Chapter 6

227 3 0
                                    

"Flory hija, bakit namumutla ka?" Bungad na tanong ni Manang Lena nung makasalubong ko siya sa hallway pababa.

Kagigising ko lang, o talaga bang gumising pa ako? Mukhang buong magdamag nga akong gising dahil dun sa Donmonyo na yun.

Tutulak tulak pa sa'kin sa rooftop sasalohin rin naman ako sa baba parang shunga lang. Kung sinabi nalang niya kaya na meet up sa baba sa likod ng mansion para hindi na hassle sa kanya yung patulaktulak sa'kin.

Tsk. Yung Donmonyo'ng 'yon talaga.

"Ah wala po Manang. Ganito po talaga ako minsan." Sagot ko.

Maaga kaming pinagising ni Manang Lena ngayon kasi may bisita daw ng Don na darating kaya kailangan namin maghanda ng makakain para sa mga bisita. Ako naman ay nag walis at nag dilig ng mga mapupulang rosas sa labas ng malawak na bakuran ng mansion.

Sabi ni Manang Lena mga kaibigan at business partner daw ng Donmonyo yung mga bisita na darating. Napa ismid ako sa iisiping may kaibigan pala ang Donmonyo na 'yon? Sa ka walang awa at napaka demonyo niya may kaibigan pala siya?

Nag kibit balikat ako. Siguro hindi naman imposible na magkaroon ng kaibigan ang mga taong katulad niya. Pero hindi siya tao, kundi bampira. Yung mga kaibigan niya kaya bampira rin ba?

Ipinilig ko nalang yung ulo ko dahil sa iniisip. Napanatag na yung loob ko kasi hindi na niya ako tinatawag sa pangalan na Elizabeth. Naiinis ako at may kung anong pakiramdam na hindi ko maintindihan kapag tinatawag niya ako sa pangalan na iyan.

Natapos na ako sa mga gawain ko sa labas kaya pumasok na ako sa loob ng mansion. Dumiretso ako sa kusina para tumulong. Kakadating lang ng mga bisita at sa rooftop daw ito tumambay. Dala ko ang tray na naglalaman ng iba't ibang pulotan.

Utos daw ng Donmonyo na ako lang daw ang maghatid lahat ng ini-uutos nila sa rooftop. Hindi ko alam kung anong pakulo na naman ang naisip ng Donmonyo na yun at pinagdiskitahan ako.

Nasa hagdan palang ako patungong rooftop ay dinig na dinig ko na ang mga malalalim na boses na nagtatawanan. Pagka akyat ko sa rooftop agad kong nakita ang Donmonyo na nasa mini bar kasama ang tatlong lalaki. Nakatalikod ang Donmonyo sa'kin kaya hindi ko kita ang mukha nito habang ang tatlong lalaki naman ay nagtatawanan.

  
Nung makalapit ako sa kanila ay biglang natigil ang kanilang tawanan. Inilapag ko lahat ng pulotan sa table na nasa gitna nila. Nag angat ako ng tingin sa harap ko. Sumalubong sa'kin ang madilim na aura at dalawang pares ng abong mga mata ng Donmonyo. May hawak ito na alak.

Tumaas yung isang kilay niya nung magtama yung mga mata namin. Naputol lang yung titigan namin nung may tumikhim sa gilid ko.

"Who's this beautiful woman, dude?" Nakangiting sabi nung lalaking may piercing sa dila habang nakatingin sa'kin.

Tinignan ko yung tatlong lalaki na nasa harap ko. Lahat sila ay makikisig at mukhang magkasintangkad lang din silang apat. Sa mukha naman ay walang talo, lahat may hitsura at ang lalakas ng karisma. Tanging ang lalaking may madilim na aura at abohing mga mata lang ang naiiba sa kanila. Ang Donmonyo lang yung palaging nakasimangot at mukhang galit sa mundo kumpara sa mga lalaking kaharap nito na palangiti at tawa ng tawa.

"Nico is being Nico, again." Pailing-iling na sabat nung lalaking katabi nito na may asul na mga mata. Nag angat ito ng tingin sa'kin saka ngumiti. "By the way, what's your name?" Marahang sambit nito.

Agad siyang binatokan nung lalaking Nico ang pangalan. "Hey! Ako ang na una!" Angal nito.  

"Edi wow." Pambabara nung lalaking may asul na mata.

"Ano ba kayo? Mga mukha kayong babae!" Sabat nung pangatlong lalaki na may ahit sa kabilang kilay at saka binalingan ako. "Don't mind them. Mind me nalang." Aniya at kumindat sa'kin.

The Devil's MaidWhere stories live. Discover now