"Long time no see Elizabeth..."Napa atras ako. Todo lunok ako dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa hitsura ng nasa harap ko. Hindi ito si Michael. Ibang Michael ang kasama ko!
Umiling iling ako. "H-Hindi ako si E-Elizabeth!" Nanginginig kong sambit.
Tumawa siya. "At sa tingin mo mauuto mo ako? Matagal ka na naming hinahanap. Ngayong nakita na kita... patay ka sa'kin." Aniya at parang baliw na tumawa.
Takbo. Kailangan kong tumakbo! Walang humpay akong tumakbo pabalik sa dinadaanan namin. Narinig ko ang tunog ng sasakyan na humahabol sa likod ko kaya natatarantang lumiko ako sa mga naglalakihang mga puno at tumakbo papasok sa loob ng kagubatan.
Hindi niya ako masusundan ngayon kung magkokotse siya. Takbo lang ako ng takbo habang mas lalong dumidilim ang paligid dahil pagabi na. Takot ako sa multo at sa mga madidilim na bagay, pero sa sitwasyon ko ngayon balewala na sa'kin basta makatakas lang ako dun sa nakakatakot na lalaking humahabol sa'kin.
Lumingon ako sa likod ko habang tumatakbo. Wala na akong nakikitang humahabol sa'kin at tanging mga kakahoyan nalang ang nakikita ko. Ngunit sa pag harap ko ay tumama ako sa isang matigas na bagay kaya natumba ako.
"Aray!" Daing ko sa braso ko na tumama sa matigas na bagay.
Pag angat ko ng tingin bumungad sa'kin ang mga nanliliksing mga mata nung lalaki at ang ngisi nitong nakakatakot.
"Pinahirapan mo pa ako. Lagot ka sa'kin ngayon." Agad niya akong hinila sa braso.
Nagpumiglas ako. "Bitiwan mo ako!" Kinagat ko ang kamay niya at tumakbo ulit ngunit hinila niya yung buhok ko kaya napadaing ako at napabalik sa kanya.
"Aray ko!"
Hinawakan niya ng mahigpit yung buhok ko. Parang matatanggal na yung buhok ko sa anit sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Gago ka ah!? Gusto mo pugotan kita ng ulo?!" Bulyaw nito habang dinidiinan yung pagkakahawak sa buhok ko.
Humikbi ako sa takot at umiiling iling. Sino ba 'tong lalaking 'to? At bakit pati siya tinatawag din akong Elizabeth?
"Alam mo bang matagal ka nang pinapahanap ni Boss? Kating kati na siyang makita ako na dala ka pag uwi ko!" Galit na sigaw nito.
Umiling iling ako. Kailangan kong makatakas sa kanya. Kundi papatayin niya ako!
Hinawakan ko siya sa balikat at malakas ko siyang sinipa sa kanyang maselang parte ng bahagi ng kanyang katawan. Agad niya ako nabitawan at napadaing sa sakit.
Kinuha ko iyon na pagkakataon na tumakas at tumakbo. Gabi na kaya madilim na yung paligid kaya mahirap tumakbo pero hindi ko na iyon inaalala at diretso lang ang takbo ko.
Nagtago ako sa likod ng isang malaking bato. Hinihingal pa ako sa pagtakbo. Kinapa ko yung bulsa ko para hanapin yung cellphone pero wala akong makapa. Nasampal ko nalang yung noo ko dahil naalala ko na nahulog pala iyon sa kalsada nung tumatakbo ako.
Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko dahil sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko nung makarinig ako ng kaluskos. Sumiksik ako lalo sa bato para mag tago ng mabuti.
"Tangina! Pag nahuli kita patay ka talaga sa'kin babae ka!" Galit na sigaw nito.
Napatakip ako sa bibig ko habang tumutulo ang mga luha ko. Bakit ako nahantong sa ganito? Dahil ba sa kamukha ko si Elizabeth? Yung lola ko ba o ibang Elizabeth? Pero kamukhang kamukha ko yung lola ko.
Kinabahan ako nung tumahimik yung paligid. Siguro naka layo na siya sa paghahanap sa'kin? Dahan dahan akong sumilip mula sa malaking bato.
"Huli ka!" Napapitlag ako nung may sumigaw sa likod ko kaya agad akong napalingon.
YOU ARE READING
The Devil's Maid
VampirHe was ruthless and cold, feared by everyone but fearing no one. That's how they described their Don to Flory Jaine Sarmento when she started as a maid at his mansion. A week passed, yet she hadn't met him. Her curiosity grew due to the widespread f...