Nagising ako na may marka ng kamay sa leeg ko. Namumula ito at lantad na lantad. Bakas ito ng pagkakasakal ng Don sa'kin kagabi. Sumikip yung dibdib ko nung ma-alala ko yung nangyari kagabi.
Para siyang halimaw. Galit na galit yung mga mata niya na parang papatay ng tao. At saka yung mga mata niya, pulang pula at nanlilisik. Anong klaseng tao ang Don?
Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga saka ipinulupot yung scarf sa leeg ko. Kahit anong lagay kasi ng concealer sa marka hindi pa rin ito natatakpan kaya mas mabuting nag lagay nalang ako ng scarf sa leeg.
Nadatnan ko si Manang Lena sa kusina. Naghahanda ito ng pagkain. Pagkakita nito sa'kin agad itong lumapit.
"Hija kamusta? Anong nangyari kagabi? Bakit may suot kang scarf sa leeg?" Bungad na tanong nito habang nalilitong nakatingin sa scarf na nasa leeg ko.
Napa lunok ako at umiwas ng tingin. "Lumabas po yung allergy ko. May nakain siguro ako na bawal kagabi kaya nag scarf nalang po ako para matakpan." Palusot ko.
Tumango ito at parang naniwala sa sinabi ko. "Ngapala, bakit ka pinatawag ng Don kagabi?"
Kinabahan ako sa tanong ni Manang Lena. Kinagat ko yung pang ibabang labi ko saka sumagot.
"G-Gusto lang po niya makita yung bagong maid."
"Ganon ba? Akala ko kung ano na. Ay tama nga pala buti nakita kita. Tawagin mo na yung Don sa taas para makapag breakfast na siya."
Nagulat ako sa sinabi ni Manang Lena. "P-Po? Pero manang..."
"Sige na hija. Tawagin mo na ang Don."
Wala akong nagawa kundi tumango at tumalikod para umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ng Don. Bawat hakbang ay kinakabahan ako. Natatakot ako na baka maulit na naman yung nangyari kagabi kapag nakita niya ako.
Baka tawagin na niya naman ako sa pangalan ng lola ko na pala isipan sa akin bakit alam niya yung pangalan ng lola ko. Hindi na ako nagtataka sa part na kamukha ko yung lola ko. Marami ang nagsasabi nung buhay pa yung mga magulang ko na kamukhang kamuka ko yung lola ko sa pagka dalaga nito.
Ang lakas ng pintig ng puso ko habang nakatingin sa pinto na nasa harap ko. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o aalis nalang. Ayaw ko makaharap yung Don.
Pero wala akong ibang choice kundi ipagpapatuloy ito. Baka mas lalong magalit ang Don kapag nalaman niya na hindi ko siya tuluyang tinawag.
Umangat sa ere yung kamay ko para sana kumatok sa pinto ngunit bago pa lumapat yung kamay ko sa pinto agad na itong bumukas at bumungad sa akin ang Don.
Nakayuko ito habang nakatingin ng malamig sa'kin. Ang mga kulay abo niyang mga mata ay walang emosyon na nakatingin sa akin. Magkasalubong rin yung makapal na kilay niya at ang dilim ng kanyang aura habang nakatitig sa akin.
Nakita kong bumaba yung tingin niya sa scarf na nasa leeg ko. Kita ko ang pag igting ng kanyang panga kaya umiwas ako ng tingin at pinaglaruan yung mga kamay ko.
"R-Ready na po yung b-breakfast..." Utal na sabi ko.
Ang lakas ng pintig ng puso ko habang nagsasalita. Napapaso rin ako sa mga titig niya sa'kin.
"And?"
Tumikhim ako. "B-Bumaba na d-daw po kayo..." Lihim kong kinagat yung labi ko sa kaba. Nasa baba pa rin yung tingin ko at wala akong balak na mag taas ng tingin at salubongin yung kulay abo niyang mga mata.
"I don't want to eat. Tell Lena to bring my favorite drink here."
Yun lang yung sinabi niya saka malakas na sinara yung pinto sa harap ko kaya napapitlag ako. Bumaba ako sa hagdan na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Salamat naman at hindi ko na kailangan na kumatok pa sa kwarto niya at makaharap siya. Nakababa ako sa hagdan at pumasok sa kusina. Sinabi ko kay Manang Lena na ihatid nalang daw sa kwarto niya yung favorite drink ng Don.
Nakahinga ako ng maluwag na ibang maid ang pinagdalhan ni Manang Lena ng isang glass na pulang liquido na hula ko ay wine siguro.
Habang kumakain ako ng breakfast sa kusina biglang pumasok yung maid na inutusan ni Manang Lena na magdala ng wine sa Don. Kumunot yung noo ko nung dala pa rin nito yung tray na may laman na isang wine glass at isang bote ng red wine na nakalagay sa babasaging bote.
"Oh Fiona, bakit dala mo iyan? Diba pinapahatid yan ng Don sa kwarto niya?" Takang tanong ni Manang Lena.
Napakamot sa ulo si Fiona. "Eh Manang... hindi po ako pinagbuksan ng Don. Sinabi po niya si Flory yung gusto niyang maghatid." Turo nito sa tray.
"Ako? Bakit naman ako?"
Bakit ako yung gusto niyang maghatid? Anong kailangan niya sa'kin?
"Yun lang yung sinabi niya eh. Ikaw yung gusto niya na maghatid nito." Aniya at ibinigay sa'kin yung tray.
Tinanggap ko iyon kahit may pag aalangan. Akala ko ba nakatakas na ako? Bakit pinatawag niya pa ako?
Dala ang tray ay nag tungo ako sa kwarto ng Don.
"Ibibigay ko lang 'to at saka aalis." Paalala ko sa sarili ko habang nasa harap ng pinto.
Pero bago pa ako makakatok ay narinig ko na siya na nagsalita sa loob.
"Come in."
Napapitlag ako. Paano niya nalaman na nasa harap na ako ng pinto? At saka ano daw? Pasok ako? Nako naman oh.
Kahit ayaw ay pinihit ko yung pinto at dahan dahang pumasok. As usual madilim sa loob dahil naka sira lahat ng kurtina sa bintana. Ang mabango at pamilyar niya na amoy ang nanuot sa ilong ko.
Natagpoan ko siyang naka upo sa gilid ng kama at naka harap sa pwesto ko. Naka suot lang siya ng itim na robe. Madilim yung aura niya kaya napayuko ako at nagsalita.
"I-Ito na po yung pinapahatid nyo." Nakayuko kong sabi.
"Put it there." He pointed the bedside table that few inches away from him.
Ay nako, kailangan pa talagang lumapit sa kanya? Hindi niya ba halata na ayaw ko siyang lapitan? At saka bakit parang wala lang yung nangyari sa kanya kagabi? Parang hindi niya ako sinakal ah.
Nakayuko na naglakad ako papalapit sa kanya. Kahit isa hindi ako nag tangkang mag angat at salubongin yung mga titig niya. Dahan dahan kong inilagay sa bedside table yung glass ng red wine at yung glass wine.
Niyakap ko yung tray at saka yumuko at tahimik na tumalikod para umalis. Ngunit napatigil ako nung mag salita siya.
"Stay."
Kinagat ko yung pang ibabang labi ko. Nakayuko pa rin ako nung humarap sa kanya. Sinasadya niya ba 'to?
"B-Bakit po?"
Hindi siya sumagot at suminyas lang na lumapit ako kaya sumunod ako sa gusto niya. Naglakad ako pabalik hanggang nasa harap na niya ako.
"Look at me." He said with a voice that full of authority.
Hindi ako tumingin. Natatakot akong tumingin sa mga mata niya. Naaalala ko yung mapupulang mga mata niya kapag nagagalit siya.
"I won't repeat my words. Obey what I said or I'll make you?" His voice was hard and deep.
Natakot ako sa diin ng kanyang boses kaya dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya. Sumalubong sa akin ang kulay abo niyang mga mata na madilim na nakatitig sa akin.
Ang puti niyang balat ay mas lalong lumitaw dahil sa suot niyang itim na robe. Magulo yung buhok niya na mas lalong nagpa dagdag sa kagwapohan niya.
He look like a hot super model sitting on his bed for a pictorial. Napalunok ako dahil para na akong mangangatog sa kaba habang sinasalubong yung mga titig niya.
Inilagay niya sa magkabilang gilid ang mga kamay niya at tumingin sa'kin ng diretso.
"Serve me."
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampierHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...