Chapter 1

172 3 0
                                    

Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Inilibot ko yung paningin sa paligid, wala na ako sa kwarto ng Don. Nasa sariling kwarto ko na ako.

"Paano ako na punta dito?" Sambit ko sa sarili ko.

Biglang na alala ko lahat ng nangyari sa loob ng kwarto ng Don. Yung nakakatakot na lalaki, niyakap niya ako at tinawag na Elizabeth.

Nangilabot ako kasi nag iisang tao lang yung kilala ko na Elizabeth yung pangalan. At matagal na itong patay bago pa ako ipinanganak.

Tumayo ako saka sumilip sa bintana. Hapon na pala kaya dali dali akong lumabas ng kwarto kahit nagugulohan pa ako. Siguro panaginip ko lang iyon? Nakatulog lang siguro ako sa kwarto ko?

Dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko na busy lahat ng mga tao doon lalo na si Manang Lena. Lumapit ako dito.

"Manang Lena ano po yung nangyayari?"

Hinawakan ako nito sa mga kamay at nagsalita.

"Flory gising ka na pala. Bumalik na ang Don. Ngapala, okay lang ba yung pakiramdam mo? Nahimatay ka kasi sa kwarto ng Don. Ano ba ang nanyari?" Nag aalalang tanong nito sa'kin.

So hindi pala panaginip ang lahat? Totoo pala yung
misteryosong lalaking yumakap sa'kin?

Sasagot na sana ako pero biglang pumasok sa loob ng kusina si Mr. Gregor. Inilibot nito ang paningin sa paligid saka huminto sa akin.

"Ms. Flory. The Don wants your presence in his office right now."

Nagsalubong yung kilay ko. "Bakit po?"

"Wag ka nang mag tanong Ms. Flory. Lena, ihatid mo siya sa office ng Don." Aniya saka lumabas ng kusina.

Narinig ko yung bulong bulongan ng mga kasamahan ko sa kusina kaya nagtatakang binalingan ko si Manang Lena.

"Hija, may ginawa ka bang kasalan kung bakit pinatawag ka ng Don?"

Umiling ako. "W-Wala naman po."

Kinakabahan ako habang binabagtas namin ang hallway ng office ng Don. Nasa third floor ito kung na saan yung kwarto ng Don. Tatlo kasi yung kwarto sa third floor. Yung dalawa, kwarto at office ng Don, tapos yung nasa pinaka huli ng hallway na pintoan ay yun ang pinaka mahigpit na ipinagbabawal sa lahat na huwag buksan.

Tanging ang Don lang daw ang pwedeng pumasok doon at kung sino man ang lumabag ay may matinding kaparusahan na haharapin.

"Flory... ito ang tandaan mo, huwag na huwag kang magkakamali sa harap ng Don at mas lalong huwag mong gagalitin ang Don kasi hindi mo alam kung ano ang makakaharap mo. Maliwanag ba?" Paalala ni Manang Lena sa'kin nung nasa harap na kami ng pinto ng office.

"O-Opo..." Kinakabahang sagot ko.

"Sige na. Pumasok ka na, ayaw ng Don ang pinaghihintay siya."

Tumango ako saka dahan dahang pinihit yung pinto. Tinignan ko muna si Manang Lena sandali bago pumasok sa loob. Kagaya ng kwarto ng Don, medyo madilim rin sa paligid.

Dahan dahan akong humakbang. Ang tahimik ng paligid. Nandito ba talaga yung Don? Parang wala naman. Hindi ko kasi siya makita kahit saan.

"Uh... may tao ba dito?"

Walang sumagot sa tanong ko kaya kinagat ko yung pang ibabang labi ko. Nakarinig ako ng kaloskos sa likod ko kaya lumingon ako. Laking gulat ko dahil sa pag lingon ko sa likod ko may biglang dalawang malamig na kamay ang pumulopot sa mga pulso ko at malakas akong isinandal sa pader.

Napa daing ako sa lakas ng impact. Nasa magkabila yung mga kamay ko. Someones pinned me against the wall.

Tumatama yung mainit na hininga nung taong nasa harap ko sa aking noo. Nanginig ako sa takot habang naka yuko.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now