Happy halloween guys! Trick or treat me better nalang? HAHAHA joke lang! Here's the next chapter. Btw sorry for the slow update. Enjoy reading!
---------------------------------------------------
"Okay kalang?" Napabaling ang tingin ko kay Josiah dahil sa tanong niya.
Kaming dalawa lang ang nandito sa kusina dahil maaga pa. Naka upo ako malapit sa island counter habang siya naman sa tabi ko ay naka sandal patagilid at nakaharap sa'kin habang naka cross ang mga kamay sa dibdib.
"Oo naman. Bakit mo naman na tanong?"
Nagkibit balikat siya. "Kanina ka pa tulala. Ano ba iniisip mo?" Marahan niyang tanong.
Umiling lang ako. Ilang araw na kasing bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Mr. Sir President nung nakaraang araw.
"Does... it hurt?"
Napangiwi ako. Concern ba siya? Pero nakakapagtaka lang kung nag-aalala ba talaga siya sa'kin. Eh gustong gusto nga nun na makita akong nasasaktan dahil yun naman ang gusto niya simula nung mabasa niya ang liham ni Lola.
Naging mag-close agad kami ni Josiah kahit ilang araw palang ang nakalipas. Ang saya niya kasi kasama, palaging nakangiti at nagpapatawa. Hindi katulad ni Mr. Sir President na parang undas palagi ang mukha. Binalingan ko ulit ng tingin si Josiah dahil biglang tumahimik ito sa tabi ko.
Laking gulat ko dahil nakatitig na pala ito sa akin. Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Ano?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
Umiling siya saka ngumiti. "Wala. Ang cute mo lang." Aniya at tumawa.
Umirap ako at ngumiti. "Bolero!" Aniya ko at tumayo. "Maiwan muna kita. Magdidilig muna ako ng mga rosas sa labas." Paalam ko.
"Geh."
Palabas na ako ng kusina nang makasalubong ko si Mary na papasok sa kusina. Ngumiti ako sakanya at tumango. Kumaway naman siya saka ngumiti sa'kin pabalik. Nilagpasan ko na siya at saka dumiretso sa labas.
Habang nagdidilig hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga mapupulang rosas na nasa harap ko. Tinapatan ko ito ng tubig na galing sa hose na hawak ko. Napangiti ako dahil ang preskong tignan nila. Pagkatapos kong diligan ang mga rosas ay lumipat ako sa kabilang parte kung saan nakaharap ako sa mansion.
Laking pasalamat ko dahil sa luob ng ilang araw hindi ko nakasalubong o nakita man lang yung babaeng planeta. Mukha palang nun naiinis na ako.
Habang dinidiligan ang mga rosas ay inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi sinasadyang tumigil ito sa bintana na nasa second floor. Nasa right side ito at medyo may kalakihan. Napakunot ang noo ko dahil parang may bulto ng tao na nakatayo duon.
Naningkit ang mga mata ko at pilit na inaaninag kung totoo ba ang hinala ko. Hanggang sa unti unting nagiging malinaw na may tao talagang nakatayo duon. Matangkad ito at may bruskong pangangatawan at broad shoulder na kung i-umpog mo ang ulo mo ay talagang mapapasabi ka ng 'Damn it!'. May malalaking biceps din ito na sa isang suntok lang sayo basag na ang bungo mo pati kaluluwa mo.
At kung hindi ka pa talaga kuntento at gusto mo pa talagang magpa-headlock, baka magulat ka nalang humiwalay na ang ulo mo sa katawan mo dahil naputol na pala ito.
At lahat ng iyon ay pamilyar at alam ko kung sino yung taong nakatayo sa bintana. Walang iba kundi ang depungal. Anong ginagawa naman ni Mr. Sir President diyan? Saka bakit parang dito siya nakatingin sa pwesto ko? May hawak pa itong alak.
Nag tama ang mga mata namin, nakita kong tinungga niya ang alak at saka inirapan ako at tinalikuran. Napatanga ako sa kanyang ginawa. Napano ba 'yon? Parang mas malakas pa ang tama ng utak niya kesa sa alak. Kamakailan lang eh maypa "Does... it hurt?" pang nalalaman tapos ngayon daig pa ang tanga na pinaikot ikot lang kumapara sa pag ikot ng mga mata niya sa'kin.
Mas lalong dumami ang tanong sa isip ko dahil sa ikadalawang beses inirapan niya na naman ako nung magkasalubong kami sa hagdanan. Kung maka irap parang ninakaw ko ang kanyang boxer.
Gabi na at tapos na akong maghugas ng plato. Maagang natulog si Manang Lena dahil may maaga pa itong pupuntahan bukas. Si josiah naman ay maliligo pa daw saglit at ang ibang mga maids ay nasa kani-kanilang mga kwarto na.
Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang planetang babae. Humahangos ito pababa at parang may hinahanap. Tinaasan ko ito ng kilay dahil agad na nasira ang araw ko. Nang makita ako nito ay agad itong lumapit sa'kin at hinawakan ang isang pulso ko ng mahigpit.
"Where's Vonn?!" Galit na sigaw nito.
Nalilitong tinignan ko siya at pinandilatan. Ano ba ang problema nitong babaeng 'to? Bigla nalang hinahanap sa'kin ang taong hindi ko naman alam kung nasaan.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.
"No! Tell me where he is!"
"Depungal na babaeng 'to." Bulong ko saka siya hinarap. "Hoy, hindi ko alam kung saan lupalop o kaibuturan yang taong hinahanap mo sa'kin." Inirapan ko siya.
"Bitch! You're lying!" Inis na sigaw nito.
"At bakit naman ako magsisinungaling ha!? Bad kaya yun!" Balik sigaw ko.
Kita ko sa mukha niya na punong puno na siya. Agad niya akong binitawan ng pabalang at saka sumigaw. "Arghhhh! Damn it!" Nagmamadaling umalis ito.
Nagtatakang nakatingin lang ako sa likod nito habang paalis. "Napano 'yon?" Natatawang sabi ko saka umiling at tumalikod na kaso bigla akong bumangga sa isang pinakamatigas na bagay sa buong mundo na kahit si Superman ay titilapon.
Muntik na akong matumba buti nalang nakabawi agad ako ng balanse. Agad akong nag angat ng tingin sa depungal na nasa harapan ko. Halos mapatalon ako sa gulat nung makita kung sino yung nasa harap ko.
"Ay deputik! Nandito kalang pala kupal ka!" Gulat kong sabi kay Mr. Sir President na naka yuko lang sa'kin at walang emosyon na nakatingin.
"Watch your words, Jaine." He said in a serious tone.
Parang may kung anong gumapang na kilabot sa buong katawan ko dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Isinawalang bahala ko ito saka hinarap siya ng maayos.
"Ano kamo? Wash your mouth?"
Bumuntong hininga siya na parang napupuno na. "Damn..." Tanging bulong nito.
Bigla kong naalala na hinahanap pala siya nung babaeng planeta kanina kaya agad ko itong kinalabit. "Oy, hinahanap ka pala nung babaeng planeta. Ano ba ginawa mo sakanya?"
"Vonn? Where are you?" Rinig kong tawag ni Venus mula sa kabilang sulok ng mansion.
Kita kong na alarma si Mr. Sir President nung marinig iyon. Tinignan niya ako at agad na kinuha ang isang pulso ko at hinatak ako palabas ng mansion.
"Putik! Sandali lang Mr. Sir President!"
"Shut up!"
"Saan ba tayo pupunta?" Taka kong tanong nung makita kong papunta kami sa mga mamahaling sports car na nakahelira sa garage. Agad niya akong pinapasok sa isang kulay itim na sports car bago siya pumasok sa driver's seat at minaneho yung kotse palabas ng mansion.
"Wear your seatbelt kung gusto mo pang mabuhay."
Nakanguso kong sinuot ang seatbelt saka tinanong ulit siya. "Saan ba kasi tayo pupunta? Saka bakit kailangan kasama pa ako?" Inilibot ko ang paningin sa bintana kung saan sobrang dilim sa labas. Biglang bumalik sa'kin ang mga madidilim na alala nung muntik na akong mapahamak sa gitna ng kagubatan.
Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt. Sa peripheral vision ko nakita kong lumingin siya sa'kin at nakita niya yung mahigpit na kapit ko sa seatbelt na parang alam niya ang iniisip ko.
"You're safe. I am here..."
Parang biglang kumalma ang buong katawan ko dahil sa simpleng salitang sinabi niya. Parang sa isang saglit ramdam ko na ligtas ako kahit anong mangyari dahil nandito siya sa tabi ko.
"Don't ask too many questions. We'll just go somewhere..."
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...