Chapter 15

212 2 0
                                    

Hi guys! Sorry for the late late update. Medyo na busy kasi sa school and somehow nawalan din ako ng powers sa pagsusulat. But don't worry I'll try to continue to write and update when I have vacant time.

Also ignore the grammatical errors 'cause it's still unedited. Yun lang enjoy reading!

Next update will be next week :)

------------------------------------------------------

Nakagat ko ang dila ko sa loob. Pinaniwalaan niya agad yung sinabi nitong deputa sa tabi ko? Ganong ganon nalang? Nagpapabilog lang siya nang ganon kadali?

Humugot ako ng buntong hininga saka nagsalita.

"Siya ang nauna--" Hindi na natapos yung sasabihin ko dahil agad siyang sumabat.

"I'm not asking you little human." Aniya sa malalim na boses habang ang tingin ay nasa akin pa rin. "I'm asking Venus." Binalingan niya yung babae sa tabi ko na si Venus.

"Why did you do that?" Aniya sa kalmadong tono.

"I did nothing! She did slap me Vonn." Paawa naman nung planeta.

"I heard everything. Don't lie to me 'cause I don't want liars here in my mansion. Now, why did you do that?"

Agad na napalunok yung planeta at umiwas ng tingin. "I-It's not my fault you know... I was ju--" Hindi na natapos ni Planeta yung sasabihin niya dahil agad siyang pinutol ni Mr. Sir President.

"Get out." He said with a calm but  hard tone.

"But V-Vonn..."

"Get out, Venus." Ani Mr. Sir President sa matigas na tono.

Binalingan ako ng nakakamatay na tingin ni Planeta saka nag iwas ng tingin at mabibigat na humakbang palabas ng pinto. Parang nagkaroon ng kuliglig sa loob ng kwarto ni Mr. Sir President nung makalabas na si Venus.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko o kung ako ba yung unang magsasalita.

Narinig ko na bumuntong hininga si Mr. Sir President sa gilid ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na naglakad siya papunta sa kama at umupo.

"she hurt you." Nag angat siya ng tingin sa'kin.

"Ha?"

"Hindi mo na dapat pinatulan." Aniya sa kalmadong tono.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi patulan? Eh kung siya kaya yung ka bardagulan nung planetang 'yon tignan lang natin at baka masapak pa nga niya ng walang sa oras.

"Siya kaya ang nagsimula." Lihim akong umirap.

"Don't roll your eyes, little human. It reminds me of something." He paused. "Whatever. Just ignore her tantrums again at huwag mo na siyang patulan pa. Understood little human?" He looked up to me waiting for my response.

Kumunot yung noo ko. "At bakit naman?" Nameywang ako sa harap niya.

Tumayo siya kaya medyo umatras ako ng kaunti. Dahan dahan siyang lumapit sa akin hanggang nasa harap ko na talaga siya at sobrang lapit na ng mukha namin. Naramdaman ko nalang ang mainit niyang hininga sa tainga ko kaya nagsitaasan yung mga balahibo ko sa batok.

"You'll just hurt yourself. Mahilig yun manampal. I don't want to see you slapped by someone..."

Napayuko ako at medyo kinilig sa sinabi niya. Concerned lang pala siya sa'kin. 

"By someone who isn't me." He smirked.

Biglang naglaho ang maliit na ngiti sa labi ko dahil sa karugtong niyang sinabi. Sarap talaga sapakin nitong si Mr. Sir President. Nangangati yung kamay ko.

"Edi wow." Umirap ako.

He chuckled. "Did you eat already?"

Salubong pa rin yung kilay ko. "Hindi pa." Sagot ko sa matigas na tono.

"You know I don't like your tone right now. But whatever, papalampasin ko muna 'to sa ngayon." Umatras siya sa harap ko at tinalikuran ako at naglakad palapit sa pinto ng cr.

Pero bago siya pumasok nilingon niya muna ako at nagsalita.

"Go to kitchen. I asked Lena to cook you something 'cause I know you still didn't eat." After that he closed the door.

Putik may pa tanong tanong pa yung depungal, alam din naman na pala. Pero infairness, tiklop ako dun.

-------

"Hija may ginawa ka bang kalokohan sa Don?"

Napa angat yung tingin ko kay Manang Lena habang ngumunguya ng Spaghetti na niluto niya o mas magandang sabihin na pinaluto ni Mr. Sir President.

Ngumiti ako ng matamis. "Wala po Manang." Sumubo ako ulit. "Gusto niyo po?" Alok ko.

Umiling lang si Manang Lena habang may nalilitong tingin sa'kin.

Medyo kaunti lang ang trabaho na ginawa ko sa buong araw kaya hindi ako masyadong napagod. Naisipan ko munang maligo bago matulog kasi kanina pa ako naiinitan kaya idadaan ko nalang sa ligo para slay pa rin kahit tulog na.

Dinalian kong maligo dahil antok na antok na ako at gustong gusto ko na talagang matulog. Tinuyo ko muna yung buhok ko ng tuwalya bago lumabas ng cr.

Halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko ang depungal--este si Mr. Sir President na nakahilata sa gitna ng kama ko at nakatulala sa kisame. Napadako yung tingin ko sa katawan nito na lantad na lantad dahil naka topless ito at tanging grey pants lang ang suot sa ibaba.

Napalunok ako sa nakita ko. Pero teka lang, anong ginagawa niya dito sa kwarto ko!? At bakit naka higa siya sa kama ko?

Alam kong napansin nito yung presensya ko pero hindi man lang ito lumingon sa'kin. Agad akong lumapit dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong habang nameywang sa gilid niya.

"Words, little human." His voice was deep.

Umirap ako saka pekeng ngumiti. "Hi po Mr. Sir President. Ano po yung ginagawa niyo dito? In english po 'Hey bitch, watcha doin' here?' naintindihan niyo po?" Pinanlakihan ko siya ng mata habang naka ngiti ng peke.

"Tsk." Tipid niyan sagot saka tumalikod sa'kin at dumapa ng higa.

"Luh! Ginagawa nito?" Gulat kong ani.

"I'm staying here for a while." He whispered huskly.

"Ha!?" Nameywang ako.

"Hatdog."

Tumaas yung kilay ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. "Linya ko 'yan!"

Mas lalo akong nainis nung wala siyang imik. "Mr. Sir President naman eh. Ano kako ginagawa niyo dito?"

"Kumakain."

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay. Nangugupal na naman itong bampirang 'to. Tanggalan ko kaya ng pangil? Tapos ang ipapalit ko yung pangil ng hippopotamus?

"Duon ka nga sa kwarto mo Mr. Sir President. In english 'You boy sit go back to your room!' "

"Nah..."

"Bakit naman?"

"Venus are using my room."

"Edi sa guestrooms!"

"Those bedsheets are dirty."

Agad na kumunot yun noo ko. Ano daw!? Madumi? Eh kakapalit ko lang lahat kanina ah? Siraulo ba 'tong bampirang 'to?

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now