinalik niya yung tingin sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Hindi naman ako nagpatalo at tinaasan ko din siya ng isang kilay.
"Eh ano naman? Crush lang naman eh!" Maangas na sabi ko.
Hindi siya umimik at nakatitig lang sa akin. "Hoy ano ba?" Wala pa rin siyang imik habang nakatuon ang mga mata sa akin. Nailang ako sa mga titig niya kaya umiwas ako. Ibinalik ko ulit yung tingin ko at laking gulat ko dahil nakatitig pa rin siya.
"Ay depungal! Tigilan mo nga 'yan Mr. Sir President! Mababangga tayo niyan." Reklamo ko. "Parang 'die with you' lang ang peg natin eh." Mahinang usal ko.
"Tsk." He chuckled before he looked away from me. "Don't you wanna die with me?" He suddenly asked.
Nagtatakang tinignan ko siya. Nasa harap lang ang tingin niya. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko bago sumagot. "Hindi 'no! Mas gugustuhin ko pang mamatay mag-isa kesa kasama ka." Umirap ako.
Wala siyang imik sa sinabi ko. Nag kibit balikat nalang ako saka sa bintana itinuon ang tingin. Napaisip ako, bakit ang weird ni Mr. Sir President ngayon? Nakatira siguro ng droga ang depungal.
"It's better to die with someone than alone."
Biglang napabaling yung atensyon ko sa kanya. May kung ano akong naramdaman sa dibdib nung marinig ko ang sinabi niya. Ano ba ibig sabihin niya? Tinignan ko siya ng may pagtataka. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang nasa daan lang ang tingin.
"Dying alone is lonely. Mamamatay ka na nga, mag-isa ka pa. So I'd rather die with someone than die alone. Think about it, you were dying and you're with someone you love. Best feeling ever isn't it? In your final moments, you had your loved one by your side." He chuckled.
Napatulala ako sakanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakatitig sakanya. Bawat salitang binibitawan niya ay may katumbas itong libo libong emosyon.
"People often say 'til death do us part.' Why not 'even death can't do us apart'? Don't they know love is the most powerful force on earth? Death can't conquer the love we share. Love isn't manufactured; it grows naturally in our hearts. Remember that."
Hindi ako maka imik sa mga sinabi niya. Nakatulala lang ako at walang kahit isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Saglit ay parang biglang may kung anong humaplos sa puso ko. Hindi ako makapaniwala na ang isang pambira na depungal, walang modo, bastardo at tarantado ay may ganyang pananaw.
He chuckled again and looked to me for once. "You know what? Forget everything I said. I know you don't understand my perspective--" I cut him off.
"I understand you."
Napatulala siya sa'kin. Hindi nagtagal umiwas siya ng tingin. "No, you don't. Never." Umigting ang kanyang panga.
Nanahimik nalang ako at hindi nalang nagsalita. Lumipas ang ilang minuto huminto ang kotse na sinasakyan namin. Tinanggal ni Mr. Sir President ang kanyang seatbelt at saka lumabas. Simula kanina walang umimik sa amin kahit isa kaya hindi ko alam ang gagawin ko kung kakausapin ko ba siya o hindi.
Lumabas nalang din ako ng kotse at saka inilibot ang paningin sa paligid. Sa harap ko ay may isang rest house na hindi kalakihan na gawa sa kahoy. Maganda yung style ng rest house at mukhang preskong tignan. Sa harap nito ay may mga bulaklak na tanim habang ang bandang likod naman ng rest house ay ilog. Namangha ako dahil sa ganda ng paligid.
"Follow me."
Bigla na agaw ang atensyon ko dahil sa biglaang pagsalita ni Mr. Sir President. Nauna na itong naglakad patungo sa rest house kaya agad akong sumunod.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya.
"Papatayin ka." Walang gana niyang sagot.

YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...