Lihim akong napairap dahil sa inis. Kagigising ko lang at habang naghahanda ako ng breakfast ni Mr. Sir President ay may biglang pumasok na depungas sa kusina. Kuhang kuha niya ang inis ko dahil kanina niya pa ako inuutusan at kung maka asta siya ay parang siya ang nagmamayari nitong mansion.
Sumulyap ako sa babaeng naka sandal sa island counter habang kumakain ng pancake na pinaluto niya sa'kin kanina. Maluwag ang suot nito na long sleeve polo na itim na hanggang tuhod niya ang haba habang lagpas naman sa kamay niya ang manggas. Tumaas yung kilay ko dahil tanging si Mr. Sir President lang yung kilala ko na mahilig mag suot ng long sleeve polo na black.
Teka, bakit suot niya ang polo ni Mr. Sir President?
Mukhang napansin nung babae yung mga titig ko sa kanya dahil nag angat ito ng tingin sa'kin at tinaasan ako ng isang kilay.
"I know I'm pretty. You don't have to stare at me." Maarteng sabi nito saka nagpatuloy sa pagkain.
Kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Sino ba 'tong babaeng 'to? Bakit ang kapal ng apog?
Oo maganda naman siya, para nga siyang may lahi. Ang puti niya rin katulad kay Mr. Sir President. Bampira rin kaya siya?
Speaking of Mr. Sir President. Kakapasok lang nito sa kusina habang magkasalubong ang kilay. Ang aga naman at mukhang nakakain ng ampalaya ang mukha. Magulo ang buhok nito at medyo naka awang ng kaunti ang kanyang labi.
Ang kanyang abo na mga mata ay nag tama sa tsokolate kong mga mata. Wala akong nababakas na kahit isang emosyon sa mga mata niya. Biglang tumayo yung nakakairitang babae nung makita si Mr. Sir President na pumasok.
"Vonn!" Lumapit siya dito at iniyapos ang kanyang mga braso sa leeg nito at hinalikan si Mr. Sir President sa pisngi. "Good morning handsome!"
Parang hindi natinag si Mr. Sir President habang nakayakap sa kanya yung babae. Hindi siya nag bawi ng tingin sa'kin simula kanina kaya ako na ang nag iwas ng tingin dahil naiirita ako na makita silang dalawa sa ganoong posisyon.
Tinalikuran ko sila at ipinagpatuloy yung paghuhugas. Ako lang muna yung nag asikaso dito sa kusina dahil wala dito si Manang Lena. Nag g-groceries ito kasama si Mary. Pinagbawalan na ako ni Mr. Sir President na mag groceries dahil magaan lang naman daw iyon na gawain at mas mabibigat ang mga gawain dito sa mansion kaya hindi na niya ako pinayagan na mag grocery ulit.
Akala ko pa naman dahil dun sa nangyari sa'kin kaya niya ako pinagbabawalan pero kaya naman pala mas gusto niyang mabigat ang mga gawain ko. Tsk depungal talaga.
"Thanks for last night. Wala pa rin pinagbago yung room mo, ganon na ganon pa rin." Rinig kong sabi nung babae.
Hindi sinasadyang mabitawan ko yung tinidor kaya gumawa ito ng tunog. Rinig ko ang singhap nung babae dahil nagulat siya. Agad ko iyong pinulot at kinagat ang pang ibabang labi. Natahimik sila sa likod ko at ramdam ko yung titig nila sa'kin.
Nasa kwarto siya ni Mr. Sir President kagabi? Bakit siya nandon? Anong ginawa nila? Sino ba 'yang babaeng iyan?
Ipinilig ko yung ulo ko at nagpatuloy ako sa paghuhugas. Tahimik lang sila sa likod ko kaya nag taka ako. Naramdaman ko na may presensya sa likod ko at alam ko kung sino 'yon dahil kabisadong kabisado ko na ang epekto sa'kin ni Mr. Sir President.
Humigpit yung hawak ko sa sponge kaya mas dumami yung bula sa kamay ko. Anong ginagawa niya sa likod ko? At saka randam na randam ko yung katawan niya dahil sa sobrang lapit. Namula ako dahil sa posisyon namin.
"You're stunned little human... why is that?" Tumayo lahat ng balahibo sa batok ko nung malamig siyang bumulong sa gilid ng tainga ko.
Napaharap ako sa kanya na mimilog ang mga mata. Nakatingala ako sa kanya habang kulong na naman niya ako sa mga braso niya.
"B-Bakit..." Utal na bulong ko dahil sa posisyon namin.
He chuckled. "Easy." Aniya at lumayo sa'kin pagkatapos niyang kunin ang isang wine glass na nakalagay pala sa may taas ng kinatatayoan ko.
Namula ako dahil sa hiya at tumalikod ulit para ipagpatuloy yung paghuhugas. Ano ba 'yong naiisip ko? Na kinorner niya ako?
"You're staying here for good?" Rinig kong sabi ni Mr. Sir President.
"Yup! I missed you so much! And besides matagal na since last visit ko here kaya I decided to stay here with you." Aniya nung babae.
Kumunot yung noo ko. So matagal na dito yung babae? Sino ba talaga siya? Siguro girlfriend ni Mr. Sir President? Naabotan niya kaya lola ko? Bampira kaya siya? Pinilig ko nalang yung ulo ko dahil sa dami ng tanong.
"It's good then."
"I miss you talaga Vonn. Don't you miss me too?" Pabebeng sabi nung Babae.
Napairap ako ng palihim. Ang oa naman niya. Talak ng talak kahit alam naman niyang nonchalant yung kausap niya.
Nag hugas ako ng kamay at saka ipinahid sa apron na suot ko. Tapos na akong mag hugas kaya kumuha ako ng baso at saka sinalinan ito ng tubig at lumagok. Wala akong narinig na sagot kay Mr. Sir President kaya habang lumalagok ay tumingin ako sa direksyon nila.
Naka cross ang kanyang kamay habang hawak naman ng isang kamay ang wine glass na may lamang pulang likido. Alam ko kung anong klaseng likido iyon kaya medyo napangiwi ako. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa'kin.
"Of course I am." He answered while still looking at me.
Umiwas ako ng tingin saka pabagsak na binaba yung baso. Hindi naman sa sinadya ko, feel ko lang talaga na ibagsak 'yon kasi wala na naman laman diba?
"Ohh Vonn! You're so sweet talaga! Wait, I'll just get back into your room okay? I will just take a bath and can I still borrow one of your shirt again? Wala kasi ako ma-isuot that's why mag s-shopping ako ngayon." Maarting sabi nung babae saka tumayo at tumingkayad para humalik sa pisngi ni Mr. Sir President at saka umalis.
Bago lumabas ay binalingan ako ng matalim na tingin nung babae saka umalis. Para saan naman 'yon? Binalingan ko si Mr. Sir President at na huli ko itong nakatitig na pala sa'kin.
Umiwas ako ng tingin at saka iginala yung paningin sa ibang dako ng kusina. Tama nga siguro yung hinala ko. Maybe they're in a relationship? it's really obvious kaya. So ano naman? May pake ba ako? Mapapakain ba ako ng relasyon nila?
Sa iisang kwarto pa sila nag s-stay at hindi na dapat isipin na kung may nangyari na ba dahil halata naman, suot pa nga nung babae yung polo ni Mr. Sir President. Nag kibit balikat ako saka naglakad nalang palabas dahil ayaw kong makasama si Mr. Sir President.
Mariin lang niyang sinusundan yung mga kilos ko. Nung nalagpasan ko na siya ay bigla akong napatigil sa paglalakad dahil may isang matigas na kamay ang humila sa braso ko.
"Where do you think you're going?" His voice was deep and cold.
Hinarap ko siya at bumaba yung tingin ko sa kamay niya na nasa braso ko. Napansin niya 'yon at agad siyang ngumiwi at binawi yung kamay niya.
"Aalis?" Sabi ko sa tono na parang halata na sa ginagawa ko.
"Her name is Loraine. And she's staying here for good so you must be good at her. Understood, little human?"
Umirap ako. "Teka lang ah? Hahanapin ko muna yung pake ko. Para kasing naiwan ko kanina sa basurahan eh." Peke akong ngumiti.
Dumilim ang kanyang mukha at umigting ang kanyang panga. "You're not respecting me again." Madiin niyang sabi.
Nag peace sign ako. "Edi peace po Mr. Sir President. Nakalimutan ko lang na tawagin kayo sa gusto niyo." Sarkastiko kong sabi saka ngumiti ng matamis.
Kita ko yung igting ng panga niya. Umiling siya at saka binalingan ulit ako ng tingin. Inilapag niya ang wine glass sa island counter at saka tumalikod sa'kin. Pero bago siya tuluyang humakbang palayo sa'kin ay nag salita siya.
"Nothing happened. She just slept in my room and I wasn't there the whole night. Clear up your mind little human. It's not what you think."
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampireHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...